Epilogue

5.4K 75 7
                                    

Charlene's PoV

Kanina pa ako palakad lakad dito sa may kahabaan ng EDSA at kung saan saan na rin ako napadpad para lang makahanap ng papasukang trabaho. Naloloka na nga rin ako dahil feeling ko konting-konti nalang ay bibigay na itong heels ko. Matagal na kasi ito, taong jurassic world pa yata.

Patawid na sana ako ng bigla nalang may kung anong tumunog sa may paa ko, napatingin ako dito at iniangat ang paa ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"Ay shet!! Sabi na eh... Kasalanan 'to ni Nami! Grrrr."

Nagpagilid muna ako para tanggalin sa paa ko ang heels ko. Walastik! Kahit anong gawin ko hindi na maibalik yung takong niya. Paano na ako nito? Wala pa man din akong dala na tsinelas dito.

*sigh

"No choice... Kailangan ipagpatuloy ang paghahanap para may maipakain sa pamilya." usap ko sa sarili ko at paika-ika akong naglakad papunta sa kalsada. Patawid na ako ng bigla nalang umandar ang mga sasakyan... Waaaahhhh!! Anong gagawin ko? huhu.

Hindi ko alam kung babalik ako sa gilid o ipagpapatuloy ko ang paglalakad. Paano na 'to? Huhu...

*BEEEEEEEPPPPP

"Ay beep!" Halos mapalundag ako sa gulat ng biglang bumusina ang kotseng nasa harap ko. Hindi ko makita ang driver nito dahil sa sikat ng araw, nasisinagan kasi nito ang windshield niya.

*BEEEEEEEPPPPP

*BEEEEEEEPPPPP

"Kyaaahhh! Anong gagawin ko?"

Natataranta na ako, hindi ko alam kung saan ako lalakad. Ang hirap makipagpatentero sa mga sasakyan. Jusko, hindi po ako langgam para sagasaan nalang dito at iwan. Waaahhh!

"Hey idiot! Get out of there!!" sigaw ng lalaking nilabas pa ang kalahati ng ulo nito mula sa bintana ng driver's seat saka ako binusinahang muli. Hala! Anong gagawin ko? Teka, anong itinawag niya sa akin? Idiot? Ako idiot?? Idiot daw?!

"H-Hoy mamang nakasakay lang ng magarang sasakyan, for your information I am not an idiot, I graduated in a prestigious school here in the Philippines like UP, so, don't you dare call me in that trash talk of yours because I have a name. I have a beautiful name! You IDIOT!!"

Idinuro-duro ko sa kanya, perhaps sa may sasakyan niya ang high heels ko na sira. Akala ba niya madadaan niya ako sa pagtawag niya sa akin ng ganyan... Aba, malas niya dahil lalabanan ko siya kahit na magkamatayan kaming dalawa.

"I said get the hell out of there, Miss. I'm late on my appointment!"

Nagmake-face ako sa tapat mismo ng driver's seat kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya. Fishtea siya! Akala niya susukuan ko nalang siya. Chee! Neknek niya.

"Wala akong pakialam kung ma-late ka sa appointment mo dahil walang makakapigil sa akin kahit na upuan ko yang kotse mo! Bleee"

Binelatan ko siya habang nagmmake-face ako. Maski ang ibang sasakyan dito ay naabala ko na rin. Sinamaan ko nalang sila ng tingin saka ako naglakad sa gitna habang tumatawid.

"Crazy!" sigaw nong lalaki kanina saka pinaharurot ang sasakyan niya. Crazy-hin niya mukha niya.

"Baliw!!" halos ipagsigawan lahat ng mga driver yan na naabala ko. Aba, pati sila nakikisawsaw sa awayan namin ng lalaking yun.

Nang makatawid na ako ay sumilong muna ako dahil napapaso ang paa ko sa init ng semento. Huhu.

"Walang hiyang lalaki yun, sabihan ba naman ako ng idiot at crazy?! Wow ha! Hiyang-hiya naman ako sa katalinuhan niya. Tss. Pasalamat siya hindi ko siya namukhaan! Pesti siya!! Peste!! Pest------"

Im Inlove With My Sister's HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon