"Miss Broken, tara sa canteen." Yaya nya habang inilalagay yung notebook nya sa bag nya.
Miss Broken-hearted ang tawag nya sa akin tapos ginawa nyang Miss Broken na lang para daw mas maiksi. Mahirap daw kasi sabihin kung buo pa e. Baliw talaga! Sabi na ngang wag akong tawaging ganun e.
"Tara mushroom. Tomguts na ako e." sagot ko
"What's tom..tom? What's the word again?" nakakunot noong tanong nya. Ayan na naman yung inosente look nya.
"Tomguts! Tara na, wag mo na alamin kung ano yun. Baka pagtripan mo na naman ako." Saad ko saka sya hinatak sa may braso nya
"I'm serious. I really don't know the word." Sabi nya.
"Hala wag mo na ngang alamin. Bilisan mo, ang daming tao oh."
Hinatak ko na sya papunta sa may burger stand sa canteen. Medyo madaming bumibili pero okay lang naman dahil mahaba naman ang breaktime namin. Lumingon-lingon muna ako sa paligid habang si mushroom e nakatitig dun sa pagluluto ng patty na parang nanunuod sya sa isang circus. Manghang-mangha is the right term.
Napakadaming estudyante sa loob ng canteen pero hindi naman lahat kumakain, yung iba tumatambay lang. Bakit di na lang sila sa library pumunta at magbasa ng libro siguradong may matututunan pa sila. Bakit ba ako nakikialam? Bahala nga sila.
Inilibot ko na lang ulit ang tingin ko sa mga estudyanteng nasa canteen at hindi ko inaasahan ang ni-landing-an ng mga mata ko. Si Vin at si Judi. Nag-uusap, kumakain, tumatawa, sweet in short masayang magkasama.
Dati ako yun, dati ako yung katabi ni Vin sa upuang yun. Dati ako yung kausap nya, dati ako yung kasama nyang tumatawa, dati ako yung kasama nyang kumakain. Dati sa akin sya sweet. Dati sa akin lang sya ngumingiti ng ganun. Dati kami yung masayang magkasama. Dati, dati ako si Judi. Dati ako yung babaeng mahal nya. Dati. Ang sakit pala. Ang sakit-sakit. Bakit nya ba ako iniwan? Mahal na mahal ko sya e. mahal na mahal ko sya. Ano bang meron si Judi na wala ako? Bakit ganung kadali sa kanya na iwan ako?
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko kaya naman agad akong tumakbo palayo sa canteen. Ang sakit. Akala ko okay na ako kasi alam kong masaya na sya pero bakit ganun, ang sakit-sakit pa rin sa akin.
Pumasok ako sa girl's CR at ni-lock yun ng mapansin kong ako lang ang tao sa loob. Totoo pala yung sinasabi nilang ang pinakamasakit na part ng isang break-up ay yung makita mong masaya na sa piling ng iba yung taong nang-iwan sayo. Na parang wala lang sa kanya yung paghihiwalay nyo samantalang ikaw halos mamatay ka na sa kakaiyak at sa kaiisip kung ano bang pagkukulang mo.
Ang tanga-tanga ko naman kasi e, bakit masyado akong naging kampante? Bakit ba hindi ko naisip na pwede rin syang magsawa at iwan ako? Ang tanga-tanga ko naman kasi e. Ayan tuloy nasasaktan ako ngayon habang sya masaya na sa Judi na yun.
"Miss Broken? Andyan ka ba?" narinig kong sigaw ni mushroom habang kumakatok sa pinto ng CR. Huminga ako ng malalim bago sumagot. Ayoko kasing malaman nyang umiiyak ako kaya ako nandito.
"Oo. Sandali lang, lalabas na rin ako." Sigaw ko. Sana ay hindi nya nahalatang umiyak ako.
"Sige. Hintayin kita dito sa labas. Dala ko yung pagkain mo." Sagot naman nya.
Humarap ako sa salamin at saka pinunasan ang luha ko gamit ang panyo ko. Pugto ang mata ko, paano ko pa itatanggi kay mushroom na umiyak ako. Kainis! Bakit kasi pumapaga yung mata natin kapag umiiyak tayo e. Inayos ko na lang ang buhok ko at saka nag-smile sa salamin. Bakit hindi ko kayang gawing natural yung ngiti ko? Kainis!
Lumabas na lang ako baka mahalata na ako ng isang 'to. Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang mukha ni mushroom na naka-funny face. Hindi ko ma-explain kung anong itsura nya pero dahil dun, ay agad akong napatawa sa itsura nya. Nakakatawa ang itsura nya, grabe! Hindi naman pangit pero sobrang nakakatawa.
Huminga ako ng malalim pagkatapos kong tumawa.
"Grabe! Ano ba yang ginagawa mo sa mukha mo? Nakakatawa ka!" sabi ko at saka ulit tumawa
Hindi sya sumagot o nagsalita man lang pero nagulat ako dahil bigla nya akong niyakap.
"Gusto ko palagi ka lang nakangiti o tumatawa. Hayaan muna sila, wag mo na lang silang pansinin o kahit tingnan man lang. Sa akin ka na lang tumingin palagi, kaya nga ako nandito sa tabi mo palagi di ba? Para sa akin ka na lang titingin."
Natulala na lang ako at hindi na nakapagsalita pagkarinig ng mga sinabi nya. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko sa mga oras na ito habang yakap-yakap nya ako. Bakit pakiramdam ko nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina? Ginamitan na naman ba nya ako ng super powers nya?
Lalo lang akong napaiyak dahil sa mga sinabi nya. Hindi ko akalain na may dadating na ganitong klase ng tao sa buhay ko. Nung una sobrang nainis ako sa kanya dahil sa pakikialam nya sa pag-iyak ko nang iwan ako ni Vin pero ngayon nagpapasalamat ako kasi may isang kagaya nya ang yumayakap sa akin ngayon para i-comfort ako. I really need a hug.
Kakalas na sana ako sa pagkakayakap nya ng muli syang nagsalita.
"Ayokong nakikita kitang umiiyak. I don't know but it hurts me seeing you crying because of him. Can you forget him? Them? For me?"
***************
Someday by Nina.
Hi? Is there anyone reading this story? Alam ko hindi ganun ka-pleasing ang story-ng ito. Comment ka naman. Thank you :)
-SYeshaJheyn-
BINABASA MO ANG
Broken-Hearted Girl
Novela Juvenil"The best way to move on is to fall inlove again." - Faith