Shantelle Kristina
Pagkakuha ko ng ibang damit ko sa dating unit namin ni Ram ay umalis na rin ako. Medyo natagalan na kasi ako dahil natraffic ako, nangangamba ako dahil baka umiiyak na si Baby Zeyrone.
"Shantelle!"
"Uy! Drickzel!" Natuwa ako ng makita ko si Drickzel na kalalabas din ng unit nito.
"Long time no see. Kumusta ka na?" tanong nito.
"Ito ayos lang." sagot ko naman. Humarap ako dito matapos kong ilock ang pintuan ng unit namin.
"Ikaw? Kamusta ka na?" tanong ko rin.
"I'm okey, kinamusta kita kay Ate Laarni, sabi nya na nanganak ka na daw."
"Oo." nakangiting sabi ko. "Lalaki ang anak ko. Kris Zeyrone ang pangalan nya."
"Nice name. Parang mas bumagay yata sayo nang manganak ka, mas lalo kang gumanda."
"Ha." napanganga na lang ako sa sinabi nya. Tumawa lang ito at pinisil ang ilong ko.
"Basta, ninong ako ng baby mo ah." muling sabi nito.
"Oo naman, sasabihan kita agad. Malapit na rin iyon, hinihintay ko lang si Ram dahil nasa ibang bansa sya. Itetext kita."
"Oh I see. Business trip?"
"Ahm... oo, pero mga isang linggo lang naman sya doon." Sagot ko saka ngumiti dito. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Drickzel bago ako nagpaalam na umuwi dahil iniisip ko si Baby Zeyrone. Kahit naman alam kong wala akong dapat ipag alala dahil si Mama naman ang nagbabantay dito, hindi pa rin maalis sa akin ang mag alala. Ewan ko ba, ganun nga siguro kapag Nanay ka na.
Nag alok pa si Drickzel na ihahatid nya ako pero tumanggi na ako. Dadaan pa kasi ako ng supermarket para bumili ng mga stocks na diaper ni Baby Zeyrone.
Pagkarating ko sa bahay ay sinalubong agad ako ni Ate Malou para kunin ang mga pinamiling bitbit ko. Paakyat na rin sana ako ng hagdan ng lumabas mula sa kusina si Mama.
"Oh, nandito ka na pala, dumating na si Ram." sabi nito.
"Nandito na po si Ram?!" Hindi ko na napagilang sambitin. Hindi ko alam pero ganun na lamang ang tuwang naramdaman ko ng sabihin ni Mama na nandito na si Ram.
"Oo, hindi nga nagpasabi na ngayon pala ang uwi nya. Nasa kwarto nyo na, kasama si baby Zeyrone." Ngumiti ako ng pagkalaki laki kay Mama saka nagtatakbo papunta sa kwarto.
"Ram-" napahinto ako sa pagtawag dito dahil pagbukas ko ng pintuan ay kasalukuyan nitong nilalapag si baby Zeyrone sa crib na himbing na himbing ng natutulog. Dahan dahan na lamang akong pumasok at marahang sinarado ang pintuan para hindi gumawa ng ingay.
"Saan ka ba galing?" nawala ang pagkakangiti ko ng tanungin ako ni Ram habang nakakunot ang noo nito. Umupo ito sa gilid ng kama habang nakakunot noo pa ring nakatingin sa akin.
"Ahm pumunta ako sa dati nating unit, may kinuha lang akong ibang mga gamit ko na hindi ko nadala." sagot ko.
"Yun lang?" Nakakunot noo pa ring tanong nito sa akin. Saglit akong natigilan at tumingin lamang dito.
"Dumaan na din ako ng supermarket dahil naubusan na ng stocks na diaper si Baby Zeyrone." Lumakad ako at bahagyang lumapit dito.