Mission 39

594K 17.9K 5.4K
                                    

Mission 39


Hindi ko alam kung papaano nila ako napapayag sumama. Dahil kung ako ang tatanungin mas pipiliin ko na lang manatili sa mansion nila kaysa umalis.


"Ano bang oras ng flight?" tanong ko kay Troy. Kasalukuyang niyang hila hila ang malaking kulay pulang maleta.


"2:30pm, let's go baka mahuli pa tayo" sabi niya. Nasa van na kasi ang ibang Shokoy na maghahatid sa airport. Umuna na akong maglakad kay Troy papunta sa van at pumuwesto sa panghulihang upuan.


"Are you sure you're coming Wada?" tanong sa akin ni Owen.


"Heto na nga ayos na ako? Ngayon pa ba ako aatras? Now let's go to the airport baka malate pa tayo" inirapan ko pa siya. Parang kanina lang ay pinipilit nila akong sumama ngayon naman na pumayag na ako hindi sila makapaniwala?

Shokoys.


"Saan natin susunduin si Nally?" tanong ni Tristan.


"Nasa bahay daw siya ni Veronica, nagpapaalam na daw. Madadaanan naman natin ang bahay nila, diretso lang Mang Bert" sagot naman ni Aldus. I'm still not talking to him. I don't like his attitude last time. Hindi ko maiwasan sisihin siya sa lahat but that's unfair to him kung napansin ko sana agad na hindi siya si Nero, sana hindi na nagkagulo.

Saglit na tumigil ang van namin dahil sa pagsundo kay Nally. Well after that incident, dun sa coffee shop hindi ko na siya masyadong kinakausap kung may tinatanong siya sa akin sa bahay sumasagot ako pero sinisikap kong tapusin ng mabilis ang bawat pag uusap namin. I don't feel good with her, lalo na ngayong naalala ko na siya. Not an ordinary Aylip member.

Bakit hindi ko siya agad nakilala? That was last 2 years ago, madami nang nangyari sa akin at nagpatongpatong na kaya siguro hindi ko agad siya nakilala agad.

Pero ang malaking ipinagtataka, she acts like nothing happened. She's back with the cheerful Nally, para nga siyang nagkaamnesia. She never asks me or talks about it anymore. At malaki ang pasasalamat ko dahil hindi siya kasing kulit nina Tania at August.


"Okay this is it. Mamimiss ko kayong lahat" madramang sabi ni Nally.


"Are you sure hindi ka sasama Florence?" tanong niya sa akin. Ilang beses ko bang sasabihin sa kanya na hindi ako sasama? Wala na akong pakialam sa kapatid niyang Shokoy.

Hindi pa ba sapat ang paghahatid ko sa kanya sa airport kahit labag sa loob ko? Tinatamad naman talaga akong maghatid, bakit ba naman pinilit pa nila akong isama dito sa paghahatid na ito. Damn.


"Don't force her Nally. Dito lang siya sa Pilipinas" iritadong sagot sa kanya ni Aldus.


"Be good boys, okay?" nakapamaywang niyang sabi sa mga Shokoy.


"Yes, Nally" halos sabay nilang sagot na apat. Pero nagulat na lang ako ng isa isa niyang nilapitan ang mga Shokoy at halkan niya ang mga ito sa magkabilang pisngi sa paraang may panggigil. She's really treating them like a kid. Napapatawa na lang ako sa eksenang nakikita ko.


"Shit! Nally it's embarrassing" iritadong sabi ni Owen habang nagpupunas ng pisngi.


Caught In His Arms (Published Under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon