Chapter 2
Lucia's POV
After kong mag sign ng contract nakipag meet yung college friends ko sa kin around 3pm sa metrowalk para mag goodtime. Good thing na nasa Ortigas na ko kasi wala akong dalang kotse mahirap mag commute kapag sa Avenue pa kami magkikita along Makati Ave. yun. Matagal kaming nag stay dun, past 6 na nakita ko yung dalawa kong officemate si Tina and Gracey. College friend namin si Gracey kaya kilala na nila siya.
Magdidinner sila Tina and Gracey sa isang restau sa Metrowalk kaya nandun sila.
"Gracey!" lumingon agad si Gracey, pagtawag ko sa kanya.
"Uy Lucia! Sandy? Carol? Wow ano 'to? Reunion? Hahaha. Anong ginagawa niyo dito?"
"Nag good time lang" sagot ni Sandy.
"Magdinner tayo sa bahay, gusto niyo?"
"Good idea yan girl! Diba Tina?"
"Korek!"
Nagpunta na kami agad sa bahay pagkatapos namin magusap usap. Pagdating namin dun may friends din si kuya mga gym mate niya. Nagulat si Gracey and Tina dahil nandun si sir Carlo, di na ko masyadong nagulat dahil pagkasabi pa lang ni kuya na gym mate niya expected ko na nandun si Mr. G.
Nagdecide kami na maki join kela kuya pero nagdinner muna kami bago mag inuman.
"Lucia bakit hindi mo naman sinabi samin ni Gracey na pumupunta pala dito si sir Carlo"
"Actually recently ko lang nameet si Carlo. Uhmm, after ng interview ko! Syempre nagulat din ako na friend siya ni kuya. Sorry my bad!"
"You know what Lucia? First time namin nakitang ngumiti si sir Carlo ay Carlo lang pala. Hahaha. Kaya nga mas nagulat kami na mas gwapo pala si Carlo kapag naka smile"
"Wala siyang dating sa kin eh" sobrang in denial ko pero kinikilig talaga ko deep inside.
"Manang Cedeng pagkatapos namin kumain pwede ka ng matulog ah. Wag mo na kaming intayin matapos uminom. Baka magkasakit ka nanaman"
"Sige po mam Cess"
"Ang bait mo talaga Lucia no? Ewan ko ba kung bakit hindi ka nagkaka bf ng matinong lalaki"
"Hayy naku! Sila ang problema hindi ako! Tara na nga sa dent!"
Carlo's POV
Pupunta sana ako sa CR para mag pee kaso nasa kitchen yung CR kaya hindi ko sinasadyang marinig yung usapan ng mga empleyado ko. Sa isip isip ko ganun ba talaga ko ka-strict at first time lang nila ko nakitang ngumiti. Magpasalamat sila at inspired ako kay Lucia. Pero hindi pa sila tapos magusap tungkol sa kin at narinig ko yung sinabi ni Lucia na wala akong dating sa kanya. Ouch! Pero ngayon lang ako ulit na attract sa isang girl ng ganito. Nahihiya naman ako kay Rafael pag niligawan ko 'tong bungangerang babaeng 'to. Mayaman din sila, may sariling company dad niya pero bakit ayaw niya dun magtrabaho. Malalaman ko din yun pag nakilala ko na siya ng husto.
Nung tumayo na sila bumalik ako sa dent para hindi halata na nakinig lang ako sa kanila.
"Pare, lipat tayo sa Lanai para medyo relaxing yung pwesto" Sabi ni Rafael pagdating ko.
"Sige sige. Tara!" ayun na lang nasabi ko kay Rafael. Mas gusto ko sana sa dent para medyo masikip magkakatabi kami ni Lucia. Assuming talaga ko.
"Oh! San kayo pupunta kuya Raf?" akala ni Lucia tapos na kami at uuwi na.
"Sa may Lanai na lang tayo baby sis!"
"Kuya! we're infront of our friends, wag mo na kong tawagin na baby sis! Hmmmp" nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya baby talaga siya ni Raf kaya mahirap diskartihan.
BINABASA MO ANG
Love Takes Time (On Going)
Ficção AdolescenteAng tunay na pag-ibig ay yung hindi mo alam kung bakit mo siya nagustuhan. Pero minahal mo siya sa hindi mo mapaliwanag na dahilan. Remember: Love is the master key that opens the gates of happiness. First story ko po 'to kaya please don't judge too...