Distansya?
magkabilang mundo?One of my friends ask me, why him? malayo siya, di mo alam kung ano ginagawa niya, seryoso ba siya talaga, o baka may kasama siyang iba. mga tamang hinala na di mo maiwasang isipin, nakakabaliw, nakakainis pero hindi yun naging reason para sumuko ka. Minsan naiisip ko bakit kaya pinagpapatuloy ko pa ang isang relasyon na alam ko naman masasaktan lang ako, pero mahal ko siya eh. madami akong naiimagine na kasama siya, na sana siya nalang talaga. Di ko alam kung mahal ba talaga niya ako o ano. but he always says to me that he really love me, and I really do love him more than anything. Nagmeet? Wala pa kami sa ganong level, hanggang internet, texts,calls lang kami. sabi nila, wala na daw nagsusuccess sa long distance relationship lalo pa't hindi pa kami nagkikita. Well, I don't mind mahal na mahal ko siya at puso ko lang papakinggan ko.
Minsan pag hindi siya nagtetext o nagchachat gusto kong magalit sa kanya kaso baka masakal siya saken. Ako yung taong ma pride pagdating sa relasyon, yung hangga't di ka magsosorry hinding-hindi talaga ako magpaparamdam. Pero sa kanya halos pasabugin ko inbox niya para lang pansinin niya 'ko kahit siya yung mali. I swallow my pride for him , ayokong mawala siya saken. I don't know when all this started it's just that in one click I fell for him. Nagsimula lang kami sa mga korning banat na habang tumatagal, nakakaramdam ako ng kilig sa boung kaluluwa ko na ni minsan hindi ko naramdaman sa ibang lalaki, sa kanya lang. Halos tumalon ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang pangalan niya sa screen ng phone ko o laptop, minsan tinatanong ko ang sarili ko, is this really me? This is not the literal me. Snobera ako, ma-pride, ayokong kinukulet ako, i hate talking to strangers, I'm not a sociable, mas pipiliin ko pang magmukmuk nalang sa bahay kesa maki-hang out. Well, the fact that sobrang pasaway ko noon at rebelde but I change my lifestyle. Nakakasawa din kase yung puro inom, gala. You read it right, mahilig talaga ako uminom nun and I know how to handle myself. Okay! Back to topic, ilang beses na ba kong umasa? Nasaktan at lumuha? hindi ko na mabilang. Pero kahit ganon di yun naging hadlang para ma-inlove ulit ako sa iba. I know that god has a plan for me and for my life.
Hindi ko inaasahang hanggang dun nalang talaga kami. 3 months is enough, kahit napakasakit pumayag ako. everytime na maaalala ko kung bakit natapos lang ang lahat samin ay kusang tumutulo ang luha ko. Nagmahal lang naman ako, umasa, nangarap na akala ko talaga siya na, na sana siya nalang talaga.
Sa bawat oras na lumilipas hinahanap ko siya, sa pagtibok ng puso ko siya lang sinisigaw, alam kong imposible ang lahat samin I'm trying to make it possible for us, pero siguro nga hanggang dito nalang talaga kami. Hindi ko siya masisisi kung yun ang maging desisyon niya, all I have to do is to accept things that already done, maybe this is really not for us. Kung kami, kami talaga huli diba? And I know that someday magkikita kami, magkikita tayong dalawa.
**
Kabaliwan mo eyy. :D
![](https://img.wattpad.com/cover/48962086-288-kb736d2.jpg)
BINABASA MO ANG
RANDOM THOUGHTS
RandomThis is just my thoughts in life. Feel free to read this :) frustrated writer nga kasi. - Eyy