A/N: Hi friends! Readers! <3 Must read po itong Chapter na ‘to! Nakikita niyo naman po sa title diba? Anong katotohanan kaya ang mare-reveal? So suggest ko po, 10 votes para sa chapter na to. Please! Please! Paramdam na yung silent readers jan oh? Kelangan ko kayo. =)) Comment na rin mga peeps! Love love. Eto na.
***
CHAPTER 36 : The truth
LANCE’S POV
“The passengers at blablablah” Ayun. Cue na yun para umalis kami. Sumakay na kami sa plane ni Chandria. Kabado kami masyado. Kasi naman, yung nanay nga niya, mataray na. Pa’no pa yung tatay? Motoroy? Hehe. Jk.
“Lance kinakabahan ako.” Sabi ng magandang prinsesa.
“Wag kang kabahan. Nandito ako sa tabi mo.” Sabi ko sakanya sabay hawak sa kamay niya.
Ano kaya magiging reaksyon ng Tatay non pag nagkita kami? Di ba masama ugali non? Hehe. I mean malupit kay Chandria? Tsk. Eh yung Nanay niya, kilala ko na yun. Lagi ngang pinupuntahan non si Chandria eh.
At tsaka, ano ba itsura ng Europe? Huhu! Ang inosente ko masyado. Eh kasi naman, di pa ko nakakapunta dun noh. Natural maganda don. Maraming yacht. Hiyang hiya naman yung roro ng Pilipinas. Hahaha. Joke lang. Mahal ko Pilipinas noh.
Hulaan niyo ginagawa ni Chandria ngayon? KUMAKAIN. Ako? NAKATITIG. Hahaha. Inaalok ako pero ayoko. Baka maisuka ko pa yan. Nakakahiya naman.
Napag-isip isipan kong tumingin sa paligid. Lingon sa kaliwa. Hi Chandria. Tingin sa kanan. Hi Lolo. Hehe. Tingin sa likod.
O_________________o
“Mia?” Pabulong kong sabi.
“Ha baby? May sinasabi ka?” Nako. Patay! Nadinig ni Amazona.
“Ah eh. Si Mia oh. Remember? Yung babaeng—“
“Babaeng linta? Nasan ba?”
O________________o Itsura ni Chandria. Gulat din eh. Napalingon naman samin si Mia tapos nagulat rin pero nagsmile at nagwave. May sumilip na lalaki sa tabi niya. Kumaway rin samin.
Ngayon lang namin na may asawa na pala si Mia. Wow ha? Akalain mo, nakatagpo pa yung lintang yun ng mapapangasawa. At take note! May baby na sila. Mukhang 2 years old. Lalaki nga eh. Hawig na hawig kay Mia kaya matino yung itsura. Ang sama ko ba? Lol.
“May junakis na pala si Mia?” Tanong ni Chandria habang kumakain ng apple.
“Oo nga. Di mo ba nakita? Haha. Joke lang.”
“Sama mo! Pano kaya kung kayo nagkatuluyan noh? Ano kaya itsura ng anak niyo?”
“Unggoy. Hahaha! Hindi kami magkakatuluyan nun noh.”
“Bakit naman? Di mo rin masasabi!”
“Eh ikaw yung destiny ko eh.”
Nagblush naman yung magandang prinsesa. Kakulay na niya yung apple. Haha. Sinumpak naman niya yung apple sa bibig ko. Tumahimik nalang daw ako. Tsk.
***
EUROPE. 10:25 pm.
Ano na ba talagang oras? Masyadong jetlag bro. Pero okay lang. Kaya ko pa naman eh. On the way na kami papunta kala Chandria. Mukhang taxi tong sinasakyan namin. Pero di ko alam tawag. Basta sasakyan. -_-

BINABASA MO ANG
Way Back Into Love (Completed)
Romance"Lahat ng tao nagsisimula bilang strangers. At lahat ng couples, nag-uumpisa sa wala. Lahat sila may kanya kanyang storya sa buhay. Minsan nga, akala mo, siya na talaga. Pero... Naranasan mo na bang maiwan ng isang tao sa di inaasahang panahon? At s...