Dati, nakilala kita dahil sa mga program ng school.
Dati, parati rin kitang inaasar ng palihim kasi nagtataka ako kung bakit ang daming pumapalakpak sayo kahit hindi ka naman gwapo
At dati, sinabi ko sa mga kaibigan ko na hindi kita magugustuhan pero kinain ko lang rin yung mga sinabi ko.
Ngayon, close na tayo at unting-unti ng nagkakagusto ako sayo.
Ngayon, di na ako nagtataka kung bakit ang daming nagkakagusto sayo kasi mabait ka at friendly kahit di ka gwapo
Sinabi mo rin sakin na gusto mo ko dati nung naging close tayo pero ngayon hindi na, kasi sabi mo naging cold ako sayo.
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung paano naging cold sayo nun pero kapag tinatanong ko sayo ayaw mo namang sabihin.
Nung araw na rin yun may nakilala kang babae na nakasabay mo sa bus nung pagka-uwi mo, ang sabi mo sakin maganda at mabait siya dahil nakausap mo pa siya.
At dahil rin dun parang unti-unti mo na rin akong nakakalimutan at nagiging cold ka na rin sakin.
Kahit nagiging ganun ka na sakin gumagawa pa rin ako ng paraan para lang makausap at mapansin mo ko.
Pero bakit ganun? Parang napapagod na ko, parang gusto na kitang tigilan, parang gusto ko ng sumuko.
Di ko maintindihan kung ano na nararamdaman ko para sayo.
Crush nga lang ba talaga kita o mahal na kita?
Ayoko na... Suko na ko...
Parang di kita kayang iwasan at tigilan kasi nasanay na akong kausap kita araw-araw.
Di ko na alam gagawin ko... Litong-lito na ko...
~~~~~~~~~~~~~~~~~
A/n: Thank guys for reading! Bitin ba? Ahahaha vote and comment nalang.
~Pändä♡
BINABASA MO ANG
Crush Kita Kuya
Teen Fictionĸaya мo вang ιpaglaвan ang pag-ιвιg мo para ѕa ĸanya? ĸυng alaм мong ѕa υмpιѕa pa lang тalo ĸa na? -- ⓟⓐⓝⓓⓐ❤