LQ

18 1 0
                                    

"Ayieh kinikilig sya"

"i love you"

"Mahal ko. mahal na mahal kita ^^"

     Isa lang yan sa mga salitang gusto kong sabihin mo sakin, gusto kong sabihin sayo.. Pero paano? ngayong nag aaway tayo. Ang sakit... di naman natin dapat nararamdaman to diba?? Masaya tayo diba?? puno tayo ng pag mamahalan.. pero ano tong nangyayari ngayon :(


     Nanghihina ako..

     Nanlalata ako..

     Ang sakit ng dibdib ko, di ako makahinga..

     Ang sakit... grabe..

     Ang lakas ng tibok ng puso ko...

     Di ako makapag salita.. Di ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.. natatakot akong baka mapasama pa yung susunod kong sasabihin.

     Di ako makatayo..

     parang ang bigat ng mga kamay ko.. di ko madampot yung cellphone ko..

     Sobrang bigat..

     Di ako makapag salita, Di ko maipaliwanag kung anong sakit yung nararamdaman ko ngayon sa puso ko.. Hanggang sa mararamdaman ko nalang na basa na pala ng mga luha ko yung pisngi ko. Yung mga luhang di ko naman pinahintulutang pumatak..


     Pero tama nga siguro sila.. di mo matatago yung nararamdaman mo. gagawa at gagawa ng paraan yung katawan mo para mailabas mo yung nararamdaman mo. Dahil di naman pwedeng kimkimin nalang natin sa sarili natin yung sakit..

     Yung dating kayo na masaya, Sweet, Naghaharutan, Naglalambingan. Ngayon eh tila may kung anong bagay ang pumipigil. Parang may kung anong nakatusok sa puso mo na pinapahirapan kang huminga. Gusto mong pigilin ang pag patak ng iyong luha. Ngunit di mo matatago yung katotohanang nasasaktan ka...


     Nasasaktan ka dahil di kayo okay ng taong mahal mo.. Gusto mong maglambing, Gusto mong maging okay na agad ang lahat.. Gusto mong mag kaayos na agad kayo.. pero paano?? san natin sisimulan??


     "Sorry" ~ Madalas natin sinasabi yan.. kahit alam natin sa sarili natin na hindi naman tayo ang may kasalanan.. sinasabi nating "Pasensya na" kahit di naman dapat.. Ayaw na kasi nating palakihin pa ang usapan.. Totoo o Hindi?

     Di baleng mag mukha tayong masama, di baleng mag muka tayong masama sa paningin ng iba.. Hindi na baleng akuin natin lahat ng mali makita lang natin na kahit paano eh naaayos natin yung mga gusot sa relasyon natin.. Hindi na baleng masaktan tayo. kahit tayo nalang masaktan..... wag lang yung taong pinaka mamahal natin.. Hindi na bale na mag mukha tayong tanga makita lang natin o maramdaman natin na kahit paano epektibo yung pag salo natin sa mali ng mahal natin.. Mali to diba?? pero kelan ba naging mali ang mali pag dating sa pag mamahal natin sa taong pinaka mamahal natin..


     Gusto ko lang naman na maging okay na tayo eh :'( ..Gusto ko lang naman na maging maayos na tayo.. Pero paano???? Paano? sinusuyo kita, inilalayo mo ako........... siguro sasabihin ng kapareha natin di nila tayo nilalayo,. pero ganun yun...


     Gusto ko lang malaman mo mahal ko.. na kahit anong mangyari.. hinding hindi papasok sa isip kong iwanan ka.. maging komplikado man ang lahat. hinding hindi ako magsasawa sayo.. saktan mo man ako ng paulit ulit pangako. magiging matatag ako.. kasi in the end of the day bago ako pumikit at humimbing hindi naman yung mga away natin ang naaalala at naiisip ko.. hindi ko naman naiisip yung mga masasakit na salitang binibitawan mo sakin pag may L.Q. tayo...


     Pag may ayaw tayo, tampuhan.. bago ako pumikit.. ang iniisip ko yung mukha mong nakatitig sa akin at nakangiti.. nakikita kita mahal ko, nadidinig kong sinasabi mo lahat ng pangako mo saakin.. naaalala ko yung unang araw na hinalikan mo ako, yung unang araw na hinawakan mo ang aking mga kamay, yung unang araw na sinabi mo sa akin ng personal na mahal mo din ako.. Naaalala ko yung araw na sinagot mo ako. wala ng mas sasaya pa doon.


     Hangga't maaari ayokong isipin yung mga mali nating nagagawa.. yung masasakit na salita.. ang gusto ko puno tayo ng pag mamahalan.. oo masakit, tao lang naman din tayo diba? nasasaktan din tayo.. pero maraming rason para sumaya.. pero di kasama sa mga rason na iyon ang maghanap ng ligaya sa iba.



     Iniisip ko bago matulog na sana pagdilat ko kinaumagahan na maayos na ang lahat.. na sana isa lang tong panaginip. isang masamang panaginip... alam kong may rason ang lahat ng bagay kaya ito nangyayari.. at alam mo? sa tuwing may ganito tayong moments? isa lang ang naiisip ko..



     "Kaya natin to mahal ko :) pagsubok lang ito! malalagpasan natin to. madami pa tayong mga pag tatalong malalagpasan. madami pa tayong dramang iiyakan, madami pa tayong pagsubok at away na pag dadaanan. at malalagpasan natin to. kumapit ka lang sa akin mahal ko. pangako hindi kita iiwan at pangako panghahawakan ko lahat ng pangako ko sayo. Iiyak ka, pero pangako ko sayo.. hindi ka iiyak mag isa dahil kasama mo ako.. gusto mo mag iyakan tayo. pero no matter what i assure you na di ka mag iisa. may away man tayo o wala nasa tabi mo lang ako.. i love you.. sa huli nagpapasalamat din ako't nag away tayo. dahil itong mga away at problemang ito ang magpapatunay na malakas tayo, na matatag tayo. walang forever mahal kong girlfriend, walang forever pero meron tayong pag mamahalan. at di nawawala ang pag mamahalan. kapit ka lang, wag kang mawawalan ng pag asa. madaming tao ang mag tatangkang tayo'y pag hiwalayin, madaming pag kakataon ang susukat sa tibay natin. pero wag kang matakot at mangamba. kasama mo ako sa lahat ng oras. Not literally pero kasama mo ko.. i love you. till my last breath ends..."


     pipikit nalang ako ngayong gabi at iisipin ang lahat ng pinaka masasayang pangyayaring nangyari satin.. dahil pag nakapikit ako ikaw na nakangiti ang nakikita ko.. at di ko mamamalayan na sa pagkakapikit ko ay mahihimbing ako. may luha man sa aking mga mata ngayong gabi sisiguraduhin ko na sa pagsapit ng umaga muli tayong sasaya at isa nanamang pag subok ang ating nalagpasan :)






---i love you girlfriend ko :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

L.Q. (Lovers Quarrel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon