Unexpected.

336 10 10
                                    

Hi I'm Jell, I met this guy, who changed not just my life, but the whole me for the better.

Month of January 2012  

May nag friend request siya sakin sa facebook, his name is Vins. Bago ko siya inaccept tinignan ko muna mga mutuals namin, so familiar na siya sakin kasi alam ko yung school niya and madami akong kaibigan na kaibigan niya rin. So i accepted him, after ko siya i-accpet nag pm siya sakin kagad. Nag pakilala siya sakin and sabi niya sakin na yung kaibigan ko nire-reto siya sakin. Best friend kasi ni vins yung boyfriend ng kaibigan ko. Habang tumagal yung friendship namin mas naging open kami sa isa't isa pero never pa kami nag kita personally, until one day niyaya niya ko sa bahay nila, para daw mag kita na kami personally, kasi may party siya. 

February 27, 2012

Eto yung first time namin magkikita, naghintay ako sa school na malapit sa village nila. Tine-text ko siya, asking kung nasan na ba siya kasi walang ibang tao dun. Then after a few minutes nakita ko na siya, Ang gwapo niya, cute at medyo mahiyain pa, kasi kahit naman ako mahihiya kasi first time palang kami magkita. Then pumunta na kami sa bahay niya, pinakilala niya ko sa mga kaibigan niya at may mga kakilala din pala ako dun na ka batch ng ate ko dati. Na meet ko din yung boyfriend ng friend ko which is best friend ni vins. 

Few months passed hindi na kami masyadong nakakapag usap, naging busy na din kasi ako sa barkada and family ko. Rare na kami mag usap, hindi ko na din siya naaabutan na online sa facebook.

Month of June

Nag pm sakin si Vins, kinamusta niya ko. Kamusta ba daw yung summer ko. Sabi ko masaya naman bonding with friends and family, Mahirap and nakakahiya sabihin pero na miss ko din siya. June 9,2012 Kinabukasan na yung birthday ko :) sobrang excited na ako, ang masaya pa dun mag kachat parin kami ni vins, malapit na mag 12 o'clock!!!  And then nag pm siya sakin, wala pang 12 pero nag message na siya ng sobrang haba sakin greeting me happy birthday. Sobrang na flatter ako sa kanya kasi ang sweet niya :) at that time MU na kaming dalawa 

June 16 2012

Naging kami ni Vins, walang ligawan, no posters no gifts, nothing. Nung una akala ko parang fling lang 'tong relationship namin, kasi nung naging kami through text lang, parang effortless relationship. Parang tayo na okay. No spark, kilig meron pero yun lang. After a month, i cheated on him. niloko ko siya, may naka fling akong iba, na hindi ko alam kaibigan din pala niya. Few weeks passed wala na yung fling thingy, nalaman ni vins, hindi ko alam nag t-text na pala siya sakin naka mute kasi phone ko kasi gumagawa ako ng homeworks, bigla siyang nag pm sakin sa facebook na basahin ko daw yung text messages niya, pagkabasa ko, nalaman na pala niya yung nangyaring "fling" sabi niya sakin sobrang sakit daw ng ginawa niya sakin. Pumunta ako kagad sa bahay niya kasama yung best friend ko, pag dating ko sa kanila, sobrang speechless ko, sobrang nahiya ako sa ginawa ko sa kanya, hindi ko alam na sineryoso niya ko. Hindi ko kasi naramdaman na mahal niya talaga ako. Nag explain ako sa kanya pero alam kong ako parin may kasalanan, niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak ako, kasi na realize ko na mahal na mahal pala niya ko. Napatawad ako ni vins, binigyan niya ko ng second chance, pero hindi yung TRUST.

First, Second, Third, Fourth, Fifth, Sixth, Seventh, Eighth, Ninth and Tenth Monthsary namin. Lagi akong nag e-effort sa kanya, minsan pa nga magsusulat ako ng letters o kaya mag d-drawing sa klase kasi gusto ko may ibigay ako sa kanya kasi minsan lang kami nagki-kita. Bibili din ako ng kahit isang rose para ibigay sa kanya. Bumili din ako ng cake at gumawa ako ng isang napaka habang letter greeting him sa 5th Monthsary namin. Lagi nga akong inaasar ng mga kaibigan at kaklase ko. Bakit daw ako lagi nag e-effort eh ako yung babae. Sabi ko gusto kong makabawi sa kanya sa nagawa kong kasalanan sa kanya dati. 

One time nagkita kami sa mcdo after class, sinama ko yung classmates ko. Pag dating namin dun sabi niya umupo daw kami sa ibang table, kaming dalawa lang. Hindi niya sakin sinabi directly pero may nakalagay sa memo ng phone niya, bago niya pinabasa sakin binigay ko yung rose and letter na ginawa ko. Sabi niya pagkatapos ko daw basahin yung nasa memo niya ibigay ko nalang sa classmate niya yung phone niya. Pagka abot niya sakin nung phone niya nag walk out na siya paalis. Binasa ko yung nasa memo niya. Bumaba daw yung grades niya, kailangan daw niya mag focus sa studies niya kaya nakipag cool off muna siya sakin. Sobrang nasaktan ako, hindi niya sinabi sakin ng derecho, maiintindihan ko naman eh, sana sinabi nalang niya agad. Hindi ko binigay yung phone niya sa classmate niya, inuwi ko. Para magkaron ako ng pagkakataon na makita at makausap ulit siya. That same day, pagka uwi ko mga 7pm may tumawag sa ate ko sa labas ng bahay namin, pag silip niya si vins daw. Lumabas ako ng bahay. Nag usap kami, binalik ko sa kanya yung phone niya pero hindi daw yun yung sadya niya. Habang nandun daw siya sa bahay ng friend niya binasa niya daw yung letter ko, naiyak daw siya kasi hindi niya ine-expect yun sabay nakipag cool off siya sakin. Parehas kaming umiyak pero pagkatapos nun okay na kami. Madalas mangyari samin yun, away bati, minsan kasi inuuna na namin yung PRIDE namin, Selos, Asar, Galit. Pero sa huli nagaayos din kami kailangan lang ng oras. 

April 23, 2013 Nakipag break na siya sakin, pagod na daw siya sakin, kasi napaka selosa ko daw. Aaminin ko matindi ako mag selos. Minsan naaaway ko pa kasi sobrang galit at selos. Hindi na daw niya kaya. Mag break na daw kami, masyadong madaming pressure na sa family namin and sa pagiging selosa ko. Ilang weeks lumipas nagkaroon ako ng kaibigan lalake siya, nagselos si vins, bakit daw ang bilis ko mag move on. Pero mag best friend lang talaga turin namin. Mahal parin ako ni vins. Kahit sabihin niyang ayaw niya sakin, kahit sabihin niyang hindi niya na ko mahal. MAHAL NIYA PARIN AKO. kasi kung hindi, hindi siya magseselos, hindi siya magagalit, hindi niya ko kakausapin. Ngayon, binawasan ko na yung pagiging selosa ko, hindi na din ako ganun ka sungit o mabilis mag tampo. Complicated ang situation namin ngayon, Pero susulitin ko na. Susulitin ko na yung mga araw o oras na kausap ko siya, kahit di kami nagkikita personally, makausap o maka text lang siya masaya na ko. 

Sabi niya, kailangan niya ng time at space, kahit ayoko ibibigay ko to sa kanya kasi mahal ko siya. Mahirap, masakit at nakakalungkot. Pero mahal ko siya kaya gagawin ko to, hihintayin ko siya hanggang sa kaya ko. Magiging kaibigan niya parin ako. Lagi parin akong nandito kung kailangan niya ng kaibigan. Ayokong maging bitter, mas gugustuhin ko nang maging kaibigan nalang niya. Kasi Mahal ko nga siya. Sa ngayon, mag f-focus na ako sa pag aaral ko, gusto kong maging masaya, matutong maging masaya kahit magkaibigan nalang kami. Lilipas din 'tong malungkot na araw, magiging masaya din kami, soon. :) sa loob ng 10 Months, madami akong natutunan, madami akong naging mali, madami akong nasabing hindi maganda, madami akong nakaaway, madaming masasaya at malulungkot na moments pero lahat yun ang rason kung bakit naka ngiti parin ako ngayon, kasi lahat yun naranasan ko na kasama ko ang taong mahal ko, Si Vins. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unexpected.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon