Asul. Pula. Itim. Berde. Lila.
Limang kulay na nagkabuklod-buklod.
Limang kaharian na nagkaaway away.
MERLOCK 1.0ac.
Welcome to Cryptic City
Ang bansang kakaiba,
sa pagkain ay sagana.
Mga tao ay iba,
Kakaibang kulay ng mata"Ang pamilya namin ay may asul na mata!" taas noong sabi ng isang estudyante sa harapan ng klase.
"Siguro ampon yan. Sya lang ang may itim na mata sa pamilya nya." Chismis ng magandang dilag sa kabit bahay nya.
"Ikaw lang ang kaibigan kong may berdeng kulay ng mata!" Sabi ng batang babae sa lalake nyang kalaro.
Ang antas ng tao,
ang kulay ng mata
nagkabuklod buklod
nagkasira sira
"Alam nyo bang galing sa demonyo ang mga taong may pulang mata?""Karamihan sa mga itim ang mata, traydor."
"Ang mga may berdeng kulay ng mata ang dapat maghari sa Merlock!"
Pinangalanan isa isa
Mga kulay berde na mata
Cyansyses ang tawag
sa agham nagsisipag"Alam nyo ba na ang mga sikat na scientist natin ay mga Cyans?"
"Ma'am. Sa Cyans po ba binase ang pagpangalan sa science?"
"Maaaring oo, maaaring baliktad."
Itim na mata ay tila kakaiba
Synthesyses ang tawag sa kanila
Tanging naging sikreto lamang
Dahilan ng pagpapangalan nila"Ma'am! San po ba nakuha ang Synthesyses?"
"Walang nakakaalam sapagkat namatay ang taong nagpangalan sa mga Synths."
"Ganun ho ba?"
Lila ang isa sa kulay ng lima
Aerosyses naman ang pangalan nila
Napaka galing sa mahika,
Sa hangin ay sumasabay sila"Mr. Nais mo bang ipakita ang talento mo sa amin?" sabi ng guro.
"Kaya ko pong mawala at sumabay sa hangin."
"Kay lila ng iyong talento."
Kay tingkad na kulay,
Leansyses ang tawag
simbolo'y dugo't buhay,
Pula at hindi hamak"Napakaganda talaga ng iyong mga mata." -sabi ng isang Leansyses sa isang Cyansyses
"Ako'y matapang at hindi duwag! Hindi ako magaling sa agham ngunit bakit ganito ang kulay ng aking mata!" sigaw nito.
Asul na mata,
kay bughaw ng loob
sa kaharian makikita
sa pagpaplano kaloob"Kilala mo ba si Elluk? Sya daw ang mamumuno sa Merlock."
"Ung batang un? HAHAHAHA! Wag nya tayong niloloko!"
"Balita ko'y sya ay isang Mnemosyses."
BINABASA MO ANG
Kingdom Of Phylem
FantasyMinsan ba naiisip mo kung paano pag walang mga gobyernador sa mundo? Kung walang presidente't mga senador na kumokontrol sayo? Minsan ba nainisip mo kung paano pala pag hari't reyna ang namumuno sa bansang ito? Kadalasan umaangat. Minsan wala ring...