30th Chapter

18 0 0
                                    

Ashley

Midterms week na namin ngayon week na 'to so subsob talaga ako sa pag-aaral naiintindihan naman ni Rade 'yon dahil alam nyang mahirap na pag bumagsak ako. Si Gabbie? Nag excel talaga sya sa school, siguro dahil nga broken hearted! Kaya ayon nag-aral nalang sya ng mabuti. Puyat ako the whole week, pano ba naman ang dami ng inaaral ko. Jusko feel na feel ko na talaga ang college life..

"Ma! Alis na po ako. Jusko late na pala ako!!" Nagmadali akong bumaba at kumuha ng isang sandwich at dire-diretso sa labas namin. "Pag minamalas ka nga naman!" Ang tagal ng jeep, hay na ko Ashley!

"Hop in!" Ani Gabe na sakay ng kanyang kotse. Rich kid talaga 'tong isang 'to, sabi ni mama wag daw tatanggi sa grasya kaya sumakay na rin ako para makausap si Gabe, about sa kanila ng best friend ko..

"Uy thank you Gabe ha! You're a hero." Pag-approach ko sa kanya, masyado kasi syang seryoso e!

"No problem," maiksi nyang sabi sa akin at tumingin na ulit sa daan.

"Uhm, Gabe? Paano na kayo ni Gabbie? Parang ang pangit naman yata kung hindi kayo magkaka-ayos diba?" Suhestiyon ko.

"I tried, pero mukha sarado na talaga yung puso't isipan ni Gabbie eh," Ani Gabe. "Kasi siguro ako yung dahilan kung bakit sya naging bato."

"May point ka naman, kasi dati hindi naman ganon si Gabbie pag may problema e. Pero wag kang mag-alala hindi sya suicidal!!" Pag bibiro ko, agad naman syang napatingin sa gulat dahil sa sinabi ko. "Nag-bibiro lang ako, Gabe."

*

Hay nako! Late na nga kami, mas lalo pa kaming na-late dahil sa matindi na namang traffic sa Sanders. Hindi na nagawang makapag-short cut ni Gabe dahil na rin siguro pre-occupied sya nong mga oras na iyon. At ang resulta? Absent kami sa 1st subject namin! Masungit pa naman 'yong prof namin don. Kainis!!

"Hoy bes! Bat ka absent sa time ni Ms. Arqueza?" Tanong ni Gabbie habang kumokopya ako ng notes at sya naman ay kumakain nong binili kong fries, takaw talaga.

"Late na kasi ako nagising bes, si mama naman 'di ako ginising." Paliwanag ko nang hindi bumibitaw ng tingin sa binabasa ko. Ayokong sabihin sa kanya na kasabay ko si Gabe kanina dahil alam kong mawawala sya sa mood nya. Sinabi ko na rin 'yon kay Gabe na wag munang kausapin si Gabbie, baka kasi maging dragona na naman itong babaeng 'to e!

"Pinuyat ka ba ni Rade? Loko 'yon ah!" Ani Gabbie na para bang gusto akong asarin.

"Anong pinuyat! Hoy pinuyat ako nung essay natin sa History ano." Pag dipensa ko sa nagbabadya pa nyang pang-aasar.

"Okay, sabi mo e. Ano tapos ka na ba dyan? Tara na kaya at baka mapunta na naman tayo sa huling row," Ani Gabbie habang inaayos ang gamit nya. "Ayoko 'don makikinig ako sa Stat."

Mabilis kaming naglakad palabas ng kinainan naming fast food, dali daling binuksan ni Gabbie ang kanyang payong at saka kami nag share. Pagga ganitong scenario tinatamad akong mag bukas ng payong o anuman.

Pag-dating namin sa building, parehong tagagtak ang pawis namin ni Gabbie. Pumasok na kami sa room at saka nagpa-hangin, hindi ko maiwasang mapatingin kay Gabe na halatang malalim ang iniisip habang nakatitig sa init na init na si Gabbie.

"Napaka-init pag tanghali, tapos umuulan naman pag gabi." Pagrereklamo ni Gabbie sa akin at halata mong naiinis na dahil alam kong napapansin nya din si Gabe.

"Para namang hindi ka na nasanay no." Suhestiyon ko, "Bes kelan ba ang midterms natin sa Filipino?"

"Speaking of Filipino, may project nga pala tayo doon na kaylangan nating panoorin yung movie na Heneral Luna." Ani Gabbie habang sinusuklay ang buhok nya gamit 'yong daliri nya, "At sa monday kaylangan na nong reaction paper about sa movie."

Break FreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon