Ikaw

7 0 0
                                    

"Elle, pahiram sampu, bayaran kita bukas."


Kakaring pa lang ng bell, andito na agad ang mokong na'to para ano? Para sa sampung piso? Nakalimutan ba niyang ayoko ng nasa limelight? Nagsimula na kaming pagtinginan ng mga kaklase ko pati yun mga nasa kabilang section. Pano ba namang hinde eh ang isang ordinaryong estudyanteng tulad ko kausap lang naman si Mr. Thorne Aquino. 


One of the popular guys. 


Varsity player siya ng school basketball team. Nun nagsabog siguro ang Diyos ng height, gising na gising siya kaya kahit 3rd year hiskul pa lang six footer na! Sinong nagsabi na sa mestiso lang bagay ang singkit? Bumagay sa moreno niyang balat ang height at pagkasingkit niya. Di siya yun tipong macho o feeling macho. Yun totoo wala naman kasing ganun sa hayskul. Sakto lang yun laki ng katawan niya. Fit. Healthy. Wait, healthy? Sus, mas sakitin pa yan sakin. Ako nga isang beses lang isang taon kung magkasakit. Eh yun mokong? Ubo at sipon lang pacheckup agad. Mama's boy kasi. Anong konek? Mema lang. Memasabi lang.


Dumukot ako sa bulsa ng palda ko. "Oh!" sabay abot nun ikaliligaya niya. Yun sampung piso.


"Thanks, Elle. Bukas pramis," ginulo ng bespren ko ang nakaponytail kong buhok. Nalaglag naman sa pagkakatali ang buhok ko. Sasawayin ko pa sana siya pero nagtatakbo na siya pabalik ng room nila. Sinundan ko na lang siya ng tingin habang nagtatali siya ng buhok niyang ga-batok ang haba. Tss. Kala mo may patagong ipit.


Si Thorne lang naman ang kaisa-isa kong bespren at kaisa-isang lalake sa buhay ko (maliban kay Tatay at Kuya). Si Thorne! Si Thorne! Si Thorne! Si Thorne na walang malay. Si Thorne na ang tanging kasalanan ay naging bespren ko. Si Thorne na first love ko.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon