"Po!?" Sabay na sabi namin ni Akihiro nasa kusina kami nila Mama.
Yung mga bisita namin nasa sala namin nakaupo. Dalawang lalaki, kambal sila pero hindi sila magkamukha. Sila Drake at Dave.
"Wala tayong magagawa yun ang sabi ng Papa mo. Nakakahiya naman kung hindi tayo papayag two weeks lang naman." Sabi ni Mama.
"Sabagay. Kung si Akihiro pinayagan na dito matulog." Sabi ko kay Mama napatingin saakin si Akihiro.
"Saan po ba sila matutulog?" Tanong ni Akihiro.
"Duon sa kwarto na nilinis natin." Sabi ni Mama nilinis namin ang bakanteng kwarto na dating tinulugan ng barkada. Hindi na kasi nagagamit amg kwarto na yun tinatambakan nalang ng gamit. Tumulong sa paglilinis si Akihiro kaya mabilis kaming natapos nandito lang iyong kwarto na yun dito sa baba.
"Sige na pwede na kayong umalis ako ng bahala dito." Sabi ni Mama nagpaalam kasi kanina si Akihiro na 2 days kami sa resort.
"Sigurado po ba kayong ayaw nyong sumama?" Tanong ni Akihiro kay mama.
"May bisita eh. Happy Birthday ulit." Sabi ni Mama. Binati na kasi ni Mama si Akihiro kanina pagdating namin dito sa bahay buti pa si Mama naalala ang birthday ni Akihiro pero ako tong girlfriend hindi. Nakakaguilty talaga.
"Oh baka makalimutan nyo yung cake sa ref." Sabi ni Mama kanina pinakuha kami ni Mama ng cake sa bakery namin regalo na daw ni Mama kay Akihiro.
Kinuha na ni Akihiro sa ref ang dalawang cake at humalik sa pisngi ni Mama. Sweet talaga ni Akihiro pati sa mama ko naglalambing.
"Sige po Tita alis na po kami." Sabi ni Akihiro kay ma'am. Kinuha ko narin ang bag namin ni Akihiro.
"Mag iingat kayo ha? I-kamusta mo nalang ako sa Mama mo pati narin sa lolo hero mo." Sabi ni Mama tumango naman si Akihiro.
"Salamat po. Una na po kami." Sabi ni Akihiro.
"Ma alis na po kami ingat din po kayo dito." Sabi ko humalik din ako sa pisngi ni Mama. Lumabas na kami sa kusina nakita namin ang magkapatid na nakaupo parin at nakikipaglaro sa kapatid kong si baby Aeron.
"Bye guys!" Sabay na sabi nila Drake at Dave. Tumango naman kami ni Akihiro.
Lumabas na kami at inilagay ang gamit sa sasakyan namin magpaoahatid kami sa resort pero bago kami pumunta dun dadaan muna kami sa hospital.
"Tara na Yumi." Binukas nya ang pinto sa backseat at pagkapasok ko pumasok narin siya.
"Sa hospital po Manong Robert." Sabi ni Akihiro sa driver namin. Sayang hindi ko makikita si Manong Ben nasa hospital din kasi si manong ben nagbabantay din kay Lolo Hero kapag umaalis si Tita Aiko.
"Yumi." Humarap ako kay Akihiro magkahawak kami ng kamay.
"Hmm?"
"Kinalimutan mo birthday ko." Sabi ni Akihiro at ngumuso. Ang cute nya nagtatampo sya.
"Sorry busy lang talaga ako nagrereview ako at nagsusulat ako. Gumagawa din ako ng project kaya nawala sa isip ko. Sorry talaga." Sabi ko sakanyqa.
"Sorry kung naging busy din ako at hindi nagpaparamdam sayo kinuha kasi ni coach ang cellphone namin nung practice namin pumupunta naman ako sa bahay nyo tuwing matatapos ang practice pero nakalock na ang gate kaya hindi na tayo nakakapag usap." Nilalaro ni Akihiro ang daliri ko habang nagpapaliwanag sya saakin. Ako naman seryosong nakikinig sakanya. Sabi ko na nga ba kagaya rin ng move ni Hazel nagpapadala sila ng picture na hindi naman totoo.
"Kaya lang naman ako nagalit dahil dun sa mga ginagawa ni Liza." Sabi ko.
"Walang ganung nangyari Baby dapat nga masanay na tayo kasi kay Hazel palang sinira na tayo ang kailangan natin. Tiwala." Sabi ni Akihiro. Isang salita lang yon pero ang laki ng impact.
BINABASA MO ANG
When I'm in High School (Completed)
Ficción GeneralHigh School Means Life. Fun. Memories. Love. Ang sarap balikan ng High School Life. Mula sa unang pagtibok ng puso. "Haaaay! Ang cute nya talaga!" Sa mga hindi papaawat na kalokohan "Tara cutting tayo!" Sa gi...