simula pa lang 'yan, Yoshiko Inishika! simula pa lang! -Slendrina
~•~•~
nagising sa sinag ng araw si Yoshi. umupo muna siya at nilibot ng tingin ang tent. tulog pa ang mga kasama niya.tumayo siya at inayos ang sarili. paglabas niya, nakita niya na gising na si Derrick at Nikkie. kita niya na nag-uusap ang dalwa at kitang-kita nya na masaya ang dalwa. biglang bumigat ang damdamin niya.
hanggang ngayon pala. mahal parin kita, Derrick. pilit ko lang isinisiksik sa isip ko na hindi pwede dahil may Nikkie ka na. sambit ni Yoshi sa sarili.
pumunta siya sa may falls. dala niya ang cellphone niya at gusto niyang picturan ang falls.
"ang ganda ng falls!" sambit niya at pinicturan ang falls. isang photographer ang tatay ni Yoshi. that's why, may kakayahan syang kumuha ng mga pictures na maganda kahit saang anggulo.
habang tinitingnan nya ang litrato. may nakapukaw ng kanyang tingin.
ang ganda ng kuha ko dito! sambit nya sa sarili. proud na proud sya kahit siya lang ang nakakita.
"ang ganda naman."
"ay falls na mahaba!" napatalon sa gulat si Yoshi. nilingon nya ang nanggulat sa kanya at nagulat sya dahil si Derrick ito. "Derrick?!"
"hi. ganda mo palang kumuha ng litrato. ang galing mo, Yoshiko." umiwas ng tingin si Yoshi.
"salamat. sige, punta muna akong tent. i better check the girls." paalis na sya ng hawakan ni Derrick ang wrist nya.
"please, Yoshiko. don't leave me." paki-usap ni Derrick.
"seriously? are you kidding me, Derrick?!" may halong pagkainis ang tono ni Yoshi. "pinapaki-usapan mo ako ng ganyan? eh, luma na 'yan eh! nasabi ko na 'din 'yan sa'yo noon eh. kaso, anong ginawa mo? you leave me! bitaw!" pagkabitaw na pagkabitaw ni Derrick sa wrist ni Yoshi ay nanakbo na ito palayo sa falls.
napabuntong-hininga na lamang si Derrick at pumunta na ulit sa tent nina Nikkie.
"ano na? kamusta?" nakangiting tanong ni Nikkie.
"wala eh. ayaw nya. masyado ko syang nasaktan." malungkot na pahayag ni Derrick. tinap ni Nikkie ang balikat ni Derrick.
"may susunod na oras pa. kaya 'yan." sabi ni Nikkie na nakapag-pangiti kay Derrick.
"tama ka, little girl." at nagtawanan sila.
ang pinag-uusapan kanina nina Derrick at Nikkie ay kung paano mapapatawad ni Yoshi si Derrick at masabi ni Derrick ang totoo. tinulungan sya ni Nikkie pero walang epekto. masyadong masakit ang nagawa ni Derrick.
samantala, busangot na busangot ang mukha ni Yoshi habang inaayos ang kanyang higaan.
"kapal muks! grrr! kapal! aish!" bulong nya sa sarili. naalimpungatan naman ang kanyant katabi na si Meghan.
"ano ba, unnie? what's the problem?" tanong nito habang nangangamot ng ulo.
"nothing! kainis lang talag si Derrick! grrr!!!" sabi niya at pinalo-palo ang kanyang unan.
napa-iling na lamang si Meghan sa kabaliwan ni Yoshi.
BINABASA MO ANG
The Revenge of Slendrina
Mystery / Thrillerang larong kinagiliwan ng lahat... ang larong kinatakutan ng lahat... maghahasik ng lagim sa mundo... maghanda sa pagsugod niya... she will take her revenge for her granny and for her baby. better watch out when your alone. maybe, Slendrina is at yo...