Prolouge
Bilang isang babae, kanila kayang nararamdaman ang pag-ibig nila sa isang lalaki?Kanila kayang alam kung sila'y niloloko ba o totoo silang minamahal?
Karamihan sa mga lalaki,ay manloloko.Hindi ba?May kasabihan ngang. “Ang babae ay parang napkin,hindi ito pwedeng gamitin ng mga lalaki”.Hindi ba?
Ang kwento na ito ay maikli lamang.Pero siguradong magugustuhan ninyo ang aking kwento.
~~CHAPTER 1~~
Kring!Kring!Kring!
“Nakuuuuu elvie yang alarm clock mo nayan maagang mamamatay kagigising sa iyo”
Sambit sa akin ng aking magandang ina.
“Si mama naman pati ba naman alarm clock na iyan gagawin mong tao.Hmm My goodness.”
“Hayyy,ewan ko sayo kumain kana at gumayak kana.”Naks naman oh!! Nakakatamad kaya!
Hayyyy,bakit kaya ang bilis bilis ng panahon? Pasukan nanaman ngayon.Ayoko pa namang pumasok,pero excited malay mo na mayroon akong masulyapan na kagwapo gwapuhang lalaki na aking makilala.Hindi ba?Ayy,hindi pa pala ako nakakapag pakilala, sorry ah!.Ako nga pala si Elvie Joy S. Ramoso.I'm 4th year high school now:-) .I'm 14 years old.Mag fififteen years old na ako sa July 1.Sina mama,papa,at si ate ang karamay ko sa aking araw-araw na pamumuhay.
Si Ellen S. Ramoso ang aking Nanay.Si Alfredo P. Ramoso naman ang aking tatay.Si Angel Mae naman ang aking ate.2nd year collage na ang aking ate.Si papa ay isang pulis. Si mama ay nasa aming tahanan lamang.Simpleng pamumuhay lamang ang aming nais.
.........
Hayyy,nasan naba yung mga BFF ko.
“Bulagaaa!!!”Nakakatawang pang gulat sa akin ng mga BFF ko.
Ayy! nagulat ako magaling!!!!Sila ang BFF ko si sarah,beah,at ang dalawang bakla na sina rico at eric.Tawag namin kay rico ay rica.Kay eric naman ay erica.Bongga hano.
“OMG! ang gwapo!!!” sabi ni beah.Hinanap ko naman.Siyempre tiningnan ko naman baka sakaling mapansin niya ang kagandahan ko diba?OMG!! ang gwapo nga.“Guys,hindi na kayo makakahabol dyan” sambit ni sarah.“Bakit?”sagot namin.May GF na iyan.
Badtrip ata ako ngayon dahil sa poging iyon.Pwes baka meron pang hulog ng langit dito na aking makakamit.
“Hay,naku elvie elvie ramoso tumigil ka nga dyan hulog ng langit” sabat ng aking baklang kaklase na si eric.
“Edi wow”sabi ko sa isip ko.Hinanap na namin ang aming room.
“Yes!dito yung room natin sa second floor”masayang masaya na pag-salita ni rico.
Pumasok na kami sa room at nagsimula na ang klase.Isa-isa kaming nagpakilala na una ang mga lalaki.Hayy,inaantok pa ako. Mga ilang sandali bigla na lamang akong nagising nang nagpakilala na ang isang matipuno,napakaputi,at kagwapu gwapuhang lalaki bigla na lang akong natulala sa kanya.
“Hooyyy!elvie bat tulala ka dyan?”tumingin siya sa lalaking aking tinutukoy.Sabi niya sa akin “Iyon na?Dyan ka ba natutulala?”tanong sa akin ni sarah.“Uuuyy!umiibig!”pahabol ni reah.
“Ang gwapo eh!!”sabi ko naman.
Siya pala si Mark Eric Vianzon.Ngayon nasa canteen na kami.
“Ako nalang ang oorder”sabi ko sa kanila.Habang umoorder ako,di ko alam na kasunod ko lang pala yung lalaking tinutukoy ko kanina na si Mark eric.
Dahil nung paalis na ako napaharap ako sa kanya at natapon ang binili kong mga pagkain.
“Ano ba yan tatanga tanga kasi”sabi niya sa akin sabay tawa pa ng mga babaeng mga malalande at pabebe.
Natapos ang isang araw na masaya at nakakainis pero nakakakilig.
Pangalawang araw na ngayon ng aming pag-aaral.Bago kasi alo makapunta sa school namin sasakay muna ako sa bus.
“Hayyy wala ng upuan” aba sinuswerte nga naman ako kahit wala akong upuan sa bus,nasilayan ko naman si mark tumapat ako sa kanya.Aba teka wala naman siyang katabi pwede kaya akong tumabi sa kanya?Ngawit na ngawit na ako ehh!
Nagpapansin ako sa kanya na ako'y nangangawit.Maya-maya sabi niya sa akin “Ohh parang ngawit na ngawit ka na dyan ahh tabi na tayo kawawa ka naman” mayroon din naman palang kabaitan to kahit konti.
Nakarating kami sa school ng magkasama.Oh My god para kaming mag shota!!!
Huminto kami sa gate ng school.“Hintayin ko na dito mga kaibigan ko” sabi ko kanya.“Hintayin na kita” sabi niya sa akin.
Iyon hindi na namin hinintay tagal ehh.Sabay kaming pumasok sa room namin.Habang naglalakad nagkwentuhan kami.
“May,girl friend ka na ba?” dahan -dahan kong tinanong sa kanya.
“Hhmm,wala pa.Ikaw ba?” tanong niya sa akin.
Siyempre sagot ko wala.Iyon madalang kaming magsama ng mga BFF ko.Dumating ang araw na nagkaroon ng program sa aming school na tinatawag na JS (junior and senior) Promenade. Iyan ang programang sasayang lahat na high school.
Nagbunutan kami sa room kung sino ang makakasayaw namin.Kumislap ang isang papel,para bang gusto ng papel na siya ang bunutin ko.
Pag buklat ko sa papel “OMG! si mark, thank youuuu lordddd.Narinig ko ang pagsalita ni mark na“Yes sya,thank you lord” inisip ko sino kaya iyon?malabo naman kung ako diba?Dibale tatanungin ko siya mamaya sa break time.
Break time na nakita ko si mark at hinabol ko siya “Mark mark wait.Huh napagod ako dun ahh!”
BINABASA MO ANG
Kaya ko pa kaya?
Teen FictionAuthor's note:-) Ang istoryang ito ay maikli lamang pero siguradong kayo'y maaakit.