Chapter 10 - The Masquerade Ball

9K 200 27
                                    

Chapter 10 - The Masquerade Ball

Official Soundtrack - She Looks So Perfect by 5 Signs of Summer

Zoey's POV

So tonight is the night! The Acquaintance Party na may temang Masquerade Ball. I guess everyone is excited except for me, and people like me. You know, the nerds and the geeks. Lalung-lalo na ball gown ang sinusuot, eh simpleng gown, ayaw ko nga, ball gown pa kaya? Tss. Hindi ko lang talaga forte ang pagiging sossy.

"Oh anak, suotin mo na 'yang gown mo at dadating na rin dito ang make-up artist!" sabi ni mommy nang pumasok siya sa kwarto.

Tumango na lang ako at agad na kinuha ang gown ko na nasa gilid ng cabinet. 

Ang gown ko ay sobrang laki, you know, typical ball gown. Pero kakaiba ang disenyo. Siyempre, hindi pumayag si mommy na simple lang ang susuotin ko, gusto niya kasi bongga. Kahit ayaw ko man, hindi siya papayag. Tss.

Nang maisuot ko na ito, agad kog tinignan ang sarili ko sa salamin. Then, I tried my best to smile. 

Ganda ko! Hahah! Self-proclaimed.

Maya-maya ay pumasok na si mommy kasama ang make-up artist.

"Nako, bakla! Ayusin mo ang pagkamake-up ng anak ko ha? Make her the most beautiful that she can be!" panigurado ni mommy 'dun sa baklang make-up artist.

"Mom, should I take of my glasses?" tanong ko.

"Of course! You won't be wearing that tonight. Eh wala ka naman talaga kasing mali sa mata eh, tsaka may maskara ka." sabi ni mommy.

Oo, wala ngang mali mata ko, sadyang fashion ko lang magsuot ng square-rimmed glasses.

"Fine." 'yan na lang ang naisagot ko at nilagay ang glasses sa case.

Nang matapos na akong ayusan ng make-up artist. From my face, to my hair, agad akong tumayo para isuot ang stilletos ko.

"Oh ang ganda talaga ng anak ko oh! Manang-mana sa mommy." sabi ni mommy.

"Hindi, sa daddy!" sabi naman ni daddy na nasa labas.

"Bakit? Maganda ka ba? Ha?" sambit naman ni mommy. "So ano? Ready ka na anak?"

"Ready na." sabi ko sabay kuha ng purse ko.

"Hindi ka na namin ihahatid ng daddy mo, kasi may sundo ka." sabi nimommy.

"Ano?! Eh sino naman 'yan?" I said, shocked.

"Ewan anak, nakamaskara eh, pero parang gwapo. Parang Prince Charming!" sabi ni mommy. "Kaya hali ka na at naghihintay na ang Prince Charming mo!" sabi ni mommy habang hinila ako.

The Ice Princess vs. the CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon