A/N: Kung medyo na-boring-an kayo sa last chapter. Sorry po. Kelangan kasi nila ng POV. Hindi yung puro sila Lance at Chandria lang. Hihi. Hope you understand po. ^_^ 10 votes po for this chapter. Please. =( Silent readers, paramdam po. Comment na din. Spread love. =)
***
CHAPTER 34 : Solo
LANCE’S POV
I’m the luckiest man nga kasi! Woo! Sa wakas! Papakasalan ko na rin yung babaeng mahal na mahal ko. <3 At para sa celebration, pupunta kaming Baguio. Surprise ko ulit sakanya. =) Oo, hindi pa nga celebration yung ginawa ko after proposal. Kumain lang kami nun. :p
Sinabi ko kay Chandria kagabi na mag-impake siya ng damit for 1 day lang naman. Basta susunduin ko siya ng 5am. Kaya eto, on the way na ko sa bahay niya. Iniintay naman na daw niya ko sa bahay niya kaya binilisan ko na yung pagdrive.
Ilang minutes lang din at nakarating na ko sa bahay niya. Pagbukas nung gate, inaantok pa siya, Ang pungay nga nung mata eh. Ang cute tuloy. Hihi. Pinasakay ko naman siya sa tabi ng driver’s seat. Ako naman, nilagay ko yung gamit niya sa likod ng sasakyan.
“San ba tayo pupunta?” tanong ni Chandria pagka-start ko ng engine.
“Secret.”
“Ingat sa pagdrive ha? Tulog muna ko. Mwa.” Ayon kiniss niya ko sa cheeks. :>
Nagdrive na rin ako. Nako. Mukhang walang dalang jacket to ah? Sabagay, summer naman na. Di na masyadong malamig niyan sa Baguio.
***
Stop over. 7:30 am. Nagising kasi yung prinsesa ko kaya naghanap ng pagkain. Kumain lang kami sa isang Drive-thru. Ayon, lumatak ng sangkatutak na burger at fries. Napakatakaw lang. Haha!
Pagkayari naman nun, nagbaon nalang siya ng Mcfloat sa sasakyan. Kaya ini-start ko na yung engine at nagtuloy sa pagdrive.
Siya naman nakatitig lang sakin. Kaya kinurot ko naman yung ilong niya.
“Ano ba Lance?!” Sabay hawak sa ilong niya.
“Cute mo eh. Lusaw na ko.”

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...