Waiting Shed (One Shot)

48 5 3
                                    


His POV


Stranded na naman ako dito sa waiting shed dahil sa malakas na ulan. Haiyzxt! Buntong hininga ko na lamang sa kawalan. Bakit ba kasi nakakatamad mag-dala ng payong ee. Dati pa lang wala na sa bukabularyo ko ang salitang payong bukod kasi sa mabigat ay hindi pa kasya sa bag ko.


Nandito lang ako ngayon sa tabi ng poste ng waiting shed at nakasandal habang nakasalpak sa magkabilang tenga ko ang headset ko. Ganito palagi ang set-up ko kada aabutan ako ng malakas na ulan, tambay sa waiting shed habang hinihintay tumila ang ulan.


Pero katulad ko ay palagi ko rin nakikita ang babaeng nasa unahan ko na naghihintay dito sa waiting shed na tumila ang ulan. Mukhang wala din sa bukabularyo ng babaeng 'to ang salitang payong. Dahil ilang beses ko na syang nakakasabay dito sa waiting shed na naghihintay tumila ang ulan.


Mula sa likuran nya ay palagi ko din syang pinagmamasdan sa mga ginagawa nya para hindi mainip sa paghihintay ng pagtila ng ulan. Nakita ko syang huminga ng malalim at bumuntong hininga. Tumingala sya sa kalangitan at pumikit. Siguro ay nagdadasal sya na sana huminto na ang ulan.


Para akong tangang nakatingin at titig na titig sa mga ginagawa nya. Siguro kung lilingon sya sakin ay iisipin nyang masama akong tao. Pero sana nga lumingon man lang sya...sakin.


Lumipas ang ilang oras at humihina na ang malakas na ulan. Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang makita kong sinusuong na ng babae ang ambon at tumatakbong umalis sa waiting shed. Sana umulan ulit bukas. Tanging nasabi ko sa sarili ko bago tuluyang umalis ng waiting shed.


Lumipas ang mga araw at hindi pa rin umuulan ulit. Pero palagi pa rin akong dumadaan ng waiting shed pagpauwi na ako para tingnan kung makikita ko ulit yung babae. Haiyzxt! Buntong hininga ko ng lumipas ang ilang oras pero wala pa rin yung babae. Tumingin ako sa langit, mataas ang sikat ng araw at imposible talagang uulan ngayong araw.


Kailan kaya ulit uulan? Sana umulan na. Gusto ko ng makita ulit yung babae. Sabi ko sa isip ko habang nakatingin pa rin sa maaraw na kalangitan. Tumayo na ako para umuwi ng mahagip ng paningin ko ang ang isang maliit na sulat sa may kalawanging upuan dito sa waiting shed. Kung hindi ako nagkakamali wala naman kahapon 'yang sulat na 'yan.


I miss you mysterious guy. Kailan kaya kita ulit makikita? <3


Hindi ko alam kung bakit, pero kusa na lang akong napangiti sa naka-sulat. Napaisip tuloy ako...kailan ko kaya ulit siya makikita?


Ilang araw ang lumipas, buwan hanggang umabot na ng isang taon. Tapos na din ang tag-ulan pero hindi ko na nakita pa yung babae. Biglang nalungkot ang puso ko. Mahal ko na ba ang babaeng yun? Ito na ba ang tinatawag nilang love in first sight? Shit! Ang bakla lang pakinggan.


Kahit hindi na tag-ulan ay palagi pa rin akong dumadaan sa waiting shed at nagbabaka sakaling muling makikita ang babaeng yun. Ilang oras akong tumatambay at naghihintay sa waiting shed pero hindi ko na talaga sya nakikita pa.


Her POV


Isang taon na ang lumipas mula nang huling nakita ko ang lalaking yun sa waiting shed. Mula noong unang beses ko sya nakita sa may waiting shed ay palagi ko ng hinihiling na sana umulan para palagi ko syang makita. Pero mukhang hindi talaga ako malakas kay God dahil hindi nya man lang mapagbigyan ang hiling ko.


Nakakatawa nga ee, kasi kada makikita ko noon na mukhang humihina na ang ulan ay tumitingala ako sa langit at pinagdadasal ko na sana ay wag munang huminto ang ulan. Pero sadyang hindi ata talaga ako malakas kay God dahil ilang minuto din ay humihina na ang ulan.


Natatawa na nga lang ako pag naaalala ko ang mga panahon na nakakasabay ko yung lalaki sa waiting shed. Lagi ko syang nakikitang nakapwesto sa tabi ng poste at nakasandal. Palagi ko din nararamdaman yung kakaibang kaba't tuwa sa dibdib at tiyan ko kada madadatnan ko syang nasa waiting shed. Gustong-gusto kong lumingon sa kanya at titigan ang mukha nya pero nahihiya akong mahuli nya kaya kung anu-ano na lang ang ginagawa ko para pigilan ang sarili kong tumingin sa kanya.


Palagi pa rin pala akong dumadaan tuwing umaga bago pumasok at tumatambay sa waiting shed nagbabakasakaling makita ko ulit ang lalaking yun pero mukhang hindi ata talaga kami itinadhana para sa isa't isa dahil hindi ko na sya nakita pa. Isang beses habang nakatambay ay naisipan kong mag-sulat sa may upuan ng kung anu-ano. Nakakainis, hindi ko man lang alam yung pangalan niya. I miss you mysterious guy. Kailan kaya kita ulit makikita? <3 Lumingon ako sa paligid para tingnan kung may tao, baka kasi pagalitan ako dahil sa pag-va-vandalism dito sa may waiting shed. Tumayo nalang ako at mabilis na umalis.


Naglalakad ako ngayon papuntang waiting shed, dadaan lang ako para tingnan kung makikita ko na ulit yung lalaki. Ang landi ba? Sorry ah! Na-love at first sight ata ako ee kaya di ko sya makalimutan.


Tumingala ako sa maulap na kalangitan. Napangiti na lang ako ng makita ang makulimlim at nagbabadyang malakas na ulan. Para akong tanga habang naglalakad at nakangiti. Kumakanta-kanta pa akong binabaybay ang eskinita namin papuntang waiting shed.


Unti-unti na ngang pumapatak ang ulan. Para akong tangang tumatakbo habang ang laki-laki ng ngiti. Unti-unti na din akong nababasa pero wala akong pakialam. Tanging nasa isip ko lang ay makarating sa waiting shed at makasilong.


Natatanaw ko na ang waiting shed at patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ilang hakbang na lang ay makakasilong na ako. Ngunit sadyang di ata ako pinagpala at madudulas pa ako. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at hihintayin ang pagbagsak ko sa basang semento. Pero imbis na basang semento ang maramdaman ko ay isang kamay ang naramdaman kong humawak sa bewang ko.


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking gulat na gulat na nakatitig sakin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko at sadyang napangiti ang mga labi ko. Nakita ko na din ulit sa wakas ang lalaking halos araw-araw kong inaabangan dito sa waiting shed.

Waiting Shed (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon