Chapter 37

249 9 3
                                    

Chapter 37

Clary's POV

Ay! Si kuya natulala. Para siyang dinalaw ng multo. Para siyang nakakita ng aswang.

Nakatingin lang ako kay kuya. May binulong siya na di ko nadinig kaya nagtanong ako.

"Ano kuya? Ano sabi mo?" Sabi ko sa kanya.

"Wala wala. Sabi ko minsan magiingat ka. Para di ka nakakasakit." Sabi niya sabay kuha sa mga bag na dala nila tsaka umalis. Pero bago sila umalis, lumapit sakin yung babae.

Sobrang lapit. Tapos bigla niya pang nilapit sa tenga ko yung bibig niya. Akala ko bubulong lang siya pero tinapik niya yung kamay ko at may inabot na papel. Sabay bulong sakin ng:

" Read this letter. See you soon." Sabi niya sabay talikod sakin at tuluyan ng umalis.

Nilagay ko muna sa bulsa ko yung papel na binigay nung babae at dumiretso na lang ako sa supermarket.

Habang nagiikot ako sa supermarket habang may dalang basket, di ko mapigilan na magisip tungkol dun sa sinabi nung babae sakin kanina at kung bakit ganon yung expression nung lalaki yung nakita niya ako.

Ano kayang laman nung papel? Bakit sabi niya see you soon? Kilala ko kaya siya dati? Baka kaibigan ko siya dati. O baka naman may kasalanan ako sa kanya.

Tapos yung lalaki naman parang nakita ko na dati pero di ko talaga maalala eh. Parang nakita ko na siya dati. Sa PAST ko. Ay, jusmiyo.

Tinigilan ko muna ang pagiisip sa dalawang taong yun at namili na lang ng mga bibilhin kong prutas.

Bumili ako ng apples, oranges, grapes, lychees at iba pang fruits. Bumili rin ako ng chocolates at snacks para samin ni merdyce.

Speaking of merdyce nga pala. Baka kilala niya yung dalawang tao kanina. Tama! Baka kilala nga niya. Dali-dali akong lumabas sa supermarket habang dala yung pinamili ko, pumunta ako sa shop ko at kinuha yung cellphone ko at tinawagan si bestie.

--

Merdyce's POV

Ito ako ngayon, nakahilata sa kama ko. Wala naman akong gagawin ngayon eh. Kaya mamaya na lang ako babangon. Matutulog na sana ako ng biglang nagring yung cellphone ko.

Tinignan ko kung sino, si bestie lang pala.

Agad naman ko itong sinagot.

"Bestieeeee! May itatanong ako." Bungad niya sakin.

"Ano?" Sabi ko habang kinukusot kusot ko pa yung mga mata ko.

"Alam mo ba kanina nung papunta ako sa supermarket may nabangga ako. Isang lalaki tapos isang babaeng malaki yung tiyan kaya parang buntis ata." Sabi niya. Sa sinabi niya parang kinabahan ako.

"Then?" Sabi ko.

"Then yun, nagsorry ako tapos inaccept naman nila. Pero alam mo ba, yung lalaki parang nakakita ng multo nung nakita niya yug mukha ko. Tapos nung papaalis na sila, lumapit sakin yung babae tapos may binigay na papel at may binulong. Sabi, "read this letter. See you soon." Tapos yun umalis na sila tapos ako naman, pumunta na sa supermarket.

See you soon? Ba-baka si Mi-mira yun. Tapos si Jamie.

"Nabasa mo na ba yung letter?" Tanong ko sa kanya.

"Nope. Not yet. Gusto mo ba basahin ko?" Sabi niya sakin at sumagot na lang ako ng oo.

"Hello. I'm mira. A friend of yours. May persyento ako sa nakaraan mong nakalimutan mo na. Meet me. Anywhere. Tomorrow night. Text me kung saan.

MY BESTFRIEND IS A GANGSTER | JADINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon