TRUE STORY #17 (from: @nelrehjchezzy)

5K 99 11
                                    

Doppelganger part 1


@nelrehjchezzy's POV


Last 2013 ito nangyari. Husband ko ang naka-experience. Sa bahay pa kami nila Mama at Papa nun nakatira dahil wala pa kaming sariling bahay nun.


One day, tumambay ako sa terrace namin. Nilalaro ko yung mga aso ko. That moment naman, nasa kwarto nila Mama ang husband ko dahil may kinuha siyang gamit doon. Ang gilid pala ng door sa kwarto nila Mama ay hagdanan. Access ang hagdanang iyon patungo sa kwarto namin ng husband ko. Kwarto lang namin ng husband ko ang nandoon kaya walang ibang aakyat doon.


So, nung palabas na daw ang husband ko galing sa kwarto nila Mama, nakita daw niya akong umaakyat sa hagdan. Tinawag daw niya ako pero lumingon lang daw ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Sa pag-aakalang may mood swing na naman ako dahil buntis ako nung mga panahong yun ay agad niya akong sinundan sa taas pero pagdating niya sa taas, wala daw ako doon. So, agad niya akong hinanap sa pag-aakalang nagtatago lang ako nun pero nalibot na daw niya lahat ng parte ng kwarto namin ay hindi daw talaga niya ako nakita. Doon na siya nakaramdam ng takot kaya dali dali siyang bumaba at hinanap ako. Nasumpungan niya naman agad ako sa terrace kaya agad niya akong tinanong.


"Mii, umakyat ka ba sa kwarto natin?"


"Ha? Hindi. Bakit Dii?" Takang sagot ko naman na dahilan para mawalan ng kulay ang mukha niya. Kaya agad ko siyang dinaluhan at doon na niya kinuwento sa akin ang nakita niya.



Doppelganger part 2


Grade six ako nung nangyari 'to. Kami lang na dalawa nun ni Mommy sa bahay. Kakatapos lang namin nung kumain ng pananghalian kaya agad akong umupo sa harap ng TV. Mayamaya pa...


"Nak, ikaw muna maghugas ng plato. May lakad kasi ako. Baka malate ako. Maliligo pa kasi ako e."


Dahil sa sinabi niyang yun, talagang nag-init ang ulo ko dahil sa lahat ng mga gawain sa bahay, ang paghuhugas ang pinaka-ayaw ko. Pero dahil nga pumasok na nun si Mommy sa banyo at naligo na ay wala na akong ibang nagawa kundi ang sundin nalang ang utos niya at dahil hindi ko talaga matanggap na ako ang pinaghugas niya, nagsimula na akong magmura ng magmura. Pero nagulat nalang ako dahil mayamaya pa, may biglang kumalabit sa akin, si Mommy.


"Ano?!" Tanong ko na medyo pabulyaw pero hindi siya kumibo. Nakatitig lang siya sa akin habang nakangiti ng nakaloloko. Ako naman, nakatitig din sa kanya pero iba na ang nasa isip ko nun. May iba kasi kay Mommy nun. Sobrang kapal ng kilay niya na parang hindi siya ang kaharap ko. Nagtataka din ako nun kung bakit suot niya pa ang suot niya kaninang pangbahay e narinig ko naman kanina na lumalagaslas na ang tubig sa banyo tanda na naliligo na si Mommy. Kaya naman imbis na mag-isip ng kung ano ay tinalikuran ko nalang siya.


"Akala ko ba may lakad ka? Maligo ka na nga dun! Isturbo e!" Inis nalang na sabi ko pagkatapos ay sinulyapan ulit siya pero ganun nalang ang takot ko nang makita si Mommy sa likuran ko, nakatapis na ng tuwalya at basa na ang buhok.


"May kausap ka?" Takang tanong niya. Natigagal ako nung mga oras na yun habang nakatitig sa mukha niya. At mas lalo pang tumindi ang takot ko nang makita ang kilay ni Mommy, hindi iyon makapal katulad ng nakita ko kanina. Kaya sa sobrang takot ko ay yumakap agad ako kay Mommy at humingi ng sorry habang nag-iiiyak. Hindi ko na nun sinabi sa kanya ang nakita ko pero alam ko, demonyo iyon na nasisiyahan dahil nagmumura ako. Pwede ding doppelganger iyon ni Mommy. Ewan.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon