HULING BYAHE

90 1 0
                                    

Hindi ito SEQUEL ng story ko. Pero kwentong kababalaghan at katatakutan parin.

Sana magustuhan n'yo kagaya nang nauna.  ENJOY!!!


****************************************************

Eto yung mga kwentong kababalaghan na di mo aakalaing nangyayari pala talaga.

May mga lugar na di na natatandaan kung saan kaya mas minabuti ko nang 'wag banggitin pa. Maiksi lang ang kwento kaya di ko na patatagalin pa.

Pangyayari ito na totoo. Maaring kathang-isip lang ng nakaranas nito. Pero para sa kanya, isang di malilimutang kababalaghan at karanasan ito.

Minsan, paglabas ng kakilala ko galing trabo, nagkaayaan silang magkakaibigan at magkakatrabaho na mag-inuman sa bahay ng isa pa nilang katrabaho sa lugar sa di kalayuan, na di ko na nga matandaan kung saan, kaya di ko na babanggitin.

Walang pasok ang magkakatrabaho. Last day of work kaya excited ang lahat sa plano.

Nakarating din sila sa pupuntahan at masaya naman. Nag-umpisa nang mag inuman, mag kantahan, tawanan, kainan...kwentuhan. At napasarap nga ang lahat sa pagsasaya, hanggang gabihin na sila. hanggang inabutan na sila ng madaling araw, tuloy parin ang saya. May ibang lasing na, may ibang malakas pa. Ang iba naman kantahan at kainan parin.

Isa sa mga kasama nila, nakatira sa kalapit baranggay lang. Kaya nang matapos ang kasiyahan hanggang madaling araw, nag paalam na si kuya para umuwi....pumara muna sya ng ilang tricycle, hanggang may huminto at isinakay sya at saka nagpaalam sa mga kasama na uuwi na.

Habang nasa daan, sabi ni kuya kay mamang driver, "kuya sa may kabilang baranggay lang ho. "...

Hindi, nag sasalita si kuyang driver at tuloy parin sa pag mamaneho.

Sa kantong madadaanan bago sumapit sa kabilang baranggay kung saan nakatira si kuyang lasing, may mahabang daan na hindi madalas daanan ng mga tricycle kahit taga doon, lalo pagsasapit na ang dilim. KAramihan ay umiiwas doon, at madalas na nagpapalipas nalang ng umaga wag lang madaan yun sa gabi.

Binansagan na nga ng mga taga doon ang daan na yun na "kalye dilim" dahil sa sobrang dilim tuwing gabi, na halos di madaanan at di makita ang daan sa di malamang dahilan. May mga nagkakabit narin ng mangilan-ilang ilaw doon, pero di rin nagtatagal at mawawalan din ng liwanag, kaya minabuti nalang nilang ganun ang daan na yun.

Going back kay kuyang lasing na nakasakay sa tricycle, napansin nyang dadaan sila sa madilim na kalye na yun. Kaya sabi nya kay mamang driver kung pwede pang sa ibang kalye nalang dumaan. Di parin nagsasalita ang driver, tuloy lang sa pagmamaneho at dumiretso parin sa "kalye dilim".

Naisip naman ni kuyang lasing, yung na ang pinakamalapit na daan pauwi sa kanila kaya titiisin nalang nya.

Pagpasok sa kalye, unti-unti nang dumidilim ang paligid...padilim ng padilim na ilaw nalang sa tricycle ang nakikita. Maya-maya bigla humina ang takbo ng tricycle. Nagtaka si kuyang lasing...pero naisip nya baka kasi madilim lang talaga kaya nag iingat si mamang driver.

Nang biglang namatay ang ilaw at bumilis ang takbo ng tricycle. Pumara si kuyang lasing sa takot at nagsabing ihinto nalang ang tricyle. Ayaw makinig ng driver, tuloy parin sa patakbo ng matulin. Lalong kinabahan! Pinagsabihan nya ulit si mamang driver na maghinay-hinay lang sa pagmamaneho, dahil makakarating din naman sila sa pupuntahan. Sadyang walang tinag ang driver at matulin parin. Sa takot ni kuya, nawala ang kalasingan nya at napadasal nalang...."ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo....." nang pabulong.

Biglang tumawa ng malakas si mamang tricycle driver ng napaka lakas. Tawang di mo maintindihan at kakikilabutan. Sa gulat ni kuya, napalakas ang dasal nya.."bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw-araw..."

"ahhahahahhah"....isang makapanindig balahibo na tawa ni mamang driver.

"sige magdasal ka.....gusto mo sabayan pa kita ?". At sumabay nga sa dasal si mamang driver na may sa-dimonyong tawa at boses habang tuloy parin ang byaheng langit na tulin ng tricyle. "wag mo kaming ipahintulot sa tukso at idya mo kami sa lahat ng masama"..."hahahahhaah!!" sige lang...magdasal ka pa...

Sa takot na nararanasan ni kuya at sa paglapastangan ni mamang driver sa dasal para sa may kapal....di na nakatiis si kuyang lasing at tumalon na sya balabas ng tricycle.

Kinaumagahan, nang magising si kuyang lasing...di na nya matandaan ang nangyari pagkatapos nyang tumalon. Ang di malilimutang eksena nalang sa tricycle ang tumatak sa kanya. Kaya sinubukan nyan ipagtanong ang tricyle na nasakyan nya. Sa kasamaang palad, mukhang walang nakakakilala sa driver ng ni-describe nya o kahit ang marka o palatandaan ng tricycle na nakakapagkilala dito.

Naisip ni kuya na wala din naman maniniwala kung ipipilit nyang hanapin yung driver o kahit yung tricycle, kasi nga walang nakakakilala o nakakamuka kahit yung tricycle na nasakyan nya. Sabi ng mga matatandang driver doon, sa tagal na nila sa lugar na yun, wala pa silang nakikitang ganung tricycle o driver.

Kung iisipin mo nga naman, pag nasa probinsya ka, halos lahat ng tao dun magkakabaranggay o kalapit baranggay ay magkakakilala at nagkakamukaan.

Kilabutan man si kuya, buti nalang buhay pa sya. 

KATATAKUTAN!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon