Chapter Nine: Through Ups and Downs

158 1 1
                                    

For the following months, everything fall into place. Lagi niyang kasama si Julian. She learned about his struggles in life at nauunawaan na niya kung bakit aloof ito sa ibang tao except sa kanya at sa mga bandmates nito. At-- she rolls her eyes after hearing this-- sa mga babaeng nagpapakita ng motibo dito.

Alam niyang marami ang babaeng dumaan sa buhay nito pero pipilitin niyang siya na ang huli sa buhay nito. Lalo na at nararamdaman niyang mahal siya nito kahit wala pa itong sinasabi tungkol doon.

Nasa pad siya ng lalaki sa kasalukuyan. Saturday ngayon kaya wala siyang pasok. Bored siya sa bahay dahil wala ang mga magulang niya. Nagcruise kasi ang mga ito sa Carribean in celebration for their 25th anniversary. Next week pa ang uwi ng mga ito.

Sanay na siyang tumambay sa bachelor's pad na iyon ni Julian. Sometimes, she will cook him lunch, clean stuffs lying around there o kaya ay manood ng movies kasama ang lalaki. Ang manood ng movie ay ang paborito niyang gawin dito, they will lie there in his big couch and make out like there's no tomorrow oblivious to the movie they supposed to be watching.

Nagluluto siya ng kanilang tanghalian habang si Julian naman ay busy sa paggawa ng plates. Architecture ang kinukuhang course nito at nasa fifth year na. Pasalamat siya at wala siyang assignment kung hindi ay hindi siya makakabisita sa pad ni Julian. She is glad she is here dahil alam niyang hindi makakakain ang lalaki ngayong araw dahil sa ginagawa nito. Pinatay na niya ang stove at naghain.

Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. Nakasuot ito ng eyeglasses. Nakakatuwang nerd pala ang bad boy na boyfriend niya.

"Come on, honey. Let's eat. Mamaya na yan," imbita niya dito.

Tumigil nga ito sa ginagawa at naghikab, sabay akbay sa kanya. Nakangiti ito at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "Woman, anong gagawin ko kung wala ka sa tabi ko?" sabi nito at tumayo na silang dalawa patungo sa dining table.

Pagkatapos kumain ay ito na ang nagpasyang maghugas ng kinainan nila kahit pa sabi niyang siya na lang at ipagpatuloy na nito ang ginagawang assignment. Nang manalo ito sa argumento ay umupo na lang siya sa couch at nanood ng TV nang nakasimangot.

Nang matapos ito at tumabi sa kanya ay hindi niya ito pinansin. Umusog siya ng inuupuan. Patuloy ang paglipat niya ng channel.

"Oy, si Miss, gusto na namang lambingin ko," nanunudyong sabi nito at lumapit muli sa kanya.

"Hmp. Lambingin mo mukha mo," kunwaring nagtataray na sabi niya.

Kiniliti siya nito sa tagiliran, ang weakest point niya. Napasigaw siya at pilit na pinigilan ito pero patuloy pa rin ito sa pangingiliti. Hanggang mapahiga na siya sa couch, nakapailalim dito. Natigil ang pagtili niya, pati ang pangingiliti sa kanya ni Julian.

Nagkatitigan sila. Maya-maya ay bumaba ang mukha nito palapit sa kanya. Wala siyang magawa kundi ang mapapikit na lang. Hinintay ang paghalik sa kanya ng lalaki.

Hindi siya binigo nito. Maraming beses na siyang hinalikan ni Julian pero it gets better everytime. Para bang ang labi nito ay ang kapartner ng labi niya. She could not get enough with his kisses. Nagsimula niyang ilandas ang kamay niya patungo sa loob ng t-shirt nito.

Until You're Mine [Filipino]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon