SIX - Getting Closer

67 2 0
                                    

"Mushroom sa tingin mo, bakit hindi napapagod sa pagtibok ang puso natin? Parang 7/11, 24/7." tanong ko


Nandito kami ngayon sa garden ng school. Wala kaming teacher kaya naisipan naming tumambay dito. Maganda din kasi pagmasdan yung mga halaman dito e tsaka napaka-peaceful ng lugar na ito. Wala kasing masyadong pumupunta dito dahil may kalayuan ito sa mga classrooms.


"What kind of question is that? E di mamamatay ka kung hindi titibok ang puso mo." sagot naman nya


"Eh kung hindi napapagod ang puso sa pagtibok, bakit napapagod ang puso magmahal?" tanong ko 


"Seriously Miss Broken, what are you trying to say?" tanong nya


"Wag mo ng sagutin, alam ko namang hindi mo din alam ang sagot."


Totoo naman di ba? Bakit nga ba hindi napapagod ang puso sa pagtibok tapos napapagod naman sa pagmamahal? Parang yung puso ni Vin, napagod na sa pagmamahal sa akin pero hanggang ngayon tumitibok pa rin naman yung puso nya.


Namimiss ko na ng sobra si Vin. Mag-iisang buwan na rin pala simula nung nakipag-break sya sa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin sya nakakausap. Gusto kong malaman kung anong dahilan ng pag-iwan nya sa akin. Kung totoo ba na pinagpustahan lang nila ako. Kung lahat ba talaga ng pinakita at pinaramdam nya sa akin e puro kasinungalingan lang din.


Totoo pala yung sinabi nila na mahirap talaga mag-move on. Kahit kailan kasi hindi ko naisip na maghihiwalay kami ni Vin. Hindi ko tuloy napaghandaan.


"Hoy! Tulala ka na naman dyan!" panggugulat nya


"Ay kabuting foreigner!"


"Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat dyan?!" singhal ko sa kanya matapos nya akong gulatin


"Eh tulala ka na naman dyan e! Bakit ba palagi mo syang iniisip?"


Ano daw iyon? Nabingi ata ako. Paano naman nya nalaman ang iniisip ko? Tsaka ano naman kung iniisip ko yung iniisip ko? Masama ba? Pakielamero talaga 'tong foreigner na ito e. Sa inyo na lang sya gusto nyo?


"Wag ka ngang KJ dyan!" saad ko ng may katamtamang tono


"Ako pa KJ! Ikaw nga dyan e, ako nasa tabi mo pero iba naman nasa isip mo." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nya


"Hoy konti na lang iisipin kong nagseselos ka na!" sabi ko


"Bakit hindi pa ba halata?" mas lalong nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ng mga sinabi nya


"Oh naniwala ka naman! Joke lang yun no." sabi nya sabay tawa


Grrr! Kainis! Inaasar na naman nya ako! Tumayo ako saka nagsimulang maglakad palayo.


"Hoy san ka pupunta?" tanong nya pero hndi ko sya sinagot o nilingon man lang. Bahala sya dyan. Palagi na lang nya akong pinagtitripan.


"Miss Broken!" tuloy-tuloy lang sya sa pagtawag sa akin pero hindi ko sya nililingon hanggang sa humarang na sya sa harapan ko. Tiningnan ko sya ng masama dahil sa ginawa nya.


"Sorry. Para binibiro ka lang naman e." iniinis nya talaga ako.


"Tabi dyan!" inis na saad ko.


"Ayaw." Sagot naman nya. Sinubukan kong mag-iba ng direksyon ng dadaanan pero hinaharangan nya lang ako.


"Ano ba?! Hindi ka ba tatabi?" masungit na sigaw ko


"Tampo ka na naman e. Libre kita ice cream." Parang batang saad nya tapos nag-pout pa sya.


"Anla ayoko na ng ice cream. Magkaka-diabetes na ako ng dahil sa ice cream na yan!" saad ko


Nagsimula syang magpacute at mag-puppy eyes pero imbes na maawa ako sa kanya e natatawa ako sa itsura nya. Cute naman sya tingnan kaya lang mukha syang batang yagit. Pinipigilan kong matawa dahil masyado na naman syang magiging proud sa sarili nya kapag napatawa nya ako.


Seriously? Anong meron sa lalaking ito at ang bilis-bilis ko matawa sa mga simpleng expression na pinapakita nya? Anong super powers ba meron sya at palagi nya akong napapasaya? Ilang linggo pa lang naman kami magkakilala pero ang gaan-gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong sumapi sa akin at feeling ko unti-unti ay nakakarecover ako sa pag-iwan ni Vin sa akin. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na aalis din sya at iiwan ako.


"Sige na My Broken, sorry. Bati na tayo? Libre na lang kita ng ampalaya, panlaban sa diabetes." hindi ko na napigilan at napatawa na talaga ko. Nakakatawa talaga sya. Paano naman kaya nya nalaman na panlaban sa diabetes ang ampalaya?


"Yes! Bati na tayo, napatawa kita! Wag kang tatanggi." Nakangiting sabi nya


"Tsk! Oo na. Maligno ka ba o may super powers ka lang talaga? Ang galing mong magpatawa e."


"What is maligno?" ayan na naman sya sa pagka-inosente nya.


Hindi ko maintindihan kung hindi nya ba talaga alam o gusto na naman nya akong pagtripan. Minsan may mga sinasabi syang hindi mo aakalaing alam nya tapos minsan naman yung simpleng bagay na akala mo alam nya, hindi naman pala. Ang gulo-gulo ng foreigner na ito, itapon ko kaya sya sa Mars.


"Hala wag mo ng alamin, itapon kita sa Mars e!" sabi ko at saka nagtuloy sa paglalakad.


"Sige ba basta kasama kita e!"


Sumasakit ang ulo ko sa isang ito. Ang kulit!


**********

Hello? Lego House ni Ed Sheeran sa taas. Play mo. :)

-SYeshaJheyn-

Broken-Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon