Kamusta na kaya siya? Ang lalaking lumapit sakin nung araw na yon. Yung sobra akong nasaktan dahil sa maling tao na minahal ko pero bigla siyang dumating..
--
"Nakakainis kang hayop ka! Niloko mo ko! A-ano bang *hik ginawa ko say- *hik -yo?! NAGMAHAL LANG *hik *hik NAMAN AKO NG *hik TO-*hik -TOO AH?! BWISIT KA! *HIk" Sa sobrang inis ko, sinipa ko yung bato na nasa harapan ko. Tumingin lang ako sa langit puno ng pagtataka, lungkot, at galit.
"May nagawa ba kong mali at iniiwan na lang ako lage ng mga mahal ko?! WALA NAMAN DIBA? Minahal ko siya ng husto tapos ito ang isusukli niya sakin? Isang simpleng 'AYOKO NA' lang?!" Di ko na kinaya ang sakit at napatakip na lang ako sa umaka't tuluyan ng umiyak.
"Ayoko na *hik pagod *hik na pagod na ko *hik"
"Miss?" Sandali akong napatigil at tinanggal yung kamay ko. Nagulat na lang ako ng biglang may panyo sa harap ko.
"Kunin mo na, ok lang naman eh." Pagkasabi niya, dahan dahan kong kinuha yung panyo.
"Thanks" After ko magpasalamat wala ng nagsalita samin. Akala ko nga nung una wala na siya eh kasi ang tahimik dito sa park. Pero nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
"Bakit ka umiiyak?" Di ako sumagot.
"Alam mo ba.. ayokong nakakakita ng babaeng umiiyak?" *NO RESPONCE
"Iniisip ko kasi nanay ko, parang nasasaktan ako pag ganun. Babae nanay ko eh."
"Ui, di ka ba magsasalita? Bahala ka baka atak--"
"Brineack ako ng boyfriend ko." Sa pagsabi kong yun, natahimik siya. Nagulat ata.
"Mahal na mahal mo talaga no?"
"Yun nga eh, minahal ko siya ng *hik husto.. tapos-- iniwan lang ako. Ang saklap *hik diba? Halos lahat ng mga minamahal ko *hik iniiwan ako. Di ko *hik alam kung- ba*hik bakit ganun." Narinig ko naman na napasinghap siya.
"Alam mo miss? Everything has a reason. Parte ng buhay ang pagkakaroon ng problema at alam mo? Naniniwala ako kay God na kaya niya binibigay ang mga problemang to sayo kasi alam niyang kayang - kaya mo." Mas lalo pa kong napaiyak dahil sa sinabi niya. Napansin ko naman na medyo nag panik siya. Nagulat ako ng bigla akong nakarinig ng may nagstustrum ng guitara. Pagtingin ko, siya pala yon.
Wag ka nang umiyak
Sa mundong pabago bago
Pag - ibig ko kay totoo
Ako ang iyong bangka
Kung magalit man ang alon ng panahon
Sabay tayong aahon
Kung wala ka nang maintindihan
kung wala ka nang makakapitan
Kumapit ka saakin
Kapit ka sa akin~
Napatulala ako sa pagkanta niya. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang nangyayari ngayong gabi. Parang-- nananaginip lang ako.
"Wag ka nang umiyak ha?" Nakangiti niyang sabi sakin. Ngumiti na lang din ako.
"Tignan mo? Ang ganda mo pag nakangiti." Maya - maya tumunug yung phone niya, message ata.
"Sige, kelangan ko na umalis. Pasensya ka na ha? Di kita mahahatid sa inyo. Tandaan mo lang sinabi ko ha?" Di pa ko nakakasagot tumakbo na siya palayo.
BINABASA MO ANG
Wag Ka Nang Umiyak (ONE SHOT)
FanfictionNakilala ko siya sa gabing sobra akong nagluluksa. Di niya ko kilala pero nagawa niya pa kong bigyan ng panyo, payo at kinantahan pa ko. Simula nung gabing yon, hinanap hanap ko na siya. Halos 6 na taon ko siyang hinanap. Dumating ang araw, nagbigay...