CHAPTER 2: Ang matakaw na si Cassie

263 5 1
                                    

CHAPTER 2

Ang matakaw na si Cassie

Angelo's P.O.V

Yehey. Si ms. author pinag-P.O.V ako kagad. Mabuti naman at para makilala nila ko ng lubusan. :)

By the way. I'm Marc Angelo Tan. Tall, handsome, mabait, mahilig mang-asar, cute at syemre GWAPOng nilalang din ako. Hahahaj ! Di ba ms.author ? Oo ka na lang. Wag ka ng kumontra.

(A/N: Tingnan mo tong lokong to pinag-P.O.V ko lang puro na kayabangan ang sinasabi. Tsk) I'm already 16 years old. 4th year student na din ako. At ako din ang bestfriend ni Cassie. Yes, BESTFRIEND niya. Sa ayaw man o sa gusto niyo. XD Nahihiwagaan siguro kayo kung pano ko siya naging bestfriend noh. Actually ganito yun ................

Flashback:

Huhuhuhu T.T

Oi bata bakit ka umiiyak? tanong ko sa batang naglulumpasay sa park.

Kasi inaway ako ng mga batang yun. Turo niya sa mga lalakeng bata na nasa park.

Sabi nila hindi daw nila ako gustong kalaro kasi babae daw ako. Huhuhuhuhu T.T Patuloy pa din siya sa pag-iyak.

Oh eto, panyo wag ka ng umiyak dyan. Ang ganda-ganda mo umiiyak ka dyan. Tingnan mo nga sarili mo para kang ewan. Tumutulo pa sipon mo.

Tumigil ka na sa pag-iyak, kung ayaw ka nilang kalaro hayaan mo sila. Andito naman ako eh. Tutal bago pa lang ako dito. Tayo na lang ang maglaro.

Talaga? Di mo ko aawayin?  tanong niya sakin.

Syempre hindi. :) Nakangiting sabi ko sa kanya. Ano nga pangalan mo?

Ako si Cassandra. Cassie na lang itawag mo sa akin. Eh ikaw anong name mo?

Ako si Marc Angelo. Angelo na lang itawag mo sa akin. :)

At simula nun lagi na kaming magkasama at nag-lalaro. Kaya kami naging mag-BESTFRIEND.

End of FLASHBACK.

Natapos na din namin yung movie na pinanuod namin at hanggang ngayon hindi pa makarecover tong si best Cassie.

Hay ! Grabe mga babae talaga pag kinilig kulang na lang tumalon sa building sa sobrang kilig. >____________________<

Andito naman kami ngayon sa World of fun. Naglalaro kami ng basketball. Ang dami naming naubos na token dahil sa kakalaro namin.

Habang nakaupo kami bigla naman akong kinalabit ni best Cassie.

Oh bakit? may problema ba? Tanong ko sa kanya.

Best, Yung tiyan ko. Nagwawala na. My tummy is already hungry. Wala ka bang balak pakainin ako? Kanina pa tayo dito eh. Sunud-sunod niyang reklamo.

Oo nga pala. Wala ka pa palang kinain, halika kain na muna tayo. Naghanap kami ng makakainan dahil maski ako nagugutom na din. At alam niyo ba kung saan kami napadpad na kainan.

TENTENENEN :DD

Walang iba kundi sa favorite naming kainan pag gumagala kami. Sa pulang bubuyog na nagngangalang si JOLLIBEE kung saan bida ang saraap. HAHAHAHAHAJ XDD Adik lang :DD

Umorder na kami ng kakainin at itong si bestfriend halos lahat ata ng pagkain sa jollibee inorder niya. Grabe my balak talaga ata siyang ubusin ang pera ko. Ang dami niya talagang order. Kinalabit ko siya at nagsabi akong ..

Best Cassie mauubos mo ba yang inorder mo. And dami eh. Ganyan ka ba talaga kagutom?

At ang isinagot niya sa akin ..

Oo mauubos ko to. Ako pa :DD tsaka gutom na gutom talaga ko eh. Okay lang naman siguro sayo di ba? Tsaka treat mo naman ako kaya okay lang na madami ako orderin ikaw naman magbabayad eh ^___________^

Ay Oo best. Okay na Okay lang talaga sa akin. Basta ikaw. Sarcastic kong sagot sa kanya.

Baka gusto mo pang dagdagan yan? baka kulang pa sayo.

Hindi okay na ko dito best. Nag thumbs up siya sakin. Grabe ibang klase talaga siya. Minsan nga napapaisip ako eh kung talaga bang tunay siyang babae. Grabe lakas niyang kumaen pero kahit ganun ang ganda pa rin ng shape ng katawan niya. Ang sexy pa din niya :) Siguro may buwaya siyang alaga sa tiyan kaya ganun.

BUUUUURRRRRRRRPPPPPPPPPPPPPPP. Oooops. Hihi :3 Excuse me best Angelo. Garabe nabusog ako ng sobra-sobra.:] sabi niya pagkatapos niyang dumighay ng pagkalakas-lakas. 

Halata ngang busog na busog ka eh. Lakas mong dumighay eh. Tinitingnan ka tuloy ng mga tao dito. Saad ko sa kanya.

Hayaan mo sila. Pakelam nila. Hahahahaj ! Tsalap tsalap. dagdag pa niya.

Sa susunod wag ka naman dumighay ng ganun kalakas para kang di babae eh. Nakakahiya oh.

Oo na. Nag-pout pa siya para talaga siyang bata.

Pagkatapos namin kumaen, nagpasya na kaming umuwi. May dala naman akong sasakyan at my driver din ako kaya hindi kami nahirapan umuwi. Nang nasa loob kami ng sasakyan nakatulog siya, siguro sa sobrang pagod. Nang makarating kami sa labas ng bahay nila ginising ko siya pero sa sobrang himbing ng tulog niya hindi siya nagising. Tulog mantika talaga. Tsk. >____________________<

At dahil dito wala akong nagawa kundi buhatin siya. Kumatok na ko sa my pintuan nila at pinagbuksan naman ako ni Tita Nerissa (Mommy ni Cassie).

Oh Hijo. Ginabi na kayo ah. Anong nangyari sa anak ko at buhat buhat mo? Pagtatanong ni tita.

Eh nakatulog po siya habang nasa byahe kami eh. Ginising ko naman po siya kaso walang epekto eh. Tulog mantika.

Ay naku hijo pagpasensyahan mo na yang si Cassie. Lam mo naman yan. Ganyan talaga siya. Buti pa iakyat mo na siya dun sa kwarto niya. At mukhang nabibigatan ka na sa kanya.

At yun na nga umakyat na ako at inilapag si best Cassie ng marahan sa kanyang kama.

Grabe ! Kahit na sexy siya ang bigat niya. Napagod ako dun ah >_______<

Bago ako bumaba. I kissed her a goodnight kiss. Syempre sa forehead lang noh.

After that, Bumaba na din ako at nagpaalam na kay tita na uuwi na ko.

I'M IN LOVE WITH MY BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon