1

275 9 0
                                    

When the Playgirl Plays

Characters:

Jade Senna Kim - Taeyeon Kim

Jada Siena Kim - Jessica Jung

Hannah Bae - Park Minyoung

Ace Choi - Seunghyun Choi

King Lee - Lee Minho

Spade Choi - Jaejoong

"Jade! Get back here! I'm still talking to you!"

"Shut up Jake! At pwede ba wag mo akong dinidiktahan diyan!"

"Jade naman, bakit ka ba kasi bigla nalang nagagalit diyan. Nasa party pa tayo oh. Ang dami ng nakatingin." Pagmamakaawa ng kumag sa harap ko.

"So? Anong pakialam ko kung nasa party tayo? And so what kung nakatingin silang lahat?Nakatingin sila dahil maganda ako! At Magagalit ako kung kelan ko gustong magalit!" Sorry ka nalang Jake but tonight will be the worst night of your life >:) I mean no one can stop me now, I had this all planned out.

"Bakit ba kasi? Anong problema? Dahil ba sa babaeng kausap ko kanina? Dahil sa kanya?" May tinuro siyang mukhang hipon na babae meaning sexy pero ang mukha nevermind. At anong gusto niyang palabasin? Nagseselos ako? Eeww! I don't get jealous because I know that I'm so much better that all of these bitches!

"Huh? Ahahaha. Do you seriously think na nagseselos ako sa babaeng hipon na yan? I mean seriously ganyang itsura pagseselosan ko?"

"HEY! Magdahan dahan ka sa pananalita mo!" banta sa akin ng hipon na babae. Aba! Akala niya matatakot ako sa kanya ah?! Pwes, wrong move dahil pag ako galit lahat ng maki-alam madadamay.

"A-n-g p-a-n-g-i-t m-o." Dahan dahan kong sabi sa kanya. Then I smirked at her.

"Aba pilosopo ka pa!"

"Sabi mo dahan dahanin ko tanga ka pala e! Ang pangit mo na nga bobo ka pa! PWE!" hindi na siya nakapagsalita after nun masyado yatang nagandahan sa akin tapos si Jake naman ang hinarap ko "Ikaw naman we're over!"

"No! Don't say that!" Pagmamakaawa niya sa akin. HAHA mukha niya! Di ako makukuha sa ganyan.

"I just did tanga! Alam mo actually bagay kayo nung babaeng hipon tutal parehong mahina ang IQ ninyo. Magsama kayo!" Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papalabas. Ang bongga ng exit ko lahat ng madadaanan ko tumatabi. ABA DAPAT LANG! At OO nakita lahat ng tao yung ginawa ko kaya lahat sila NGANGA. I super love this! I wish someone is recording this para may remembrance ako. :)

"Jade, bakit ba? Bakit bigla ka nalang nakikipaghiwalay? Sa party pa ng pamilya ko." Tumigil ako sa paglakad at humarap ulit sa kanya. EEWW ang pangit niya. Umiiyak kasi siya. At natutuwa ako!

"Wala lang. Nakakasawa ka na kasi. At pwede ba wala akong paki-alam kung party to ng pamilya mo. Inaangkin ko ba?!"

"No, please Jade. Please." Iyak siya ng iyak nakakairita! Sa lahat ng brinake ko siya na yata ng pinakamatindi umiyak, well paano ba naman kasi eto din ang pinakabonggang break up scene na nagawa ko.

"Oh my! I didn't know that you are such a cry baby! Itigil mo nga yan hindi na ako babalik sayo kahit umiyak ka pa ng dugo diyan. Isa pa pumapangit ka!"

"Walang hiya kang babae ka! Bakit ba ang sama ng ugali mo?" Sabat ng nanay ni Jake na si I-don't-know-who-and-I-don't-Care.

"E bakit ikaw? Bakit ang pakialamera mo?"

"Aba bastos ka!" Inis na inis yung nanay niya saken pero care ko ba? Mas nag-eenjoy nga ako e.

"O? ano? Iiyak ka na din? Sige lang. Magsama kayo ng anak mo."

"Jade, wag mo akong iwan, not now." -Jake

"Ano yan? Inuutusan mo ba ako? HA!" Ang ayaw ko sa lahat yung inuutusan ako! Nakakapang-init ng ulo! Dahil diyan ibibigay ko na sakanya ang pinakamatindi kong bala.

"Ayoko na sayo kasi may iba na ako. Oh he's here na pala. Tignan mo para makita mo kung bakit kita pinag-palit." Lumapit ako sa isang lalaki na nag-aabang sa pintuan. White tux and white shoes. Neat hair. Amazing body and Umaapaw sa kagwapuhan.

"Jade. Let's go?" tanong sa akin ng gwapong nilalang. He smiled at me so I smiled back at him.

"Okay. Tutal tapos na ako sa walang kwentang party na to." Tapos nag-smile ulit ako sa kanya.

Pinagbuksan niya ako ng kotse at sumakay na din siya. Pero before he start the engine binuksan ko muna yung bintana at inalis yung kwintas na binigay sa akin kanina ni Jake at binato sa direksyon niya. "Iyong iyo na yan! Baka magkaallergy pa ako sa cheap na kwintas na yan." With that umalis na ako sa walang kwentang lugar na yon. HAY! I am so happy right now. Para akong naka-recharge. I really love this feeling. Yung feeling na makapaghiganti ka!

Jane Senna Kim. Certified mataray at playgirl. Lahat ng lalaki kayang kaya kong paglaruan at paikutin sa aking palad. I have mastered playing the game called LOVE! It is very easy actually, step 1: Make them fall for you. Step 2: Be his ideal girlfriend. Step 3: (My favorite part) Break his little heart or should I say his EGO? >:)

Pero kahit ganyan kasimple ang steps there are requirements para siguradong hindi ka matatalo sa larong ito. Una sa lahat kailangan wala kang awa. Maging pusong bato ka. Ikalawa Wag na wag kang mahuhulog sa kanya at ikatlo always remind yourself kung bakit mo ito ginagawa. Aba hindi naman pwedeng magiging playgirl ka nalang ng walang dahilan. Everything happens for a reason.

Ako? Ang rason ko? Revenge, Vengeance, Payback, sa tagalog paghihiganti! Pesteng mga lalaki yan! Makakita lang ng nakapalda magloloko na! Lagi nalang nasasaktan ang mga babae dahil sa kanila! Bago pa kayo magsalita chuchu diyan I'm talking with experience here kaya wag kayong magkakamaling sabihin na hindi totoo ang sinasabi ko! Umpisahan sa nanay ko, sa kapatid ko, sa pinsan ko, sa tita ko, at pati sa lola ko! Lahat nasaktan dahil sa mga manlolokong lalaki na yan! At ako din mismo naloko na, nasaktan at pina-iyak. Now? It's payback time. May dalawang rason ako kung bakit ako naging playgirl. Una para maipadanas sa mga lalaki ang naramdaman ng mga babaeng niloko nila at ikalawa ay para gisingin ang mga martir at nagtatanga tangahang mga babae!

Jusko! 2013 na! Unang panahon palang argabyado na ang mga kababaihan! Hindi pwedeng mag-aral, taong bahay at taga-silbi yan lang ang role ng mga kababaihan. Kung tutuusin dapat pinapatayuan ako ng monumento ko dahil I am a playgirl with a good cause! Hindi naman kasi kung sinong lalaki lang ang linoloko at sinasaktan ko, mga playboy ang puntirya ko! At ang mga goodboy kaibigan ko.

Kung iisipin, dahil playboy nga yung mga pinaglalaruan ko, hindi naman sila actually naiinlove sa akin kaya hindi ako heartbreaker. Ang sinasaktan ko lang ay ang napakalaki nilang EGO! At yan ang pinakamasakit sa mga lalaki, hindi ang puso nila. I'm an EGOBREAKER not a HEARTBREAKER. Nakikipag-break ako sa mga lalaki ko sa harap ng maraming tao para siguradong mapahiya sila. At para mas masaktan ang ego's nila pinapalabas ko na pinagpapalit ko sila sa mas gwapong lalaki. HAHAHA tignan ko lang kung di sila ma-trauma at kung mambababae pa sila niyan.

So kung naging syota ko yang boyfriend mo ngayon? CONGRATS, siguradong magpapakabait na yan. So thank me!

Kung tatanungin niyo naman ako kung bakit magaspang ang ugali ko? Ang sagot ko: ABA siyempre ipinaglihi ako ng nanay ko kina Avah Chen, Abigail Tizon , Kenji delos Reyes at Lance Mariano no tignaan ko lang kung di maging ganito ugali mo! Pero actually mabait naman ako nuon, bago ako niloko ng hinayupak kong EXboyfriend. Sobrang bait ko kaya nagpakamartir ako. Idol ko kasi si Athena Dizon kaya ganon. Akala ko magiging kami din pero wala. Punyaterang lalaki yan pinagpalit ako sa mukhang amazona! Sa ganda kong to? At sa yaman kong to? PWE! Magsama sila sa imyernong pagdadalhan ko sa kanila.

At dahil sinabi ko yang super private na dahilan ko sa inyo, I-follow niyo ang magandang author nito! Like right NOW! Magcomment ka na din pero siguraduhin mong may class ang comment mo dahil ayoko sa cheap! Intiendes? PWE!

[A/N: Tell me what you think about it :D Continue reading for more tarayan at patalbugan moments ^_^]

When the PlayGirl PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon