Morgan's POV
Condo....
Dahil mataas ang pride ko, di ako papatalo at papaapi sa Kenzo na yun. Kaya naman inutusan kung kumuha ng VIP Pass si Patch sa Executive Resort kung saan gaganapin ang isa sa pinakamalaking event ng taon na ito.
Iba't-ibang artist, sari-saring pangalan, mga maimpluwensyang tao at higit sa lahat ang mga powerful and big time owner ng isang Art Gallery sa German ang makikita ko roon. Syempre gamit ang pangalan ko, kahit di ako personal na pinadalhan ng imbitasyon makakapasok ako dahil din yun sa impluwensya ng pangalang meron ako. (Chavez).
"Matagal-tagal na rin noong huli kang umattend sa mga totoong parties Morgan, anu kayang nakain mo at atat kang pumunta sa party na yun, at nagpakuha kapa talaga ng VIP Pass para lang makapunta ka" takang tanong ni Patch then inirapan ko siya.
"Pwede ba Patch, manahimik ka na lang, hirap na nga ako sa pagpili ng susuotin tapos daldal kapa ng daldal dyan, Hindi ka nakakatulong alam mo ba yun!?" Kinuha ni Patch yung isang box na naglalaman ng bagong dress na galing pa sa London.
"May nangyari ba at bigla kang nahipan ng sariwang hangin? Sa pagkakakilala ko sayo, hindi ka interesado sa mga ganyang gatherings ahhm. Hwag mong sabihing doon mo hahanapin yung first kiss mo. At hwag mong sabihin, iisa-isahin mo silang hahalikan, Morgan ahh hwag na hwag kang magkakalat doon." Pagpapaalala sa akin ni Patch then sinukat ko yung heels na nabili ko naman sa Italy.
"Masama bang magkainterest ako sa art ee artist ako. At isa pa inaabangan ko talaga to ee. Magpapakuha ba ako ng Napakakmahal na Pass kung di naman ako interesado diba?" Pagsisinungaling ko then tumingin si Patch sa Heels ko
"Kilala kita Dani Morgan Chavez, mula ulo hanggang paa kabisado na kita. Sa mga pinapakita mong senyales, nahuhulaan ko na kung anu ang balak mo doon WOAHHAHAHAH" sabi ni Patch with evil laughing pa ahh.
"Bahala ka kung anung gusto mong isipin. Kung gusto mo sumama ka, but buy your on pass"paghahamon ko sa kanya then tumingin ng masama sa akin si Patch.
"Hindi ko na pag-aaksyahan pa ang pass na yan, halos kita na nang boutique yang price nya ahh. At isa pa ayokong makipagwalwalan dyan, di mo naman ako kayang pasanin kapag nalalasing na ako ee" prangka nyang sagot thsn natawa ako.
"Hindi ako magwawalwal doon. At magbebehave ako doon. Pag na-bored na ako edi uuwi na ako" pagsisinungaling ko then umiling si Patch.
"Hindi ako naniniwala na wala kang gagawin doon. Kahit pa ipagpalit ko ang kaluluwa ko sa mga paganu, nasisiguro kung may binabalak ka " natatawa nyang sagot then hinagisan ko sya noong box ng heels ko.
"Best friend ba talaga kita? Kung pag-isipan mo ako parang ang sama-sama kung tao. Balibhasa wala kang alam sa outside world ee " i turn my back then tinalikuran ko sya
________________"Humanda ka Kenzo Martinez, hindi ako makakapayag na husgahan mo ang pagkatao ko"
I spent a lot of time para lang maging perfect ang bawat anggolo ko. Mula ulo hanggang paa.
Shoes...100,000k...Dress....300,000k...Jewelies ...250,000k....Bag....140,000k. A total of millions....
Isama mo pa ang priceless kung kagandahan, kahit tapatang ng billion at mga ari-arian, walang makakapantay sa angkin kung kagandahan.Napatingin ako noon sa pinto ng kwarto ko noong magbukas ito.
"Caiden!" Nagtama ang mga tingin namin ni Caiden sa mirror.
"Saan bang party yan at talagang nag-ayus kapa ng husto at ayaw mo pa akong isama?" Inis nyang tanong then naupo sya sa kama ko
"Ito ang pinakaimportanteng party na pupuntahan ko kaya hindi ka pweding sumama." Nakakaloko kung sagot then umiling-iling na lang si Caiden.
BINABASA MO ANG
Unwanted Status (7RWIS-book2)
RomanceMy Unwanted Status, took my entire life and dignity. How come na ang lalaking pinangarap at hinanap ko ay iisa. Na syang dahilan kung bakit nagpakababa ako ng husto para lang may napatunayan ako sa pamilya ko at sa lahat ng taong minamata ako. Putt...