<Planet #329870 : EarthRank: 1
Congratulation. Earth accumulated the minimum population required to be a rank 2 planet.
Planet #329870 : Earth will evolve to Planet #329870 : Earth+
All inhabitant :
+20% Strength
+20% Vitality
+20% Intelligent
Mana Unlocked >Damn, what the hell! Nagising ako sa pagkakagulat ko nang may narinig akong malakas na busina. Shit! Truck! Ang Bilis! Saka ko lang narealize na napatigil din ang stepdad ni Ashley sa pagmomotor. Parehas silang tulala na nakatitig lamang sa harapan nila. Sa mismong crossing sila tumigil. Baaaaaaanng!!!! Bumunggo ang truck kina Ashley......
SHIIIIIIT!!!!!!!! FUCK THIS LIFE!!!!!!!!!!
ASHLEY!
Nagising din sa pagkatulala ang mga tanod at ang iba pang mga tao na nasa paligid. Agad akong bumaba sa patrol car ng mga tanod. Hinawi ko ang parang blue screen na humaharang sa paningin ko. 'Yung para bang nag-swipe ka sa touch screen na cellphone. Agad naman itong nawala ngunit bigla akong natalisod. Tumama ang labi ko sa maliit na bato. Nanginginig ako. Dahan-dahang pumapatak ang mga luha. Pumutok ang labi ko pero hindi ko agad ito napansin. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at ginapang papalapit ang nakahigang katawan ni Ashley sa kalsada.
"Hon!! Gumusing ka. Wag kang pipikit! Ambulansya, tumawag kayo ng ambulansya! You! What are you looking at do you think this is a show!! FUCKING CALL AN AMBULANCE, IMMEDIATELY MOTHERFUCKERS!"
"HON, wag mo akong iwan please. I love you."
"I love you so much. Please honey."
Niyakap ko siya. Dahan-dahan kong ipinatong ang ulo ko sa nakahigang katawan nito. Para akong batang umiiyak. Hindi ko mapigilan. Hinalikan ko siya ng matagal. Torrid. Nakapikit na ang mga mata niya at nawala na din ang init na temperatura sa katawan niya. Isang minuto, dalawang minuto inabot pa nga ako siguro ng limang minuto bago ko alisin ang aking labi sa kanyang lips. I keep saying to myself na kailangan kong maging kalmado pero parang ilog ang luha ko. Ang sipon ko natulo na. Wala na kong pakialam. Nawala na 'yung pinakamamahal ko.
And then BAM!! Parang sumabog ang utak ko. Yung klaseng namatay lahat ng tamang pag-iisip ko na nasa utak ko. Nahulog yung braso ni Ashley nung niyakap ko siya pataas. Di ko alam kung nagdilim ang paningin ko pero pinagsusuntok ko yung kalsada. Sumigaw ako ng sumigaw, hanggang sa nagmanhid na ang kamao ko. I love her more than anyone! Para sakin, pamilya na ang turing ko sa kanya. Tapos bigla na lang siyang mawawala sakin ng ganito. Kung hindi lang sana siya tinatrato ng ganon ng step dad niya ......
Step dad?
Step dad.
Step dad.....
"Hon, dito ka muna ha. Babalikan ka ni hon mo."
Dahan- dahan kong ibinababa si Ashley. Tumingala ako sa madugong kalangitan sa pulang-pula na kalangitan! Ang lahat ng pangyayaring ito ay inabot lamang ng 10 minuto. Di ko napansin pero may ambulansya na pala. Lumapit ako sa step dad ni Ashley. Buhay pa sya dahil si Ashley talaga ang napuruhan. Tinulak ko 'yung nurse na nagti-treat sa kanya na nagmagandang loob na tumulong. Nabali ang buto niya sa hita. Medyo tuklap ang balat sa mukha pero malusog na malusog pa din siya kung ikukumpara kay Ashley.
"Bakit buhay ka pa?" tanong ko dito. Lumingon siya sa side ko. Tumitig ito sa akin.
"BAKIT! Buhay ka pa? Tinatanong kita?"
Hinahawakan ako ng nurse at ng mga tanod. May mga sinasabi sila sa akin pero wala na akong maintindihan. Galit. Galit na lang ang naiintindihan ko. I don't know how but bigla kong naramdaman na nagbulk up yung mga muscles ko. Nararamdaman ko na parang may heat energy na sumisingaw sa buong katawan ko.'Yung mga ugat ko lumalaki na para bang bulate.
" AHHHHHHHHH!!!!"
Pakiramdam ko bigla na lamang akong lumakas. 'Yung feeling na para bang naputol yung existence ko sa mundo. 'Yung galit na lang yung natira sa utak ko. Parang hayop na instinct lang ang nagpapatakbo ng utak ko. Tumingala ako sa langit. Para akong kinausap ng madugong buwan. Na para bang binulong niya sa akin habang nakatitig ako dito na.... Galit.... Pabulong kong sinabi sa sarili ko.... Galit....
.
.
.
.
"BAKIT BUHAY KA PANG PUTAAAAAAAAAAAAAANG INA KA!!!"
Sinipa ko yung tanod na nasa tabi ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang mukha ng step dad ni Ashley.
"BAKIT?"
"BAKIT, BUHAY KA PA!!!!!"
Inihampas ko yung pagmumukha niya sa kalsada. Parang buko na inihampas sa pader. Paulit-ulit, paulit-ulit din ako sumisigaw. Isinisigaw ko lahat ng katarantaduhan niya. Yung pangbubugbog niya at pananamantala kay Ashley, paulit-ulit pero di pa din ako masatisfy. I don't know why, pero walang pumipigil sa akin. Siguro, naiintindihan nila ang galit ko. Binitawan ko ang ulo nito at inikot ko ang broken legs nito. Nasigaw na siya. Sinipa ko ang leeg niya. Sumuka ang kanyang basag-basag na labi ng dugo. Hindi ko siya tinigilan. Sipa.. sipa.. sipa.. suntok... suntok.. sipa... sipa.. sipa..
Natauhan lang ako ng biglang may nag-ring na cellphone.
Don't get too close,
It's dark inside,
It's where my demons hide,
It's where my demons hide,
....
Saka ko lamang napansin na nadugo na pala ang tagiliran ko. Lumingon ako sa kanan ko. May mga pulis na nakatutok ang mga baril sa akin. Ahh, binaril na pala nila ako. Saka ko lamang naramdaman ang kirot sa may tagiliran ko. Tumungo ako sa step dad ni Ashley na nakahandusay. Tila nakapit pa siya sa buhay. Ayaw pang bumitaw.
Biglang lumabas nanaman ang blue plate. Para siyang hologram. Para siyang notification sa games.
Ding!
<The evolution of Planet #329870 : Earth will start in 3..... 2..... 1.....>
Ding!
Nawala yung unang notification pero ang sumunod naman ay ito....
<Inventory
Status
Skills
World Ranking>Nagulat ako pero agad ko itong hinawi na para bang nagswipe sa touch screen na cellphone. May ball of light na lumabas sa harap ko at nagmaterialize ito ng isang kakaibang kutsilyo. Tignan mo nga naman pati ata ang langit tinutulungan akong patayin ka. Pinulot ko ito habang nagmamasid sa paligid. Bawat taong naandito ay nagulat dahil bawat isa sa kanila ay may nahulog na kutsilyo sa harapan nila mula sa ball of light. Nang mahawakan ko na ito ay may biglang lumabas na..
<Beginners Knife acquired>
Ding! Isa pang notification ang lumabas.
<Rock and Roll to the World!>
Fuck..........
BINABASA MO ANG
Beast Mode: On
Bilim KurguAng bawat isa sa atin ay may sari-sariling consciousness and inner thoughts, hindi mo pwedeng i-judge as a whole ang lahat ng tao dahil ang bawat isa sa mga ito ay magkakaiba, may uniqueness. Mabilis na tumatakbo ang oras pero sa iba ito'y mabagal n...