Kabanata 70

1.8K 46 0
                                    

"Yumi okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah?" Tanong saakin ni Patty katabi ko sya dito sa sofa. Nasa sala kami nagkukwentuhan ang barkada.

"Okay lang ako." Sabi ko. Napapansin pala nila ako. Hindi kasi mawala sa isip ko ang nabasa kong text  nakakatakot. Dapat ko bang gawin ang sinabi nya. Sino kaya yun?

"Sure ka? Ang putla mo." Sabi saakin ni Ryan katabi ko rin sya. Sa kaliwa si Patty sa kanan si Ryan. Wala si Akihiro dito nasa kwarto natutulog kasama niya sila Ate Akira at Kuya Adrie natutulog silang tatlo.

"Oo okay lang ako." Sabi ko sakanila. Tumango tango naman sila at tinuon ang atensyon sa barkada na nagkukwento.

"Panalo daw ba yung school nyo?" Tanong ni Angie kay Kuya Owen.

"Hindi daw. Panalo yung kalaban lamang daw sila ng 18 points sabi ng kaklase namin." Sabi ni Kuya Owen. Nakaramdam ako ng guilty parang dahil saakin natalo sila. Ewan ko pero nalulungkot ako dahil hindi nakalaro si Akihiro sayang ang oras nya sa pagpapractice tapos hindi naman pala siya makakalaro.

"Sayang kung nandun lang si Akihiro malamang panalo tayo magaling din kasi si Akihiro sa basketball." Sabi ni Kuya Shin. Nasa carpet sila nakaupo.

"Hayaan nyo na yun may next time pa naman at isa pa mas pinili ni Akihiro na hindi na talaga maglaro mas mahalaga si Yumi para sakanya." Sabi ni Yuki. Napangiti ako sa sinabi nya tama sya. Masarap sa pakiramdam na mahalaga ako kay Akihiro, na mas pipiliin nya ako.

Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Yuki hindi ko dapat gawin ang sinabi sa text hindi ako makikipagbreak kay Akihiro. Hindi dapat ako matakot sa text na yun. Hin Di rin naman ako sigurado kung totoo ang sinasabi nung nagsend saakin ng text. Ito ang text nya saakin kaya kanina pa ako tulala sa kaiisip ng text nya.

From: Unknown Number

Makipaghiwalay ka kay Akihiro, kung hindi mo gagawin mapapahamak si Akihiro. Pag isipan mong mabuti kailangan ko ng sagot mo hanggang mamaya kapag hindi mo ko sinunod mapapahamak sya. Gangster ako kaya kong saktan si Akihiro.

Sobrang kinilabutan ako sa text nya natatakot ako sa sinabi nya. Gusto kong isipin na joke lang to pero hindi eh. Pakiramdam ko totoo pero hindi ako tanga para hiwalayan si Akihiro dahil lang sa gusto nya. Baliw ba siya bakit ako makikipagbreak ng walang dahilan? Okay na kami kung may hindi kami pagkakaintindihan naayos na namin yun. Masaya kami ngayon sana naman huwag na nila kaming guluhin gusto namin ng maayos na relasyon.

"Akyat muna ko guys inaantok din ako." Sabi ko sakanila kailangan kong matulog para hindi na ako masyadong nag ooverthinking.

"Okay sige magpahinga ka na mukhang pagod ka." Sabi saakin ni Faye. Tinaguan ko naman siya pagod talaga ako dahil naglinis pa kami ng kwarto sa bahay kanina.

Umakyat na ako sa taas. Pagpasok ko sa kwarto namin tulog na tulog sila ang lakas pa ng aircon sobrang lamig kaya lumapit ako duon para hinaan ang aircon baka sipunin na kami sa lamig. Humiga ako sa kamang mahaba dalawang kamang mahaba ito magkaharap. Malaki naman qng kwarto kaya kasyang kasya.

Humiga ako sa tabi ni Ate ko magkatabi sila Akihiro at Kuya Adrie sa kabilang malaking kama. Pumikit na ako at kaagad na dinalaw ng antok.

"Baby..." Napamulat ako ng mata dahil sa may tumatapik sa pisngi ko.

"Hmm..." Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago tuluyang dumilat.

"Bangon na Baby gabi na. Kakain na tayo" Sabi ni Akihiro nasa tabi ko sya nakaupo. Napatingin ako sa paligid nandito sila Rio, Daniel, Faye at Angie mukhang kabibihis lang nila.

"Labas na kami. Bumaba narin kayo kakain na daw." Sabi ni Angie tumango naman kami lumabas na siya kasunod ni Daniel.

"Ang tagal mong natulog Yumi yayayain ka sana namin magswimming kanina kaya lang tulog ka eh." Sabi ni Faye habang nagsusuklay ng buhok.

When I'm in High School (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon