(Jandel POV)
Hey guys.. Just so you know ako lang naman ang pinakagwapong demi sa buong enchanted school.
Yeeeeah! You heard it right. . don't question it because almost everyone in this school have a huge crush on me.. Not convincing? Not my problem mahniggaaa...
Anyway, i don't want to waste my time explaining my handsomeness...
Basta gwapo ako period..
Bakit hindi, e ako lang naman ang kaisa isang apo ni Zeus.. NASA lahi na namin ang kakisigan at walang katumbas na kagwapuhan...
Kahit kayong mga nagbabasa kaya kong paibigin.. Isang kindat ko lang.. ^.-
Sorry guys.. Its true..
Back to my real point.…
Nageenjoy naman talaga ako sa school na to e. Bukod kasi sa ako ang pinakagwapo dito ako pa ang pinaka mahusay..
Akin ang buong school sa akin sila dapat umasa... Bwahahahahahaha!!!! (Handsome evil laugh)
Pero!!!
Mukhang may sisira sa napakagandang pamumuhay ko sa buong kaharian.
Yung babaeng nabangga ko sa may hardin..
Ang pinaka nakakabuwisit na taong nakilala ko..
Alam nyo kung Anong pinaka kinaiinisan ko sa mga babae? Yung masyadong matabil ang dila. Yung pala sagot sakin. Yung nagmamatapang. Yung hindi mabully... At guess what? Lahat ng yun.. Nasa babaeng may pulang buhok..
Si lorelaine...
First time na may nagsuplada at sumagot sagot sakin.. Most of the time kasi ang mga babaeng lumalapit sakin ay
mga nagpapacute pa para mapansin ko lang. Yung pakiramdam nila napakaganda nila para pansinin ko... Tskkk.. In their impossible dream!! Never!
Actually wala pa Kong pinapansin na babae sa buong school...
Sya palang..
I admit.. Nageenjoy kasi akong asarin siya. Hindi kasi nauubusan ng banat yun e. Natatawa ako sa kanya kapag napipikon na siya..
Minsan napapabilib nya ko.. Saan nya Kaya hinuhugot yung tapang nya?
Hindi kaya sumali ng fraternity yun Nung nasa mundo pa ng tao yun??? Grabe.. Hindi naman siya ganung katangkaran pero Kaya nyang mandurog ng tao...
Nakakainis talaga siya!!! Hindi siya marunong gumalang.. At eto pa ang pinaka nakakabwiseett!! Tawagin ba naman akong halimaw..??? Aba? Bulag ba siya? O sadyang hindi lang nakakaappreciate ng true handsomeness ang babaeng yun!!!!
Naiinsulto ako tuwing tatawagin at aasarin nya Kong halimaw... Lalo pa kung manggagaling sa tatanga tangang kagaya nya..
Rrrrrrrr!!! Nakakainis talaga...
Una dahil ang clumsy nya.. Pangalawa naging kapartner ko pa siya sa pagiging leader... Pangatlo no choice dahil kailangan ako pa ang magtuturo sa kanya... Pangapat tinawag nya Kong halimaw! Panglima tinawag nya Kong Mr. Judgmental aba? Hindi ko siya nilalait dinidescribe ko lang siya at magkaiba yun... Panganim ang hilig nyang sumigaw. Pangpito napapatahimik nya ko.. Pangwalo nakakabobo yung mga trip nyang gawin.. Pang siyam ang panget ng boses nya.. Well, uhmm. Mejo maganda pala.. Right. Mejo lang.. At huli... Napakaganda nya Kaya hindi ko napigilang halikan sya pag-ahon ng mukha nya sa tubig at pagnagkalapit kami.... Tssk!! Tskkk! Shittt!!! Kalimutan nyo na yung dulo kong sinabi...
