Chapter 2: Panliligaw

2 0 0
                                    

Hi guys, sorry last time narrated lang ang lahat, nahihirapan kasi ako lagyan ng dialogue and I find it easier na diretso ko nalang sabihin ang lahat para masimulan ko na ang real thing. Hehe. And here it is. Enjoy!
***
It's been 3 days since the break up at umiiyak parin ako, tuliro at wala sa sarili. My friends were worried sick about me pero wala silang magawa. Ang tanging magagawa lamang nila ay ang pasayahin ako and cheer me up pero ang kalimutan ang lahat ng nangyari is up to me. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam ang gagawin, kahit anong pilit kong gawin he keeps getting on my mind and I keep on crying everytime I remember all what we've been through. Pagod na pagod na ako, I just want to forget him immediately and move on with my life. But I don't know how and it's killing me.

"Bess tama na sa pag iyak."

Narinig kong sabi ng matalik kong kaibigan pangalan niya ay si Yuria. Napansin kong umiiyak na naman pala ako.

"Masakit ba talaga? Yan kasi hindi ka nagtitira para sa sarili mo. Lahat ng love binigay sa lalake, siya ba ang buhay mo?"

At itong harsh na taong ito ay ang kaibigan ko ding bakla. Real name niya ay Jose but we called him Juli, yun kase ang gusto niya. Napatingin lang ako sa kanya habang humihikbi at pinupunasan ang mga luhang patuloy sa pag agos.

"Hoy Juli nasasaktan na yung tao pwede kontrolin mo din yung bibig mo."

At eto pang isa, si Fiona. Hindi sila palagi nagkakasundo ni Juli pero they are so close. Sobrang bait din nito except nga lang kay Jose. At eto ang mga kaibigan ko na hindi ako iniwan, na patuloy ako kinocomfort kahit alam nilang hindi madali. Sila nalang talaga ang naiwan sa akin.

"Mayu andito lang kame. Wag ka mag-alala hindi ka namin iiwan hanggang hindi ka pa ok."

Sabi ni Fiona, napangiti na lamang ako habang umiiyak. At ako si Mayumi, tinatawag nilang Mayu, ang na broken, ang iniwan lamang, ang nagpaloko at ang naniwala sa lahat ng sinabi ng ex-boyfriend niya. Na ngayon ay naghihinagpis at hirap mag move on.

"Ano na ang gagawin ko? Alam ko nag suggest na kayo ng lahat lahat ng pwede kong gawin. Pero nahihirapan parin ako."

Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Halos maubos na ang mga tissue nila ng dahil sa akin pero di ko talaga mapigilan itong mga luhang ito.

"Mayu nakadepende na sayo kung susundin mo ang mga payo namin. Alam namin mahirap para sayo pero kung patuloy mo hahayaang maapektado ka ng mga alaala niyo ng ex mo, bigti ka nalang."

Bigla ako napatawa sa sinabi ni Juli lalo na nang tiningnan siya ng masama nina Yuria at Fiona.

"Ikaw kaya ang isabit namin diyan sa kisame?"

Mataray na tanong ni Fiona and before they knew it nakalimutan na nila ako at nagsimula na silang magkasagutan ni Juli. Habang ako natawa nalang sa kanila.

"Alam ko kung kasama mo kame nakakalimutan mo yung walang hiyang yun, what if dun ka nalang muna sakin para hindi ka mag isa?"

Tanong ni Yuria sa akin napatingin ako sa kanya at napangiti. Mugtong mugto na talaga ang mata ko.

"Ayoko maging pabigat Yuria, I think I'll be ok."

"Hindi mangyayari yang sinasabi mo. Kung ayaw mong maging pabigat kame nalang. Kung ayaw mo mag stay sa amin kame nalang ang maki stay sayo."

Sulpot ni Fiona tapos na pala sila ng sagutan ni Juli at natahimik na ang bakla. Nahihiya man ako umamin pero talagang kailangan ko ng makakaramay ngayon pero hindi naman pwede na dumepende nalang ako palagi sa kanila. I need to be strong for my own good.

"Bawal ang lalake sa boarding house ko."

Parinig ko kay Juli na busy sa pag aayos ng kuko niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Love I Always WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon