Contest

162 10 3
                                    

"Sa pagpatak, ng bawat sandali.

Tinitikom lagi ang aking mga labi.

Inaaliw ang sarili sa musika.

Nanabik... Makapiling ka.

Makapiling ka."

Sabay kaming ngumiti ni Alec, ang boyfriend ko.

Nagppractice kami ngayon, para sa sasalihan kong singing contest.

Siya ang naggitara, ako ang kumakanta. Minsan naman vice versa.

Naisipan kong sumali sa contest dahil gusto ko ring bumili ng sarili kong gitara. Yung ginagamit namin ngayon, ay gitarang pag aari ni Alec.

Sabi niya, siya nalang daw ang bibili ng gitara para sakin, pero di ako pumayag. Hindi naman ako nagboyfriend para maging sugar daddy ko siya.

Gusto kong makabili ng gitara sa sarili kong sikap.

In the end, hindi narin siya naka kontra. Kaya, sinusuportahan nalang niya ako sa pagppractice. Sabay kaming kumakanta. Isa narin to sa mga bonding naming magkasintahan.

"Ganda talaga ng boses mo, Baby. Sigurado ako, ikaw na mananalo." ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

Ang sweet talaga ng taong to. Kaya nga mahal ko'to e.

"Thankyou Baby. Pero mas maganda sana kung tayong dalawa no. Kasi naman yun, bakit single singer lang. Dapat pwedeng duet!" reklamo ko. Gusto ko kasi, sabay parin kaming kakanta sa mismong performance. Kaso hindi pwede ang duet. Kahit nga, taga gitara lang, hindi pwedeng may kasama. Kaya ako lang talaga mag isa ang kakanta, at maggitara sa stage at the same time.

"Kakayanin ko kaya yun?" bakas sa mukha ko ang pag aalala.

"Oo naman, ikaw pa?" Aray. Kinurot ako sa pisngi. T^T

"Kapag nanalo ako dun, hahanap tayo ng guitar na tulad ng sayo." ngumiti ako sa kanya, kasabay ng pagtitig ko sa gitara niya.

"Baka naman, pag nakabili ka na ng gitara, pagpalit mo ako sa kanya." Nagpout siya. Ang cuuttee!

"Anu ka ba, hinde no. Nag iisa ka lang dito sa heart ko!" nagheart sign pa talaga ako.

Napangiti siya. Uy, kinilig! Haha.

Umakbay siya sakin. "Iloveyou, Baby."

"I love you too!"

Puspusan ang practice namin ni Alec. Isang linggo nalang kasi at contest na kaya sinagad namin ang pagppractice. Halos araw araw. Minsan inaabot pa kami ng gabi.

"Sa pagpatak, ng bawat sandali.

Tinitikom lagi ang aking mga labi.

Inaaliw ang sarili sa musika.

Nanabik... Makapiling ka.

Makapiling ka."

"Perfect muna, Baby Jai." wika niya.

"Excited nako para bukas!" ^o^

Ngumiti siya. "Galingan mo ah."

"Oo naman! Yie baby. Di na ata ako makakatulog."

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Subukan mong wag matulog, Baby. Lagot ka sakin. Sabi ko naman sayo, bawal ka nga magpuyat e!"

"Eto naman, nagbibiro lang ako Baby. Seryoso ka masyado." wika ko.

"Basta, kailangan mong matulog ng maaga ngayon. Okay? Kailangan mo ng maraming lakas para bukas."

JALEC ONESHOTS.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon