It's you I can't deny.

20 0 0
                                    

"Aarrgghh! Bat' hindi ba nila maintidihan yung salitang 'ayoko'?! Nakakainis!" Maktol ni Cass. Dumiretso sya sa bar na kadalasang pinupuntahan nilang magkakaibigan para magrelax. Masyado na syang nai-stress.

*Bzzt! Bzzt!*

Naramdaman nyang nag-vibrate ang iPhone nya at agad naman nya tong kinuha para tignan kung sinong nagtext. Mommy nya. [Haayy! Si mommy. Sesermunan na nman ako neto.] Hindi nya kasi sinasagot ang mga tawag ng Mommy nya kaya siguro ay nagtex na lang ito. Hindi naman nya mapatay ang phone nya dahil katext at katawagan nya rin nya ang mga friends nya.

From: Mommy

[Cass, nasan ka? umuwi ka sa bahay ngayon na! Maguusap tayo bata ka!]

Haay..... Bakit ba ang tigas ng ulo ng mga magulang nya? Halata kung kanino siya nagmana. Tss. Bakit sya uuwi kung alam naman nya na sesermunan lang sya ng bongga ng Mommy nya? Ano sya hilo? Nek nek nyo! Nilapag nya ng iPhone nya sa table at tinuloy ang pag-inom. "Bahala kayo sa buhay niyo! Manigas kayo! Hmp!" Kinakausap nya ang cellphone nya na parang naririnig naman ito ng magulang nya.

"CASS!" May sumigaw ng pangalan nya sa hindi kalayuan. Tinignan na ito at nakita nya ang mga kaibigan nyang sina Kelly at Jan na papalapit sa kanya.

"Hoy girl! Kumustasa naman? Bat' salubong na naman yang kilaylalu mo? Sinubukan ka na naman ba ng Trisha na yan?! Gusto mo sampolan naten?!" Sunud-sunod na tanong ni Jan. Opo, isa po syang Beki. Pero totoong kaibigan yan.

"Hinde noh. Try lang nya!" Sabi naman nito sa friend nya. Inabot na naman nya ang shot glass at ininom ang laman nito.

"Eh what's the problem ba? Spill it na kaya. I have so many thing to do pa noh." Tanong naman ni Kelly. Opo, may kaartehan po sya pero mabait yan.

"Why so conyo Lee?" Sabay irap. "Sila Mommy kase eh! Nakakaninis!" Parang batang Sagot nya sa tanong ni Kelly.

"Oh? What's with your mudralu?"-Jan.

"Pinipilit ba naman akong ipakasal sa anak ng business partner nila! Eh diba ang PANGET nun! Yaaaakk!" Nag make face pa sya na parang diring-diri sa mga sinabi nya. Aba! Hindi pwedeng mangyari yun noh.

"Eeeeewwwww..... The guy we saw last week sa party? Yung in-introduce sayo ng Mom mo? Yuck girl, ang pangit nga nun!" -Kelly. Sabay cover pa ng bibig nya na parang nasusuka.

"Ano bang pumasok sa brain nyang nanay mo at gusto kang ipakasal sa mukhang gurami na yon? Aba. Kahit ako na isang beki hindi makakapayag na itali dun forever noh." -Jan. Umiiling-iling pa ito.

"Yun na nga eh. Hindi man lang sa nagdalawang isip na ipakasal ako sa mukhang unggoy na yun! Sayang naman ang ganda ko kung ikakasal ako sa kanya! Inalagaan ko ng matagal na panahon tong mala-dyosa kong kagandahan tapos ganun lang? Nakakainis talaga! At ang sabi pa ni Mommy tatanggalan nya raw ako ng mana kapag hindi ako pumayag! Na hanggat' hindi ako umagree sa gusto nila eh wala akong makukuha sa kanila. Bahala na daw ako sa buhay ko. As if naman natatakot ako noh. Hah!" Tuluy-tuloy nyang kwento sa mga kaibigan nya. Hindi sya natatakot kung hindi man sya suportahan ng mga magulang nya. Meron syang sariling negosyo, regalo sa kanya ng kanyang Lola pagka-graduate ng High school. Sa edad na 16 meron na syang sariling clothing line. Pinangalan sa kanya ito - Cassidy's. Oh diba? Ang tagal nyang pinag-isipan yung ipapangalan nya sa store nya!

"Eh di bahala ka na nga sa buhay mo girl. Basta wag mo kame idadamay sa kalokohan mo. Takot ko lang sa nanay mong monster! Daig pa nun si Godzilla kung magalit noh!" Sabi ni Jan na umiinom na rin.

"Tama ka dyan bekilouuuu! Apir!" Sabi ni kelly. Nag-apir naman sila ni Jan.

"Napaka-supportive nyo namang mga friends! Grabe." Sarkastikong sabi ni Cass.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's you I can't deny.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon