:Prologo

139 2 3
                                    

Sa isang madilim na kagubatan ng bansang Awnid, sa Middir ay may isang lalaking may buhok na medyo abuhin ang kulay. Habang naglalakad, maririnig ang ingay ng mga tuyong dahon na kanyang natapakan.

Umupo ito sa tabi ng sapa at pinagmasdan ang repleksyon ng mukha dito. Labis na kalungkutan at pagkabigo ang pinagdurusahan nito kaya hindi na inisip pa ang babalang huwag babasain ang anumang parte ng katawan ng tubig mula rito. Kinaok niya ang tubig at binasa ang kanyang mukha. Nagdulot iyon ng kaunting ginhawa.

Malaki ang naging pinsala ng kanyang nararamdaman sa kanyang pakiramdam, ni hindi niya namamalayang mayroon palang may mga matang bumibilang ng kanyang ikinikilos mula pa nang pumasok siya sa kagubatang iyon.

Tumayo na siya at tinuyo nya ng kanyang damit ang kanyang mukha. Habang ginagawa niya iyon ay nakadinig siya ng ingay ng tuyong dahon na natapakan. Madali niyang nilingon ang pinanggalingan ng ingay subalit wala siyang nakitang anuman. Napalunok siya bago nagsimulang humakbang. Nagpalinga-linga rin siya habang patuloy sa paghakbang.

Hindi pa siya gaanong nakakalayo sa sapa ay itong sapa naman ang gumawa ng ingay. Kinilabutan na siya sa pagkakataong ito at agad siyang napahinto sa paghakbang. Tila lalo lamang namanhid ang kanyang pandama.

Nilingon niya ito kasama ang katawan. Nalilito na siya sa nangyayari dahil wala din siyang nakitang anumang kakaiba maliban sa bakas ng nabasag na tubig. Patunay na mayroon ngang nangahas dito. Napabuntong hininga siya.

"Epekto lamang siguro ito ng labis kong-----", hindi na nya naituloy pa ang ibinubulong.

"Ako ba ang hinahanap mo?", bulong ng isang nilalang mula sa kanyang likuran.

Napamulagat siya at unti-unting bumilis ang pagkabog ng kanyang dibdib ng hindi niya inaasahan, wari niya ay hindi kanya ang katawang inookupa. Nagsimula na din siyang pagpawisan at tila lalo lamang siyang biningi sa katahimikan ng paligid.

Dahan-dahan niyang nilingon ang nilalang at laking gulat niya nang maaninag ang anyo nito. Walang mababakas sa mukha nito maliban sa tila nag-aapoy na mga mata. Buong katawan nito ay maihahambing sa isang anino at ang labis niyang ikinatakot ay ang makikinang na pulang mata nito.

"Si-sino ka?".

Hindi ito sumagot at sa halip ay iginalaw nito ang kaliwang kamay. Biglang lumaki ang kamay nito na sadya ang laki para mahawakan ang buo niyang katawan. Hindi niya magawang sumigaw sa labis na panghihina at pagkatamlay ng kanyang katawan.

Nilipad ang anino ng hangin habang hawak-hawak siya. Pagkalipas lamang ng ilang sandali'y huminto ito ----- sa mismong tapat ng dalawang naiibang punongkahoy na magkatabi.

Agad na may lumabas na tila lagusan sa gitna nitong dalawang puno. "A-ano iyan?", di napigilan niyang tanong. Muli ay hindi nanaman ito sumagot. Ibinaba siya nito sa tapat at nauna nang pumasok sa lagusan at iniwan siya.

"May palagay akong nagmamadali ang nilalang na iyon", naisip niya. Unti-unti nang lumiliit ang lagusan, Ididikit pa lamang niya ang daliri'y naramdaman na agad niya ang malakas na pwersang humihigop sa kanya.

Habang nasa loob siya ng lagusan, pakiramdam niya'y hindi niya maibuka ang kanyang labi dahil walang anumang tinig ang namumutawi sa kabila ng kanyang pagpipilit. Ang dalawa naman niyang mata'y tila mag-isang nahihiwagahan sapagkat pakiramdam niya'y nakapikit pa rin siya gayong mulat na mulat na ang kanyang mata sa sobrang dilim nitong lagusan.

Ilang sandali pa ang lumipas at iniluwa na siya ng lagusan. Pahiga siyang bumagsak subalit hindi man lang siya nakadama ng sakit ng katawan.

Makakapal ang damong nakapaligid sa kanya na halos tatlong talampakan ang taas at mga bulaklak na lima hanggang anim na talampakan ang taas. Sa di kalayuan naman ay may dalawang puno ang magkatabi, ang kalahating bahagi ng mataas na puno ay walang tigil sa pagliyab at tila hindi ito matupok ng apoy. Ang kalangitan naman ay patuloy sa pagkulog at pagkidlat na sinasayawan naman ng buhawi at ng sapa.

"Napakaganda, hindi ba?", tila nakangiting wika ng anino malapit sa sapa. Kung saan-saan nag-eeko ang tinig nitong malamlam sa pandinig.

Hindi niya magawang ibuka ang kanyang labi at natuon ang pansin niya sa sapang kasing-anyo ng sapa sa kagubatan kanina. Bumalik sa kanyang isipan ang anyo ng sapa.

"Iyan siguro marahil ang sapang kanina marahil ang pinaghugasan ko. Bakit, papaanong nangyari iyon?".

"Natatandaan mo pala ang lugar na iyan".

Biglang bumilis ang agos ng tubig na tila mayroong hinahabol ang daloy. Maya-maya'y biglang lumutang ang mga orb.

"Pa-paano iyan napunta dito?", naguguluhan niyang sabi habang lumalapit sa mga orb.

"Kailangan mo ang mga iyan upang lumakas ka at para gisingin ang natutulog mong pagiging imortal. Nakahanda ka na ba?".

Isang tinging makahulugan ang ipinukol niya dito, "Matagal mo na ba akong pinagmamatyagan?". Napalunok siya.

"Sa totoo lang, dalawa kayo. Ang isa'y mayroong kakayahan at abilidad na hindi pangkaraniwan subalit may abilidad ka na wala siya". Humarap ito sa kanya. "Heto, isuot mo ito upang lumakas ka at magtaglay ng mga mahika", iniabot nito ang kwintas na may tila dyamanteng palawit na pulang-pula ang kulay.

Inabot niya ito ng walang pag-aalinlangan at saka dahan-dahang isinuot. At ng hawakan niya ang pulang-pulang palawit nito'y unti-unting lumabo ang paningin niya kasama ang pamamanhid ng kanyang katawan.

"A-a...nong na.....nang.....ya...ya..ri sa...a......kin?!", nahihirapan niyang wika habang unti-unting naninigas ang buong katawan. Pinanghinaan siya ng tuhod dahilan para siya'y mapadapa.

Di naiwasan na mapasulyap siya sa mga orb na tila sumasayaw sa pag-ikut-ikot. Hindi na rin mahagilap ng kanyang mata ang anino at ang tanging nakikita niya ay ang maitim na usok na mabilis na pumapasok sa palawit ng kwintas na hanggang ngayon ay hawak pa rin niya.

Nang ganap na makapasok lahat ng usok ay bahagya siyang nakaramdam ng kaunting ginhawa. Subalit saglit lamang iyon at naiibang sakit nanaman ang pinagdaraanan ng katawan niyang nanghihina na rin.

"Aaahh!", di napigilang sigaw na niya. Ingay na kung may mga ibong namamahinga sa mga puno ay tiyak na nagliparan na ang mga ito. Wala sa isip na nabitiwan na pala niya ang kwintas na ngayon ay naglalabas ng maiitim na usok. Pakiramdam niya'y papanawan na siya ng ulirat sa pagkakataong iyon.

Nag-ibayo pa ang sakit na kanyang nadaramakaya sunud-sunod ang pagsigaw niya matapos tuluyang makalabas lahat ang maiitim na usok.

"Hh, hh-hh!", ang anino. "Napakasarap pakinggan ang pagiging tao".

Tuluyan nang sumayad sa lupa ang kanyang dibdib. Tila wala na siyang lakas pa na ilalabas at labis na pagkahapo ang bumabalot sa buo niyang katawan.

"Simpleng rekyem na masarap ulit-ulitin. Ha-ha-ha-ha! Ha-ha-ha!".

Noble and The Wondering OrbsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon