XIII. In His Shoes

28.6K 630 126
                                    

TITLE: In His Shoes
GENRE: Fluff/ Smut-ish

Ngayon naramdaman na nya kung anong dating nararamdaman ng asawa nya.

*******

'Ano bang ginagawa ko dito?' Kamot ni DJ sa gitna ng kanyang dalawang kilay habang nakakunot ang noo.

Iginala nya ang paningin sa paligid at lalo lang syang napailing habang pumaparada sa harap nya ang mga lalaking nangingintab ang upper half ng katawan habang sinusuotan ng kung ano anong burloloy.

'Ano DJ, ready ka na ba?' Hindi mapigilan ang tawang tanong ng kanyang Tito Dho habang papalapit naman si Rye sa kanya hawak ang brush at foundation.

'Tito Dho, baka naman po pwedeng mag-request ng ibang dressing room.' Bulong ni DJ. 'Nakakabwisit ang mga lalaking yan o. Mamaya, darating pa si Kath baka kung...'

'Yung akala ko sarili nya ang inaalala nya at gustong ma-detach dito sa mga borta dito. Yun pala, jellyfish.' Dho sighed as he rolled his eyes.

'Sayang naman Deejay, dito ka na lang o. Fiesta.' Maharot namang biro ni Rye habang sina-sight seeing ang mga paroo't parito na half-naked men na tila lumabas mula sa mga pahina ng magazine na may event sa oras na yon.

'Magka-kiliti ka hoy.' Natatawang sundot naman ni DJ sa make up artist. 'Kuya Dho ano na nga? Kahit dun na lang ako sa sasakyan. Ayoko dito o. Baka ma-insecure sila sa katawan ko.'

'Ang tapang ng apog. Kala mo may 6pack a.' Biro na naman ni Dho.

'Si Kathryn naman kasi, bakit ba pumayag pa yon?' At napakamot na naman sya sa ulo nya.

***START OF FLASHBACK***

'Babe, bawas ka na ng weight pls. Nabibigatan na ako sa'yo.' Kath whispered as she rest her head on his chest one midnight after their 'mommy-daddy time'.

Kumunot ang noo ni DJ habang hinahabol pa rin ang sariling hininga.

'Nagjojoke ka ba Kath?'

Hindi kasi sya makapaniwala sa tinuturan ng asawa. Pagkatapos kasi ng stint nya sa The Voice Kids bilang coach ay balik pagluluto na uli sya para sa kanilang 3rd restaurant na binuksan naman recently sa BGC. Alam nyang nadadagdagan na naman ang timbang nya pero yun ang unang beses na tila 'nagreklamo' si Kathryn.

Umiling ito.

'Nakausap ko si Ninang Kris kanina. Isama na daw kita sa gym pag pumupunta ako. Nakasabay ko kasi kanina si Bimby.'

'Nag-gygym na si Bimby?' Gulat na gulat na tanong nito. 'Ilang taon na ba yon?'

'Sixteen. Pero wag ka nga kasing ano. Pag nag-gym ako next week ha, sama ka na?'

'Pero kasi.' DJ pouted.

'Pero ano?' She faced him, instantly smiling with his look.

'Baka hindi mo na ako tigilan pag gumanda na ang aking katawan.'

'Storya mo.' She elbowed him right on his ribs as he pulled her to him.

'Hay, buti naghanap na ng sariling room si Chandri. Teka, bakit nga ba nagpalipat na sa sariling kwarto yung maarteng yon?'

'Ang lakas lakas mo daw kasing maghilik.'

'Wow! Ako pa talaga?! Baka naman naririndi sa mga sigaw mo pag ano?!'

'Yuck DJ! Tumigil ka nga.' Irap nya bago tumayo mula sa kama.

'San ka pupunta?'

'Iihi po.'

'Mamaya na.' And he pulled her again to their bed as he started to make her 'scream' again.

***END OF FLASHBACK***

Team Bernardo- FordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon