1.
Tapos na ang summer vacation. Haayy, pasukan na ulit. Babalik na naman ako sa dati kong paaralan. Makikita ko na ulit silang lahat. Nakakamiss din ang mga kaklase ko. Nandun pa kaya siya? Baka wala na rin. Matagal ko na siyang di nakikita. Grabe ang pagod ko sa biyahe. Makatulog na nga.
5:30 am
Aga kong nagising. Excited kasi ako. Nag-kape lang ako. Nagtricycle at bumaba na ako sa eskwelahan namin. Naaamoy ko amoy ng lugar na ito. Parang dati lang. Nagmadali akong pumunta sa opisina ng principal. Sandali lang naman ako dun dahil nagaral na rin ako dito. Wala naman kasing nagbago. Ganun pa rin naman. Nabalitaan ko rin na patay na si Crisanta. Isa siya sa mga sikat dito sa school kaya nanghihinayang ako. Mabait, maganda at matalino siya. Kumbaga pinapangarap ng bawat lalake.
~
Sumakay lang ako ng tricycle papunta sa school na papasukan ko. Pinadiretso muna ako ng guard sa guidance para maaprubahan ang paglipat ko dito. Pagkatapos nun ay lumabas na’ko sa office. Dumiretso na’ko sa bago kong room. Kinakabahan ako dahil di ko alam kung ano ang mangyayari sa araw na ito.
Pagkabukas ko ng pinto ay sabay-sabay ang mga mata nila na tumingin sakin. Kinikilatis ang pagkatao ko. Nagulat na lamang ako dahil sila pa rin ang mga kaklase ko. Mukhang di naman ako mahihirapan dahil kilala naman nila ako. Ngumiti na lamang ako at dumiretso sa upuan ko. Medyo naiilang ako dahil nakatingin pa rin silang lahat sa’kin. Napalingon na lamang sila nang may magsalita.
“Welcome back Elise!” masayang bati sa’kin ng president ng klase, si Vivien. Kahit nung nag-aaral pa’ko dito dati ay siya in ang president. Wala talagang nagbago. Mukhang magiging masaya ang pasukan na ito.
“Salamat Vivien” sagot ko naman sa kanya. Sa total nga ay mabait na tao yang si Vivien, mapagkakatiwalaan. Nginitian na lamang niya ako at tumayo na sa harap.
“Guys, attendance muna. Balik na kayo sa upuan niyo.” Sabi niya sa iba at sumunod naman agad sila. Ganito rin dati.
“Ang KJ mo talaga si Vivien!” sigaw ng babaeng naka-miniskirt, si Rebecca, ang Queen bee. Siya pa rin? Sa bagay mukha namang walang makakatalo sa kanya eh. Sobrang taray kaya niya. Nakakatakot siya dahil marami siyang alagad at may control siya sa school na ito. Bully din siya kaya mas kinatatakutan siya. Ito na ang kinatatakutan ko. Pero masaya ako dahil nakita ko siya ulit. Kahit si Crisanta hindi matalo ang babaeng yan.
“Vivien pinapatawag ka ni Mr. De Castro” sabi ng isa kong classmate na babae.
Bigla namang sumakit ang tiyan ko kaya lumabas ako para pumunta sa CR. Pagkatapos ko mahimasmasan ay naghugas na ako ng kamay. Itinapon ang tissue sa basurahan at bumalik na sa klase. Pagkabalik ko nandito na rin si Matty. Late pa rin. Wala talagang nagbago.
Pagkatapos ng dalawang subjects ay breaktime na. Hindi pa rin nakakabalik si Vivien. ‘Balka maraming pinagawa si Mr. De Castro’ sabi niya sa isip niya. Papunta na ang lahat sa canteen nang may sumigaw.
“AAAAAAHHHHHH!!” isang sigaw na nagmumula sa cr ng babae. Tumakbo kami papunta roon. Pagkadating ko sa loob ay may mga dugo sa sahig. Nakita kong umiiyak si Amanda habang nakaupo sa duguang sahig. Tinignan ko ang huling cubicle kung saan may pinakamaraming dugo at kagimbal-gimbal ang aking nadatnan. Isang babeng patay at duguan. Puno ng saksak ang dibdib. Nalapasok sa inidoro ang ulo nito at nakatali ng barbwire ang leeg. Konting galaw niya ay mapuputol na ang kanyang ulo. Halos di makilala ang bangkay kung wala itong ID. At lahat kami ay nagulat ng malaman kung sino ang babaeng iyo . . . .
Si Vivien Albanez.
Hinanap ko si Shinto at Grace ngunit wala sila. Nasan sila? Sa mga oras na ganito ay dapat nandito sila. Si Shinto ang VP at si Grace ang Secretary.
Baka . . . .
NORMAL P.O.V.
Habang may nangyayaring krimen sa palikuran sa 1st floor ay may nangyayari ding kababalaghan sa storage room sa 4th floor. Nandito si Shinto at Grace. Tila’y parang nasa sarili nilang mundo habang nagsisiping.
“Ahhh... Ohhh .. Sht!” bulyaw ni Shinto. Hindi na nito napigilan ang sarili dahil sa sensasyong nararamdaman niya. Madilim sa storage room at sound proof kaya walang makakaalam sa ginagawa nila. Agad naman siyang nasampal ng dalaga.
“Sshh... Damn Shinto! Wag kang magulo! Para namang first time mo! At saka wag kang maingay! Remember may image ako dito!” sabi ni Grace kay Shinto. Tama naman siya dahil kilala siya bilang isang mabait at perfect. Disastrous nga naman kung masisira ito dahil sa pangyayaring ito.
“I know babe” at itinuloy na lamang nila ang ginagawa. Hindi nila alam na may mga matang nagmamasid sa kanila. Mga mata na siyang nagpasimula ng gulong kinasasangkutan nilang lahat.
A/N:
HELLO! 3 UPDATES IN ONE DAY! *sabog confetti* HAHA! WALA NA AKONG MASABI.
ANG MGA CLUES AY NAKAKALAT.
| VOTE | COMMENT | BECOME A FAN/FOLLOWER|