"Tinext ko ma si mom, sabi ko lumuwas na tayo." ani Trixie na ngayon ay nasa likuran ng sasakyan.
Hindi naman sumagot si Carlos at nanatiling nasa daanan ang tingin. Nang marinig namin ang paliwanag ni Trixie kanina tungkol sa daddy nila ay mabilis kaming nag-ayos upang pumunta ng Manila. Hindi pa sana ako sasama kaso hindi pumayag si Carlos na wala ako sa tabi niya kaya naman sumama na lang rin ako. Sinulyapan ko siya at sinuri ang mukha niya. Hindi man niya sabihin ay nakikita ko sa mukha niyang nag-aalala siya.
"Sleep, Odessa, mahaba habang biyahe ito." utos niya ng mapansing tinititigan ko siya.
"Paano ikaw? Hindi ako matutulog hanggat hindi karin matutulog." napabuntong hininga siya at hinaplos ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay.
"Odessa, huwag mo na akong alalahanin. Ayos lang ako, magpapahinga ako pagkarating natin sa Manila." Sinunod ko na lang ang sinabi niya at pinahinga ang ulo ko sa headrest.
"Here," binigay niya saakin ang jacket niyang suot kanina. "Wear it, baka malamigan ka pa."
Tumango ako at kinuha 'yon sa kanya. Nang maisuot ay inayos ko ang aking upo at bahagyang inadjust ang upuan. Ginawa kong unan ang kamay ko at humarap kay Carlos. Nag-aalala ako. Hindi lang sa daddy niya kung hindi ay pati narin sa kanya. Ngayong inatake ang papa niya ay sigurado akong hindi papayag si tita Theresa na pagtrabahuin ang asawa niya. Na kay Carlos na ngayon ang responsibilidad sa kompanya nila.
"Sleep, Odessa." muli niyang utos ng mapansing nakatitig parin ako sa kanya at hinaplos pa niya ang buhok ko.
"Ingat ka sa pagdadrive ah? Gisingin mo ako kapag naiinom ka o kaya ay nagugutom."
"I will, now sleep."
Sumimangot ako at pinikit ang mata. Mukhang ayaw niyang maistorbo dahil tutok na tutok siya sa pagmamaneho. Nakikita ko rin sa anyo ng mukha niya na madami siyang iniisip kaya naman sinunod ko na lang ang sinabi niya kahit hindi paman ako inaantok. Sinulyapan ko muna si Trixie na ngayon ay himbing na sa pagtulog. Nakapagtataka at hindi niya sinama si Jackson.
Nagising ako ng maramdamang tumigil ang sasakyan. Napasulyap ako kay Carlos ngunit wala siya sa upuan niya. Alas onse na ng gabi at hindi ko alam kung nasaan na kami. Bahagya ring nakabukas ang pintuan kaya naman natanaw ko si Carlos sa may silong ng puno na naabot ng sinag ng ilaw mula sa poste. Nakatayo siya doon. Napabuntong hininga ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. Hinintay ko siyang makapasok. Nagulat pa siya ng makita akong gising.
"Odessa," ngumiti ako at kinuha ang kamay niya at linagyan ng alcohol ang palad niya. Tumawa siya ng mahina sa tinuran ko.
"Fresh from junior pa 'yan." tinampal ko ang labi niya.
"Kung ano ano nanaman ang sinasabi mo! Tulog pa si Trixie!" mas lalo lang siyang natawa at binuhay ang makina ng sasakyan.
"Inaantok ka na ba? Pwedeng huminto ka muna sa pagdadrive ah."
"Ayos lang ako. Atsaka hindi na bago saakin ito. Huwag mo na akong alalahanin, okay? Kiss mo na lang ako para lumakas ang energy ko." ngumuso pa siya at linapit ang mukha niya saakin kaya naman dinampian ko na lang ng halik ang labi niya ngunit sumimangot siya."Gusto ko 'yong matagal, Odessa." humagikhik ako at siniil siya ng halik. Nang pakawalan ko ang labi niya ay dinilaan niya ang bibig niya at wagas ang ngiti niya."Sarap," patuloy pa niya at nginisian ako.
Tumawa lang ako at hinawakan ang kamay niya habang pinapaandar ang sasakyan. Hindi ko mapigilang titigan ang mukha niya at mas nanaisin ko pa siyang sabayan sa pagpuyat kaysa ang matulog. Carlos means a lot to me. Sa huli ay pinatulog parin niya ako. Nagising na lang ako ng may tumapik sa pisngi ko at humahalik sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Everlasting
General FictionHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?