Robert's POV
Ako nga pala si Angelo, from Binangonan Rizal. Ishishare ko lang itong experience ko about creepy things nung nagtraining ako for one month at Cavite for Army Reserved Command.
It was started last April 27, 2014. Nasa kampo na kami ng mga araw na yun for the training at buong akala ko, magiging normal lang ang training na pagdadaanan ko pero nagkamali ako. Ilan din sa kasamahan ko ang nakasaksi sa mga nakikita ko pero hindi na lang namin ito ipinagkalat para hindi maging sagabal sa pagtitraining namin. Ikaw ba naman ang magtraining ng one month na ang kasama mo ay hindi lang mga buhay kundi pati mga sumakabilang buhay na. So, here are the story scenes.
Bata
Unang gabi mula nung pagkadating namin sa kampo, sabay sabay kami nagpunta sa Mess Hall. Ang Mess Hall ay kainan ng mga Officers at ng mga kadete na nagtritraining. After namin makapasok, may nagcommand na samin na maupo na. Then after nun, hindi ko napansin na may bata pala na nagtatakbuhan sa Mess Hall. Hindi lang isa kundi tatlo sila. Lahat sila nakawhite T-shirt. Siguro mga nasa 5-7 ang edad nila. Pa-ikot ikot na tumatakbo lang sila sa mga mahahabang mesa. Akala ko anak sila ng mga nagluluto doon. Oo normal lang na maglaro ang mga bata kasi nga kabataan ang edad nila pero hindi angkop ang lugar na pinaglalaruan nila kasi kainan yun ng mga sundalo at hindi dapat maglaro doon.
After namin kumain, nagform na kami sa labas ng Mess Hall para magproceed sa Barracks. Ang Barracks ay yung pahingahan at tulugan namin. Nung time na yun may kinausap ako na kabuddy ko.
"Buddy, ang kulit nung mga bata dun sa Mess Hall, ang ingay nila. Asan kaya yung mga magulang nun? Bakit di nila pagsabihan na hindi palaruan yung lugar na yun? Dun sa mga mesa pa sila naghahabulan."
Pansin ko ang pagkabigla nun sa mukha ng kabuddy ko kaya tinanong ko ulit siya.
"Bakit Buddy?"
"Buddy, wag mo nga akong niloloko! Wala namang bata doon eh at kung may bata doon, edi sana yung mga officers natin ang mga sumaway doon." Sagot niya.
Doon na parang lumaki ang ulo ko at tumindig ang mga balahibo dahil sa halos 300 kami na kumakain, ako lang pala siguro ang nakakakita sa mga bata na naglalaro sa Mess Hall.
Vending Machine
This is the continuation about creepy experience ko nung nagtraining ako sa Cavite. Almost 2 weeks na kami sa kampo noon. This are the another scenes.
Tandang tanda ko noong madaling araw at exactly 3:15 AM, na sinasabi nila na devils hour. First time ko na magbabarracks guard ng madaling araw. Ang Barracks Guard is ikaw yung naatasang magbantay ng Barracks niyo for the sake of others. Kasama ko yung isa kong kabuddy na nagbabantay ng Barracks namin.
Syempre madaling araw pa lang, gising na kami. Kulang ang tulog namin niyan. Aantukin kami at baka makatulog kami. At kapag nahuli kami na natutulog habang nasa duty kami, patay kami ng kabuddy ko. Kaya ako, umisip ako ng paraan para hindi antukin. Doon kami nakapwesto sa pinto ng barracks namin. Sa kalapit ng pinto, may mga vending machine ng kape na hinuhulugan ng limang piso para gumana. Doon ikaw na ang mamimili kung anong gusto mong flavor. Tatlo yung vending machine na yun pero sa kasamaang palad, wala dun yung flavor na gusto ko. Kaya kahit ako lang mag isa, ako na lang ang umalis para yung isa kong kabuddy ay maiwan na nagbabantay. Atleast kapag may dumating na officer, may makikita na nagbabantay sa barracks namin.
So, ganun na nga, nagpunta na ako sa isang vending machine which is makikita sa other building. Medyo malayo pero kailangan ko ng panlaban sa antok. Pagkadating ko doon, hinulog ko na yung limang piso dun sa vending machine then pagkahulog ko may narinig ako na sumusutsot dun sa may CR. Akala ko yung kabuddy ko lang yun pero imposible, andun siya, nagbabantay sa barracks. Palakas ng palakas ang sutsot kaya ako, medyo kinakabahan na din kaya chineck ko na muna yung CR.
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!