1st ballpen

19 1 0
                                    

"Hayyyyyy,lunes na namaaaaaan. Trabaho. Trabaho. Trabaho.”

“Reklamadora ka talaga! Kahit kalian!” sabi ng bestfriend kong pangit, ay este si Michelle. Mag-bestfriends na kami noong kindergarten pa lang yata? Bakit? Eh, bestfriends din yung nanay namin eh. Alam mo na. Psssh, mga nanay. (Hahaha) Ay! Oo, nga pala. Nakalimutan ko tuloy magpakilala sa inyu. Ako nga pala si Melane. Melane Garcia, 25 years old. At opo, gulang na ako pero ang bodeyyyy ko! Batang bata! Hahaha! Chaching!

“Melaaane! Pahiram ng ballpen!”

“Opo, Sir!”

Sus! Istorbo naman tong kalbong baboy na’to! President ng kompanya namin? Tapos walang ballpen. Aigoo. (Aigoo = Expression of “Hahay” in Korean)

“Ipagtimpla mo na rin ako ng kape Melane!”

“Opo, Sir!”

Kaya noong pumunta ako sa kitchen ng opisina naming, nandun si Michelle at boyfriend nya. Kaya alam niyo na hmmmmm! Joke! Wala! Sweet2 lang. hehe. Kayooo haa. ;)

“Hoy Michelle! Piolo! (boyfriend ni Michelle) tigilan niyo na nga yan. Nasa opisina tayo, tas PDA kayo! Hm! Ang lalaswa! Layas! Layas!”

“Bitter?” Sabi ni Piolo.

“Anong bitter bitter? Gusto nyo palayasin ko kayo ditto?” Sabi ko habang tinuturo-turo nila ang kutsara kong dala.

“Ay ay ay. Sister! Wag naman. Kaw naman talaga. Hehe, parang hindi rin nakakaranas ng ganito.” Sabi ni Michelle.

Hayyy, naalala ko tuloy. Ang masarap pero masakit kong puso noong 11 years ago. Oo, marunong na akong magmahal noong 14 years pa lang ako. Haha! Yun ang uso na eh! ^^V joke! J

*12 years ago*

“Okay class, get ¼ intermediate paper and prepare for the quiz.” Sabi ng guro namin sa biology.

“1/4 ma’am?” sabi ng seatmate kong baliw, ay este si Michelle pala. ;) ewan ko nga ba kung bakit may bestfriend akong baliw, baka mahawa pa ako sa kabaliwan to eh.

“Yes, Ms. Rodriguez. Didn’t you hear me earlier?”

“Ay, opo ma’am. Peace” sabi nya habang nag peace sign.

Napatawa naman ako ng palihim sa kanya. Hahaha! Loka talaga! Masaya narin ako na nagka bestfriend ako ng ganito eh, para you know! Haha. Basta you know! J)

“Eh, Melane. Pahiram ng ballpen. Hehe, nakalimutan ko na naman eh. Hehe, sorry.” Sabi ng frontmate ko. Ano nga uli pangalan nya? Wait. Nasa dulo ng dila ko na eh. Ehhhhh, hmmmmm. (habang napakamot ako.) Ay oo! Si Adrian!

“Ah, sige Adrian. Heto oh” sabi ko habang binigay ang extra ballpen ko. Buti nalang naalala ko! Haha! Matalino nga naman.

“Salamat Melane. The best ka talaga! Libre nalang kita mamaya! Okay lang ba?”

“Ay. Wag na. may baon naman akong dala eh. I-save mo nalang yan para sa kinabukasan mo. Hahaha”

“ Sige Melane. Salamat at pasensya ka na talaga ha. “ sabi nya habang naka-smile sakin. Kaya smile nalang rin ako at hindi na ako sumagot sa kanya, magsa-start na ang quiz eh.

---lunch break ---

“Melane! Ano baon mo!”

“Manok at gulay. Gusto mo ng manok? Hehe “

“eww!! Ilayo mo yan sakin sister! Ew! Ew! Ew!” habang lumalayo sakin. Eh bakit pa ako ang lumalayo sa kanya tong manok kong to eh, siya na mismo ang lumalayo eh. Gaga talaga. Hahay. Napatawa nalang ako, at nagpatuloy na akong kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon