Kabanata 67

1.7K 53 1
                                    

"Kinakabahan ako para kay Akihiro!" Rinig kong sabi ni Angie kahit nakapikit ako kabisado ko ang mga boses nila sa araw araw ba naman na kasama ko sila hindi ko pa pa malalaman kung kaninong boses yun.

"Daig mo pa si Yumi kung mag alala tignan mo oh tulog. Relax lang." Si Daniel yan sure ako sya lang naman ang mahilig manira ng moment ni Angie. Ito talagang mag ex na to ang hilig parin mag bangayan.

"Pwede ba wag kang panira ng moment!" Sigaw ni Angie medyo sumakit ang tenga ko dun katabi ko pa naman si Angie nakasakay kami sa van nila Kuya Owen si Jeff ang nagdadrive kinuha nila kanina sa bahay nila Rio diba sa iisang bahay lang nakatira sila Kuya Owen at sila Rio.

"Quiet guys natutulog si Yumi." Saway sakanila ng bestfriend ko. Ang galing talaga ni Yuki kanina pa ako gising dahil sa ingay nila puyat kasi ako dahil nagreview pa ako kagabi kaya kahit sandali umiglip ako. Nakapikit parin ako habang pinapakinggan sila.

"Oo nga kailangan nya ng energy mamaya sisigaw pa sya." Sabi naman ni Faye. Sa lahat ng babaeng kaibigan ko si Faye lang ang pinakatahimik sakanila hindi maingay.

"Gisingin nyo na si Yumi nandito na tayo susunod nalang ako sa loob magpapark pa ko." Sabi ni Jeff.

"Yumi gising na nandito na tayo." Tinapik tapik ni Angie ang balikay ko kaya dumilat na ako kunwari bagong gising lang pero hindi nila alam kanina pa ko gising at nakikinig. Nag inat inat ako sandali bago bumaba.

Pumasok na kami sa loob ng university sila Ate Akira kanina pa daw nandito kasama nila yung ibang barkada. Ang makakalaban nila Akihiro ibang university galing sa ibang lugar yun ang narinig ko sa usapan nila Ryan at Rio kanina sa van. 9 AM ANG start ng game medyo maaga pa kami ng one hour 8 AM palang maaga talaga kaming pumunta dahil maraming tao mahirap makipagsiksikan kung mamaya pa kami pupunta kaya.

Nasa harap na kami ng entrance ng gym ng biglang mag ring ang cellphone ko hindi kasi nakasilent. Si Papa ang tumatawag.

"Guys mauna na kayo sa loob sasagutin ko lang to." Sabi ko sakanila tumango naman sila at pumasok na sa loob.

[Hello Papa?]

[Hello anak? Nasaan ka?]

[Nasa school po nila Ate Akira. Bakit po?]

[Pwede bang umuwi ka muna kahit sandali lang?]

[Bakit po?]

[Pakitulungan mo naman si Mama mo na asikasuhin ang mga bisita sa bahay nasa airport pa sila ngayon galing sila dito sa chicago. Anak sila ng kaibigan ko dito sa trabaho hindi kasi pwede ang Ate mo inaasikaso nila ang event niyo sa school nyo.]

[Sige po Pa pero pwede po ba akong manuod sandali ng game? Kahit 30 mins lang po gusto ko po kasing mapanuod si Akihiro.]

[Sige anak. Pasensya na sa abala. Mag iingat kayo. Good luck kay Akihiro. Sige na anak ibababa ko na to may pipirmahan pa ako.]

[Sige po Papa ingat po kayo dyan sa chicago.]

[Sige anak miss you. Bye na.]

Napabuntong hininga nalang ako kahit na gusto kong mag stay ng matagal para lang mapanuod si Akihiro kahit na galit ako sakanya gusto ko parin syang suportahan pero kailangan kong sundin si Papa hindi rin naman makakaya ni Mama na asikasuhin ang mga bisita na sinasabi ni Papa dahil inaalagaan nya pa si baby Aeron.

"Yumi anong ginagawa mo dyan? Tara na sa loob." Napatingin ako sa nagsalita si Jeff pala.

"Tumawag kasi si Papa kaya sinagot ko. Tara na." Sabi ko. Tumango naman si jeff kaya pumasok na kami sa loob ng gym.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon