Liham

19 2 0
                                    

Alam mo ba yung feeling na nasaktan??

Kasi ako alam na alam ko...

At sa di inaasahang pagkakataon nararamdaman ko ulit ito ngayon...

Sisimulan ko na ang pagkwekwento

Unang araw ng pasok ngayon at kung sineswerte ka nga naman eh magkatabi na naman tayo

Masayang masaya ako noong araw na iyon

Pero napapansin Kong namumutla ka at wala ng kulay ang mukha mo

Tinanong kita kung okay kalang

Pero sabi mo kulang ka lang sa tulog dahil excited kang makita ulit ako

Kaya Hindi ko na yun pinansin

Kasi nga masaya ako

Pero.....
.
.
.
.

Hindi ko alam na yun na pala ang kahulihulihang pagkakataon na magiging masaya ako

Kasi p*tang ina pwede pa ba akong maging masaya kahit nakikita ko na ang mukha mong nasa kabaong

sana sinabi mo
Sana sinabi mo.....

Kaya pala sobrang sweet mo nung araw na iyon

Kasi pagpasok ko kinabukasan wala ka....

Dumaan na ang ilang linggo Pero wala ka parin

Tumatawag ako at tumetext sayo Pero walang reply

Isang araw nakatanggap ako ng tawag galing sayo

Sobrang saya ko noon
Sabi mo magkita tayo sa Parke at hihintayin mo ako kahit anong mangyari
At mahal na mahal mo ako

Umuulan Pero pumunta parin ako

Nagulat ako ng Hindi ikaw ang nakita ko kundi ang nanay mo

May binigay siyang sulat saakin

Kinakabahan na ako Pero binalewala ko kasi akala ko may surpresa ka na Nman sa akin

Pero sheeyyt ibang surpresa ang nakita ko

Sana sinabi mo  sana Hindi mo nalang idinaan sa sulat

Kasi sobrang nasaktan ako sa mga impormasyong na basa ko

At hanggang ngayon nasasaktan parin ako

Kasi paulit ulit ko paring binabasa ang liham mo kahit 5taon ka nang nawala

Nandito nga pala ulit ako sa harap ng puntod mo binabasa na naman ang kahulihulihang liham na binigay mo sa akin

Binabasa ko ulit ito

Hi honey,

Si bee mo to sorry Kong Hindi ko sayo nasabi noon Pero kahit wala na ako diyan sa tabi mo lagi mo pa ring tatandaan na mahal na mahal na mahal kita... Marahil wala na ako having binabasa mo ito Pero wala na tayong magagawa nandito na eh may leukemia na ako Pero gusto Kong magpasalamat sayo dahil pinasaya mo ako ng sobra sa mga huling araw ko sa mundo salamat mahal ko... Mahal na Mahal Kita

Paalam-Bee mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LihamWhere stories live. Discover now