Prologue

5 0 0
                                    

"Hoy payatot!" tawag ng batang lalaki sa babaeng nakatunghay sa bintana ng treehouse.

"Ano iyon, bantot?" walang ganang sagot ng batang babae.

"Malapit nang mag 5 oh. Pagagalitan ako ng parents mo pag di pa kita iuuwi sa inyo." sinamahan nito ang babae sa bintana at tumingin sa malawak na hardin sa labas.

"Matagal pa ba akong magthirtty?"

Nagtatakang tinignan ng batang lalaki ang kalaro.

"Matagal pa ata yun? Ahmm..." Nagsimulang magbilang ang lalaki gamit ang kanyang mga daliri. "4 years old palang tayo. Siguro mga one hundred years pa bago tayo mag twenty." Sabi nito pagkatapos ay ngumuya ng chippy.

Kumunot naman ang noo ng babae. Parang ang tagal naman yata?

"Bakit mo ba natanong?"

Nahihiyang yumuko ang batang babae at kinagat ang dulo ng hinlalaking daliri.

"Sabi kasi ni daddy pag twenty lang daw ako pwede mag boyfriend."

"Bakit ka malungkot? May nagugustuhan ka na bang bata?"

Tumango ang babae.

"Pero di niya ako like." malungkot na tugon nito at tumingin sa lalaki. "Mas like niya kasi yung girl sa nursery school." Tinutukoy niya ang lalaking kausap. Minsan kasi silang naglaro sa playground ng school ng biglang nawala ang lalaki para makipaglaro sa ibang batang babae.

"Ako pwede mong maging boyfriend. Payag ako." walang pag-aalinlangan nitong tugon.

Lumiwanag ang mukha niya matapos niyang marinig ang sinabi nito. Hindi kasi nito alam na crush niya ang kalaro.

"Talaga? Talaga? Gusto mo akong maging girlfriend?"

"Oo naman! Kaya paglaki natin gagawa tayo ng maraming maraming babies!" inosenteng sagot ng batang lalaki. "At magbi-build ng malaking malaking house."

Mas lalong lumawak ang ngiti ng babae.

"Mukhang masaya nga yun. Tapos magpapakasal tayo dito sa treehouse. Hmmm let's make a promise..." dagdag ng batang babae.

"Ano naman yun?"

"Isang kasunduan na pagkatapos ng one hundred years, pag twenty na tayo, babalik tayo sa treehouse na ito at dito tayo gagawa ng maraming babies."

"Kailangan pa ba nun?"

"Sabi ni mommy ko  pag nagpromise daw ang isang tao, kailangan tuparin yun. Kapag kasi ma break mo yung promise mo, kakainin ka ng malaking jablo sa pagtulog mo at hindi ka na gigising pa uli."

Bigla namang nanlaki ang mga mata at nanginig ang batang lalaki sa sinabi ng kasama. Ayaw niyang kainin ng monster.

"O-okay payag na ako." sabi ng lalaki. "Pinapangako ko sa harap ng wrapper ng chippy na ikaw ang  pakakasalan ko. At dahil takot ako sa diyablo, gagawin ko lahat matupad lang yung promise ko sayo."

Humagikgik ang babae sa narinig sa batang lalaki. Lihim siyang kinikilig. Inilahad rin miya ang kanyang  kamay at sumumpa ng may malawak na ngiti. "Pinapangako ko sa harap ng balat ng chippy, balang araw ay  magpapakasal tayo at magkakaroon ng wedding like Cinderella and her prince charming just minus the rats coz I'm scared. Now, let's seal our promise with a kiss."

Lumapit ang batang si Andrea sa batang si Seth at binigyan ito ng isang halik sa pisngi. Muling humagikgik sa kilig si Andrea at dali daling tumakbo pababa ng treehouse.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Til The End of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon