BAKIT?
Paano ko sasabihin sa iyo,
Ang tunay na nararamdaman ng puso ko,
Kung iba ang laman ng puso mo,
At kaibigan lang ako sa iyo.
Nasasaktan ako pag nakikita ko kayo,
Masayang magkasama at kuntento sa mundo,
Habang ako mula sa malayo ay lumuluha,
Dahil alam ko na sa iyo ako’y wala ng pag asa.
Bakit pa kasi ikaw ang inibig ko,
Ngayon sa pag-ibig nadudurog ang puso ko,
Bakit pa kasi sayo nahulog ang puso ko,
Ngayon nasasaktan ng di mo man lang nalalaman.
Bakit ba kasi iba ang mahal mo,
Di nalang ako ang ibigin mo,
Bakit ba kasi di mo ako mapansin,
Bakit, bakit, bakit, bakit?