"Kamusta naman si mareng Mina sa probinsya, iha? Naku namimiss nanamin siya." napahinto ako sa paglagay ng plato sa lamesa at napatingin kay Manang.
"Okay naman po siya. Minsan ay umuuwi siya sa bahay nila para kamustahin ang mga anak niya."
"Ganoon ba iha. Naku! Napakaganda mo talaga! Napakaswerte ni Carlos sa'yo. Hay, nag-aalala ako kay Sir Gilbert, puspusan kasi siya sa trabaho sa nakalipas na araw. Napagod siguro siya."
Hindi ko nagawang umimik at nagpatuloy sa ginagawa. May kung anong kumibot sa puso ko sa sinabi ni manang. Hindi ko maiiwasang sisihin ang sarili ko. Kung meron sana sa tabi nila si Carlos ay hindi aatkahin sa puso si tito. Hindi sana siya mahihirapan sa pagtratrabaho. Napailing ako at bumalik sa kwarto upang gisingin na si Carlos. Hindi naman namin gusto ni Carlos iyong nangyari. Hindi ko lang kasi maiwasang kabahan at nangangamba ako.
Nadatnan kong tulog na tulog parin si Carlos. Ayaw ko mang istorbohin ang pagtulog niya ay kailangan ko na siyang gisingin para kumain. Hindi pa man din kami kumain bago lumawas. Umupo ako sa ulonan niya at pinagmasdan ang payapa niyang mukha. Paano kong manatili muna pansamantala si Carlos dito? Hindi ko yata kata. Nasanay akong lagi siyang kasama sa lahat ng oras. Hindi ako nakakatulog ng maayos kung hindi siya ang katabi ko. At ang higit sa lahat ay ayoko ng long distance relationaship. Bumuntong hininga ako at tinapik ang pisngi niya.
"Carlos, gising na. Kailangan mo ng kumain, wala pang laman ang tiyan mo." isang ungol lang ang sagot niya at tinakip ang unan sa mukha.
"Carlos, wake up! Itutuloy na natin iyong hindi natuloy kahapon!" mas mabilis pa siya sa kidlat na humarap sa akin at kinukusot ang mata. Sinimangutan pa niya ako at hinila ang mukha ko palapit sa kanya.
"Talaga? Itutuloy natin? Sige hubaran mo na ako, Odessa."
"Heh! Linoloko lang kita! Ayaw mo kasing gumising. Bumangon ka na diyan at baka gising na si tito Gilbert." natatawa kong sabi at umayos ng tayo.
"Nakakainis ka naman! Pa hard to get ka, Odessa. Samantalang kahapon, ang pusok pusok mo at konti na lang ay susunggaban mo na ang ari ko." bigla ay uminit naman ang pisngi ko ng ipaalala niya ang kaagresibuhan ko kahapon.
"Hindi kaya! Uh, pinagbibigyan lang kita." ngunit tinawanan niya lang ako at bumangon.
"Tss. You can't fool me, Odessa. Nag-iinit nanaman ang katawan ko basta naaalala ko 'yon. Sayang din 'yon." hinampas ko siya ngunit mas lalo lang lumakas ang tawa niya. Goodness! Nakakahiya ang pinagsasabi niya! Nakakahiya ang nais kong gawin sa kanya dahil ako iyong nag iinitiate.
Sabay kaming bumaba at magkahawak ang kamay. Hindi pa man kami tuluyang nakakababa ay bumukas ang pintuan. Napatigil kami ni Carlos ng iluwa noon ang mga kaibigan niya na may wagas na ngiti sa mga labi.
"Carlos! Kita mo nga naman kung sino ang umuwi." isa isang lumapit si Joaquin, David at George. Imbes na kay Carlos sila lumapit ay nagulat na lang ako ng bumeso sila saakin at yinakap pa ko sa harapan ni Carlos.
"What the fuck? At saan kayo kumuha ng kupirmisong halikan at yakapin ang Odessa ko?! Tangina, labas!" pinagtutulak sila ni Carlos at tinago ako sa likuran niya ngunit tinawanan lang siya ng mga ito. Napangiti na lang ako ng sundan pa nila kami hanggang sa kusina. Magaan narin ang loob ko sa kanila at napatawad ko na sila sa nangyari noon.
"Don't you miss us, Carlos? Langya! Samantalang kami halos araw-araw ka naming namimiss." lumabi pa si Joaquin at hinawakan ang kamay ni Carlos.
"Fuck you, Joaquin! Huwag mo nga akong hawakan! Bakla nito!" pagsusungit niya dahilan upang humagalpak sila ng tawa.
"Gago! Lalaking lalaki ito, palakihan pa tayo, ano?"
"Tangina, Joaquin, sigurado mahihiya 'yan. Nandito ang fiance niya, e." napatigil naman ako sa paglagay ng hotdog sa plato ni Carlos at namumula ang mukhang napatingin kay George. Knowing boys! Naku, kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig nila.
BINABASA MO ANG
Everlasting
Fiksi UmumHanggang saan hahantong ang salitang everlasting kay Carlos at Odessa?