AKIHIRO POV
Yes! Sobrang saya ng araw ko ngayon. Sa wakas natapos narin ang practice ng basketball hindi ko akalain na pagkasali ko palang nung lunes practice na kaagad. Sobrang pagod ko nung araw na yun dahil sa abala ako sa pag gawa ko ng project at plates nung hapon nun nagpractice na kaagad kami ng basketball. Gabi na kami natapos kaya pag uwi ko sa bahay nila Yumi sarado na yung gate.
Sobrang dami kong ipapaliwanag kay Yumi ngayon dahil araw araw nya akong tinetext pero hindi ako nakakapagreply sakanya. Unang una kinukuha ng coach namin ang cellphone namin tuwing practice ibibigay lang saamin kapag tapos na ang practice, sa umaga naman hindi ko na magawang magtext dahil maaga akong pumapasok sa school para magpasa ng mga requirements o kaya naman gumagawa ako ng plates nun. Kapag umuwi naman ako dumederetso ako palagi sa bahay nila Yumi pero palagi kong naabutan ang gate nila nakalock na. Hindi ko na sya matext sa gabi dahil wala narin akong load at wala na akong maloloadan dahil sa bahay nila Yumi bibihira lang ang tindahanan.
Gustong gusto ko ng makita si Yumi dahil miss na miss ko na sya. King alam nya lang tuwing practice namin sya lang ang iniisip ko kaya nga ako ginaganahan sa pagpapractice dahil sakanya pero naiinis ako tuwing darating yung oras ng hapon palaging pumupunta si Liza sa gym at nilalapitan ako tuwing break time. Nakakairita ang ginagawa nya feeling nya girlfriend ko sya nakakainis yung pagbibigay nya ng tubig at pagpupunas ng pawis ko. Kaya ko naman gawin yun naiinis narin sila Owen kay Liza dahil nakikita rin nila yung ginagawa ni Liza mabuti nalang nagpaliwanag kaagad ako sakanila na isa sya sa babaeng nangungulit sakin. Sinabi ko iyon noong nanuod sila ng practice namin kahapon sobrang naiirita na ako sa babaeng yun si Yumi lang ang pwedeng gumawa saakin ng mga ganung bagay.
Lumabas na ako ng school namin isang linggo at dalawang araw ko narin hindi nakikita si Yumi excited na akong makita sya. Yayakapin ko talaga sya ng mahigpit pag nagkita kami. Mabiti nalang natapos na ang practice namin sobrang pagod ang inabot namin sobrang higpit ng coach namin sa dami ng rules ni coach bawal magcellphone, bawal malate, mag focus sa paglalaro next week na ang game namin kaya gusto kong papuntahin si Yumi sa game namin. Para magka energy ako at para galingan ko sa paglalaro.
Susunduin ko si Yumi sa school ngayon tinignan ko ang cellphone ko habang bumabyahe papuntang school ni Yumi. Sobrang tuwa ko ng mahawakan ko ang cellphone ko kanina nung binigay ni coach. Hinalikan ko talaga ang cellphone ko sa sibrang tuwa dahil sa wakas mababasa ko na ang text ni Yumi saakin kahit hindi ako nakakapgreply sakanya nagtetext parin sya ng good night at i love you saakin ang sweet talaga ng girlfriend ko tinignan ko ang date ng text nya walang bago. Hindi sya nagtext saakin ng dalawang araw. Bakit kaya?
"Sir nandito na po tayo." Sabi ni Manong Ben kaya bumaba na ako agad at tumakbo papasok ng school.
Dumeretso ako sa room nila Yumi excited na akong makita yung girlfriend ko! Damn. Sobrang namimiss ko na sya ang hirap kaoag hindi ko sya nakikita. Nakita ko sila Yuki nakatambay sa harap ng classroom nila nasa corridor lang sila.
"Guys!" Tawag ko sakanila kaagad silang napatingin saakin at parang gulat pa ng makita nila ako. Lumapit ako sakanila hinanap ng mata ko si Yumi pero wala sya. Nasaan siya?
"Si Yumi?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan sila.
"Hindi mo ba alam?" Tanong saakin ni Yuki. Anong hindi ko alam? May nangyari bang masama kay Yumi?
"Alin?" Tanong ko.
"Hindi pumasok si Yumi ng dalawang araw. Nilalagnat." Sabi ni Faye. Napapikit ako at bumuntong hininga. Bakit hindi sinabi sakin ni Akira? Handa akong mag absent sa practice para lang bantayan si Yumi. Damn.
"Bakit daw?" Tanong ko. Anong klaseng boyfriend ako? Wala akong kaalam alam sa girlfriend ko.
"Palaging puyat at pagod." Sabi ni Angie saakin at umirap. Ang sungit yata ni Angie ngayon? Napatingin ako sa loob ng calssroom nila. Ah alam ko na may kasama palang babae si Daniel.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Algemene fictieHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...