Chapter 7
Katrina
Wala akong pakialam kahit halos paliparin ko ang kotse ko. Saka ko na po-problemahin kung mahuli man ako ng pulis. Ang importante ay makarating ako ng hacienda sa lalong madaling panahon.
Kanina pang madaling araw ako nag-b-byahe. Noong narinig ko ang boses ni Juaquin, hindi na ako nagdalawang isip na pumunta ng hacienda. Gusto ko syang makita! Kahit gaano kalayo ang kinalalagyan ko. Hindi na ako nagpaalam kay Rafael at magisa na lang akong pumunta ng airport. Mabuti na lang at may flight papuntang Maynila na may isang vacant slot. Kahit ayaw ko sa likot ng eroplano, kung saan naroon ang bakanteng upuan, ay pinagtyagaan ko na lang. Sandali lang naman ang byahe kaya ko na itong pagtiisan.
I have to see him myself para lubusan akong maniwala na nakarating sya sa panahon ko. Kung totoo mang sya 'yon, paano nya nagawang mapadpad dito? Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakahanap ng paraan para makabalik sa kanya, pero sya nagawa nya? Hindi ko talaga maintindihan! Paano nangyari yon? Pero kailangang ko pa bang alamin? Hindi ba ang importante ay nandito na si Juaquin?
Mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. I can't wait to see him again! I've never driven this fast before, pero kahit na sobrang bilis na ng pagpapatakbo ko, feeling ko ang bagal ko pa din. Natuwa ako nang makita ko na ang karatula ng hacienda. Habang papalapit ako sa hacienda ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Makikita ko sya. Ang tagal ko g pinanabikan ang mga sandaling ito!
Konti na lang....
Nang papaliko na ako sa entrance ng hacienda, narinig ko ang isang malakas ng putok! Kasabay 'non ay pagkawala sa balanse ng sasakyan ko!
Sumabog ang gulong ko!
I tired my best to control the wheel. Pero dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ay nahirapan akong kontrolon ang sasakyan!
Presence of mind Kat!!!
Kahit natatakot na ako ay nilakasan ko pa din ang loob ko. Out of control na ang sasakyan!
Anoi ba 'to! Hindi ako prepared sa ganitong mga sitwasyon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Inapakan ko ang preno, pero naramdaman ko agad na muntik ng tumaob ang sasakyan! Tinanggal ko agad ang pagkakaapak ko sa preno at sinubukan ko na lang iilid sa hindi semantadong parte ng kalsada, pero out of control pa din sya! Hanggang sa naramdaman ko ang malakas na impact na nagpayanig sa buong katawan ko! Sumalpok ako sa isang malaking puno! Mabuti na lang at ugali ko ang nag-s-seat belt kaya hindi ako masyadong napahamak. Gayon pa man ay tumama din ang ulo ko sa isang bahagi ng sasakyan kaya nahilo ako.Shooot!.. Ang sakit ng katawan ko, nanlalabo pa ang paningin ko sa sobrang pagkahilo! Pero kahit na ganon ang nararamdaman ko, pinilit kong lumabas ng kotse. NIyugyog ko ang ulo ko para magising ako, pero parang mas lalong sumakit ang ulo ko. Sinikap kong maglakad pero parang tinakasan ako ng lahat ng lakas ko at napaupo ako. Sumandal ako sa may puno. Kailangan ko lang ng ilang sandali para maka-recover ako.
Nagdidilim na ang paningin ko ng may maaninigan akong anino.
"Katrina?! Katrina!"
Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa sobrang gusto kong makita si Juaquin, nag-ha-hallucinate na ako. Mas mabuti nangang ituloy ko na muna sa tulog ito kahit sandali lang.
Juaquin
Naglibot ako sa hacienda upang pagmasdan ang aking kapaligiran. Napakalaki ng pagbabago, katulad ng mga naikwento sa akin ni Katrina. May mga manggagawa na binabati ako, ngunit sa ibang pangalan. Tinatawag nila akong Sir Rafael? Kung sino man 'yon ay sa palagay ko ay malaki ang aking pagkakahawig sa kanya. Tinatanguan ko na lang sila bilang pagbati, at hindi na din nakikipagusap. Alam kong hindi naaangkop ang aking pananalita sa kanilang panahon, kaya minabuti ko na lang na hindi gaanong magsalita. Tanging ang abuelo at abuela ni Katrina ang nakapansin sa kakaibang pagkatao ko, kaya minabuti ko na din na lumayo upang hindi na nila ako