Part I

3 0 0
                                    

"Cody~"

Tawag mo sa kanya

"Hmm~" Tumingin siya sayo

Kasalukuyan kang nasa ilalim ng puno at nakaupo, samantalang siya naman ay nakahiga sa may lap mo.

Nakikinig kayo ng music, ang isang earphone ay na sayo at yung isa naman ay nasa kanya.

"I Love you,"

"Alam ko," Sabi niya at bumalik ulit siya sa pagco-compose ng kanta.

"Nakakainis ka talaga!" Sabay palo mo sa noo niya.


Pagkatapos nun, nanatili kayong tahimik at hindi mo namalayan nakatulog ka na.

Naramdaman mong may biglang humalik sa labi mo kaya naman napamulat ka.


"Gising na Bae~ may pupuntahan pa tayo"

"Tss. kaylangan talagang i-kiss?!"

"Eh, kasi naman kanina pa kita ginigising kaso hindi ka talaga magising kaya naman hinalikan kita nagbabakasakaling gumising ka katulad ni Sleeping Beauty"

"Igaya ba daw ako kay sleeping beauty" /pout/


"Wag kang mag pout at baka hindi ako makapagpigil, halikan kita ulit" Sabi niya ng hindi tumitingin.

"Halika na nga!"


Nag gala gala kayong dalawa at nung mapagod kayo, umupo kayo sa isang malapit na bench.

"Dito ka lang ah! Bibili lang ako ng ice cream"

Pumunta ka dun sa may nagtitinda ng ice cream at bumili ng isa.


Pagkabalik mo umupo ka sa tabi niya at binigay yung isang ice cream.


"Anong date ngayon?" Tanong niya.

"Hmm~ Sa pagkakaalam ko August-- Shit" Napatayo ka at nabitawan mo yung ice cream na nabili mo.


"Ayan! Natapon na yung ice cream mo sa damit mo~" Kinuha niya yung panyo niya sa bulsa niya at pinunasan yung ice cream sa damit mo.

'sh*t sa lahat ba naman ng pwedeng kalimutan eh ito pang day na 'to?!'

100 days namin ngayon at wala akong regalo sa kanya!

Nag bow ka sa harapan niya at humingin ng tawad.

"Sorry nakalimutan ko >< Ahm- ano , Happy 100 days satin,sorry talaga nalimutan ko   >//<"

100 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon