Bad #41

36.9K 724 9
                                    

-BAD #41-








Hawak hawak ni Wade ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa mansion niya. Ipinasok ng driver niya ang mga gamit namin at umalis na ganoon din ang lalaking assistant niya. Nakakapagod ang byahe. Ang layo naman kasi ng Bohol. Ayoko pa sana umalis pero gaya ng sabi ni Xyra kailangan daw sama sama kami dahil kahit sila ni Lucas ay nakatanggap ng pagbabanta sa Monica na yon. Umakyat kami sa kwarto ni Wade at parehas na nahiga sa kama. Nanlalambot ako gusto ko na lang matulog ang bigat bigat ng katawan ko.







"You look so tired, Bade. What's wrong with you? Not enough sleep last night?" Hinalikan niya ang leeg ko at tumawa tawa pa. Pinaghahambas ko na lang ang dibdib niya at sabay kaming tumawa. Mahal ko na talaga ang lalaking to walang duda.







"Eh nakakapagod lang yung byahe. Tsaka parang nanglalambot talaga ako." Sagot ko sa kaniya. Hindi naman masama ang pakiramdam ko pero ang bigat talaga ng katawan ko ngayon.







"Well i'm going downstairs. It's almost lunch so i'll cook something." Bumangon siya pero hinawakan ko ang t shirt niya at hinila siya pabalik sa kama.







"Dito ka muna. Mamaya ka na magluto." Ngumisi siya at tumabi ulit sa'kin. Hinalikan niya ang labi ko at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko nanaman ang paginit ng pisngi ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Napangiti ako.







"Ang landi mo, Babe." Sabi niya pa sa'kin na parang ginagaya ako pag sinasabihan ko siya ng ganon. Tumawa na lang ako. Tumitig lang ako sa mukha niya at hinaplos ito. Ngumiti siya.







"I love you." Biglang sabi niya. Ang sarap sa pandinig pag sinasabi niya yon. Huminga ako ng malalim at sasagot sana ako ng i love you too pero natigil ako nang tumunog ang phone niya. Umupo siya at kinuha ang phone niya sa lamp table sa gilid ng kama.







"Hello?... What?! Ok i'm on my way.." Binaba niya ulit ang phone niya sa table at nagmadaling nagsuot ng sapatos. Anong meron? Kumunot ang noo ko.







"Sinong tumawag?" Tanong ko sa kaniya. Iritado at hindi maintindihan ang ekspresyon ng mukha niya. Teka? Anong meron?








"It's Ryan. Theres an emergency kailangan ko siyang puntahan. I'll be back after an hour ok, Babe? Dont go out just stay here." Hinalikan niya ang noo ko at kinuha ang susi ng kotse niya at halos patakbong lumabas ng bahay.







Ano? Anong nangyari? Bakit siya nagmamadali? Nagalala tuloy ako bigla kung bakit ganon na lang siya kung mag madali. Nalungkot ako bigla. Magisa lang ako ngayon sa bahay na to. Naisipan ko sana umuwi sa bahay ko kaya lang malayo naman yon dito tsaka ang bigat naman ng katawan ko at parang tinatamad ako. Bumuntong hininga na lang ako. Lumabas ako ng kwarto at naglibot libot lang sa buong mansion niya. Napaka tahimik. Hindi ko alam bakit pero dinala ako ng mga paa ko sa kwarto kung nasaan ang napaka laking painting ng babaeng nagngangalang Kaith Ledesma. Napahawak ako sa dibdib ko. Ito nanaman iyong masakit na pakiramdam tulad noong unang nakita ko to. Titig na titig ako sa painting. Bakit ganito na lang ang epekto sa'kin ng painting na to? Tulad noong una ko tong nakita ay umiyak nanaman ako. Sumakit ang ulo ko sa pagiyak ko kaya lumabas na ko ng kwarto na yon.






Pumunta ako ng kusina para makakuha ng inumin pero bago ako makatuloy doon ay tumunog ang telepono. Sinagot ko naman.






"Hello? Wade?!" Napapikit ako sa magkahalong panic at sigaw ni Ryan.




"Si- si Ema to. Wala si Wade dito." Kumunot ang noo ko.





"Shit! Baka pinuntahan na niya si Lia. Hindi ko macontact eh kailangan namin siya nila Lucas ngayon." Lia? Akala ko si Ryan ang pupuntahan niya..




"Akala ko pupuntahan ka niya? At anong meron kag Lia?" Tanong ko kay Ryan. So nagsisinungaling si Wade sa'kin?




"What? No. Hindi ko nga siya macontact kanina pa. Si Lia nagtext sa'kin may problema daw eh hindi ko na tinanong kasi busy ako. Well if Wade comes back please tell him to call me or Lucas asap. Bye." Binabaan na ko ni Ryan kaya binaba ko na din ang telepono.







Magkasama sila ni Lia? Bakit hindi niya sinabi sa'kin? Bakit kailangan niya magsinungaling? Biglang nag flashback sa utak ko noong gabi na kasama niya si Lia dito sa mansion. Ang sweet sweet nila. Tapos may gabi pang tinanong niya sa'kin kung anong meron si Yckos na wala sa kaniya. Naglasing siya ng sobra. Ilang araw makalipas noong gabing nangyari yon ay nakita ko sa balita si Yckos at Lia na nasa bar na naghahalikan. Iyon din ang bar kung saan ako huling nag marlboro girl at iyon din ang bar kung saan nagkita kami ni Wade at parehas ng oras na nakita ng media si Yckos at Lia. Hindi kaya.. Mahal niya si Lia? Hindi kaya rebound lang ako?






Rebound lang ako kasi ako iyong binili niya ng limpak limpak na salapi sa bidding. Tama, para lang akong isang bagay na binili niya at ginagamit niya. Pero sabi niya mahal niya ko? Umiyak pa siya tapos... Hindi pwede to. Naloko nanaman ba ko? Kung kelan mahal ko na siya tsaka pa ito nangyari? Bakit? Bakit Wade?

Owned by The Baddest Bidder [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon