Pagkatapos nung nangyari nung gabing iyon, kinalimutan na namin iyon dahil hindi na naman naulit..Until one night 3 weeks after that incident...
Wala na naman si ate, kaya kami na namang dalawa sa kwarto ni Lory.
"Rina, dun ako sa papag ni ate ah" paalam ni Lory.
Oo sana ang sasabihin ko nung bigla ko maalala yung pagbukas ng pinto.
"Wag na tabi nalang tayo sa lapag, sige ka, baka bumukas na naman yung pinto" pananakot ko para mapapayag ko siya at effective naman
"Sus, wala iyon ano ba kayo baka bisita lang iyon" singit ni mama.
"Nakakatakot kaya baka ano pa makita namin at atakihin kami sa puso" pagbibiro ko kay mama.
"Ilock niyo kasi yung pinto" si mama
"Sira kasi yung lock ma, hindi na mailock." Sabi ni Lory.
"Sabihin iyo sa papa niyo para mapalitan"
At dahil busy si papa, at busy din kami hindi na namin nasabi iyong sirang lock.
Kinagabihan...
Magkatabi nga kaming natulog ni Lory, 11pm na ay gising pa kami dahil nag-kukwentuhan pa kami.
Hanggang sa nagpaalam na matulog si Lory at ako naman hindi makatulog.
Nakapikit lang ako pero gising diwa ko.
After ilang minuto, sumilip ako sa phone ko. 12:30 am na..
Pumikit ako ulit...
Nakaside ako paharap kay lory na nasa right side ko at nakatalukbong ng kumot hanggang leeg..
Maya-maya pa, narinig ko na naman yung pagbukas ng pinto kaya sumilip ako, bukas nga siya!! Hindi ako gumalaw.
Nakatingin lang ako, nakabukasa ito ng halos kalahati. Sa likod ng pinto ay may kurtina pa.
May naaninag akong itim na anino ng tao sa likod ng kurtina.
Ilang sigundo lang ay bigla nalang itong sumara ng malakas..
Nagising yung katabi ko kaya kinwento ko sakanya yung nagyari..
Hindi nalang namin iyon pinansin...
At pinilit matulog ulit.
Ate Shane's POV
Naikwento na sa akin ng dalawa kong kapatid yung kababalhang nangyayari sa kwarto namin pero di ko masyadong pansin dahil hindi naman ako nakakakita ng multo, at isa pa ang tagal na naming nakatira dito ngayon pa ba?
Naranasan ko lang e iyong magising ka ng madaling araw tapos pag tingin mo sa taas ng pader namin e may puting pusa na nakatitig sayo, letcheng pusa yun pano nakapasok, wala kaming pusa pero sa kabilang bahay marami, alaga kasi ni lola.
pag galaw ko bigla ba naman lumundag, so lumundag din ako sa mga kapatid kong natutulog sa sahig.
You know..
wala naman akong takot sa mga pusa pwera nalang pag nakalmot ako.
So ayun nagkagulo kami, takot kami at takot din yung letcheng pusa.
ilang beses nang nangyari iyon na may pusa sa kwarto namin.
This past few days ang wierd na sa bahay, pero dedma lang ako.
Until one night...
Shift ko sa trabaho ay 6am to 2pm. Dapat 1 hour before 6 nadoon na ako sa work kaya 3:30 gising nako para mag-ayos.. 1 hour para maligo at maghanda ng almusal at 4:30 gora na ako.
So ayon nagising na ako ng 3:30 dahil sa alarm clock ko. Sa Lapag kami lahat natulog dahil inalis na yung papag ko, sinindi ko yung ilaw para masanay yung mata ko humiga ulit after 5 minutes umupo lang ako at nagcheck nang mga dadalhin..
Maya-maya, kukunin ko na sana yung uniform ko na nakasabit lang sa pader, kung saan ako malapit, sa bandang paahan ko e yung pinto sa right side.
Tatayo na sana ako, nakastretch na yung kamay ko, nang dahan-dahang bumukas yung pinto kaya napafreeze lang ako.. tapos boom biglang sara! sabay higa ko ulit.
Wew! Ano ba iyon!
Nashock ako dun, kaya ginising ko mga kapatid ko.Papasok pa kasi ako, takot ko lang maligo.
Dahan-dahan namin binuksan yung pinto at sumilip sa labas wala naman tao. Lumabas kami hanggang kusina. Tahimik, tulog na tulog pa mga tao
Ano ba kasi yung sumisilip na yun.
Katakot!
Simula nun, pinalagyan na namim ng lock yung kwarto..
At hindi na nauliy pa iyon...
The End.
BINABASA MO ANG
Katatakutan
HorrorLahat tayo ay for sure, nakaranas na nang kakaibang pangyayari... Mga pangyayaring hindi mo mawari, (wow lalim no hehe) Mga nakakatako? Nakakapagtaka? Panong nangyari iyon? Marahil alam niyo na kung ano iyon... Sa gabi, Nariyan lang sila sa dilim...